Chapter 18

985 33 1
                                    

Ziah's POV:)
Umuwi na muna ako saglit para magpalit ng damit at para hintayin sila Kuya. May trabaho pa kasi silang dapat tapusin.

——— TIMESKIP———

Nag movie marathon muna ako habang naghihintay kayla Kuya. Nung tinignan ko naman yung oras, nagmadali akong tumayo sa kinauupuan ko dahil magdi-dinner na pala kami.

Nung tumayo ako, agad naman akong lumabas ng condo. Malapit lang naman yung restaurant na pinagreservan nila Kuya. Mga walking distance lang mula sa condo ko.

Nung nakarating ako sa restaurant napanganga ako dahil mukhang mamahalin. Bakit naman nila dito gustong kumain? Alam naman nilang hindi ako ganitong klaseng tao. Hindi ko gusto ng mga mamahaling bagay.

Baka naman mukha lang mamahalin. Hayaan ko na nga lang, basta may makain ako. Pag food is life nga naman oh.

Pumasok ako sa restaurant at lumapit ako dun sa may counter. Tumingin naman sa akin yung babae bago ako nginitian. Ngumiti na lang din ako pabalik.

"Do you have any reservations, ma'am?" Tanong nung babae

Nagusap na sila Kuya Javier at Kuya Zander kanina at napagdesisyonan nila na si Kuya Javier na daw yung magpapareserve ng table namin.

"A table reserved by Javier Ong po." Sagot ko

Tinignan niya yung listahan niya doon sa desk niya bago siya tumingin ulit sa akin. Ngumiti naman siya.

"Follow me, ma'am." Sabi nung babae

Nagsimula na siyang maglakad palayo at sinundan ko naman siya. Nung nakarating na kami sa table, nakita ko naman na nandoon na sila Kuya. Mukhang nakaalis na sila agad ng office nila ah.

Nung umalis na yun babae, agad naman akong naupo sa upuan ko. May bigla namang dumating na waiter at nagabot sa akin ng menu. Gwapo nung waiter nila ah. Infairness.

"Ang aga niyo yata ngayon, Kuya." Sabi ko

Parehas naman silang napangiti.

"We left our work early for you." Sinabi nilang pareho

Napangiti naman ako sa sinabi nila. Na-appreciate ko talaga yung mga ginagawa nila para sa akin. Namiss ko sila ng sobra. Minsan lang nila ako sino-spoil tapos pag nang so-spoil sila yung todo todo pa.

Binuksan ko na yung menu at bigla namang nanlaki ang mga mata ko. Sobrang mahal naman ng mga pagkain dito. Sino ba naman kasing nagsabi sa akin na mura lang ang pagkain dito? Kita mong pati labas pang mayaman na e.

Alam ko namang malalaki ang mga sweldo nila pero alam mo yun. Hindi ako gagastos ng ganito kalaki para lang sa pagkain. Akalain mo yun, yung steak nila dito na siguro isang malaking piraso nasa 2k na.

"Okay ka lang ba, Ziah?" Tanong ni Kuya Zander

Ako? Okay? Alam ko namang sila yung magbabayad nito pero para sa akin, sobrang sakit na nito sa bulsa. Mas okay pa ngang kumain na lang kami sa fast food restaurant e. Dami ko pang makakain dun.

"Hindi ba parang masyado namang mahal yung mga pagkain nila dito, Kuya? Pwede namang sa mcdo na lang tayo kumain. Masaya naman ako kahit doon na lang tayo kumain e." Sagot ko

Natawa naman sila sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa dun? Hindi naman kasi ako nagbibiro e.

"Don't worry about the price here, Ziah. Kami naman ang magbabayad e tsaka ngayon ka na lang ulit namin nakita. We want to spoil you. Alam ko namang hindi mo gusto ang mga mahal na bagay pero this time, think of it as a gift. Isipin mo na lang na nasa McDonald's ka." Sabi ni Kuya Javier

Medyo nahihibang na yata sila no? Paano ko naman iisipin na mcdo to e pag tingin ko pa lang sa menu parang ang sakit na sa mata e. Wala din fries dito.

"McDonald's? Sa presyo ng pagkain dito? Higit pa sa 100 pesos lang ang pagkain sa mcdo. Nasaan dito ang mcdo, Kuya? Naka drugs ka ba?" Tanong ko

"It doesn't matter, Ziah. Enjoy this once in a lifetime experience. Gwapo kaso kami kaya malaki sweldo namin. Okay lang na gumastos kami ng ganito kalaki." Sabi ni Kuya Zander

Medyo makapal din pala yung mukha nitong si Kuya Zander no? Anong connect ng mukha niya sa pag sweldo niya? Ah. Mukha kasi siyang pera! Joke.

"Seryoso ka, Kuya. I will not eat here kahit umorder pa kayo. It's either you take me to McDonald's or we don't eat at all. I'm not making you pay for something like this." Sabi ko

Masaya namang ma-spoil. Wag lang sa ganitong paraan. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga mamahaling bagay e. Kahit nga sa karinderya mo lang ako ilibre, ayos lang sa akin e.

——— TIMESKIP ———

Wala silang choice kung hindi pumunta ng mcdo kasama ko. Ayaw naman nilang hindi ako kumain. Pinatanggal na lang nila yung reservation nila dun sa restaurant.

Ang inorder ko naman ay BFF fries, chicken fillet ala king, large sprite and vanilla flavored ice cream. Sila Kuya naman, chicken lang and rice tapos regular iced tea.

Yung mga mukha naman nila ngayon, mukha silang hindi pa nakakain sa fast food chain buong buhay nila. Mukha silang nandidiri habang pinapanood akong kumain.

"Bakit kayo ganyan makatingin?" Tanong ko

Napakamot naman sa ulo si Kuya Javier.

"Is this safe to eat?" Tanong ni Kuya Javier

Natawa naman ako. Don't tell me ngayon lang talaga sila nakakain sa fast food restaurant. Pag mayaman ka nga naman talaga. Joke.

"Seriously? Hindi ba obvious na safe siya kainin? Kuya, ano bang pinaggagawa niyo sa buhay niyo? Who doesn't like eating in fast food restaurants? You. Why? Because you think it's not safe? Crazy news, sorry to disappoint you. It is safe." Sagot ko

Pagkatapos ng ilang minuto na pangungumbinsi sa kanila na kainin na nila yung mga pagkain nila, kinain na nila. Nagustuhan pa nga daw nila e. Babalik daw sila sa free time nila.

"That was nice." Sabi ni Kuya Zander

"Who taught you to eat these types of food?" Tanong ni Kuya Javier

Napangiti naman ako.

"Ruki." Maiksing sagot ko

I haven't talked to him for days. Namiss ko na siya agad. I was actually happy to see him and talk to him again. After all he was my first love.

"Why don't you go on a date with him tomorrow? I still like him for you." Sabi ni Kuya Javier

Tumango lang si Kuya Zander bilang pagsangayon sa sinabi ni Kuya Javier. He right. I should prepare something for Ruki. Pwede kaming mag picnic. Te-text ko na lang siya mamaya.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

In his arms (BOOK 3, COMPLETED)Where stories live. Discover now