Chapter 12

939 32 1
                                    

ONE DAY LATER.
Kit's POV:)
Nilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ko at tinext si Ziah. Aayusin ko ang relasyon namin. Ruki was right. Naging selfish ako at hindi ko manlang naisip na baka kailangan ni Ziah ng tulong ko.

Hindi ko manlang naisip na nasasaktan din siya. Masyado na siyang nasaktan dati. Nasaktan nanaman siya ngayon dahil sa pagiging close minded ko. Masaya ako dahil sobrang bait pa rin ni Ziah dahil sobrang dali niya lang magpatawad ng tao.

Nakikipagkita ako kay Ziah doon sa coffee shop na pinagkitaan namin kahapon. Sana maayos pa naming dalawa to. Sana din matulungan ko siya.

Ipapakita ko sa kanya na nandito pa yung dating Kit na nakilala niya nung high school kami. Hindi naman talaga nawala yung side ko na yun e. Tinulak ko lang ang mga tao palayo simula nung namatay si Ziah. I was so devastated back then. Ngayon na nalaman ko na buhay siya, hindi ako makaniwala. Nasaktan din ako.

Sino ba namang hindi masasaktan diba? Best friend niya ako and yet tinago niya pa din sa akin lahat pero hindi niya naman kasalanan ang mga nangyari. Kakagising niya lang sa coma at hindi ko maimagine kung anong feeling yun. Hindi ko manlang naisip na naging mahirap din para sa kanya ang lahat.

Di ko naisip na iba din pala ang nararamdaman niya. Iniwan ko siya magisa. Niligtas man siya ni Damon pero nararamdaman niya pa rin na magisa siya. Ramdam ko pa din ang connection namin sa isa't isa at naramdaman ko na sobrang lungkot niya. Wala na siyang magagawa pero hindi pa din siya sumusuko. Lumalaban pa din siya.

Lumaban pa din siya kasi alam niyang may mga taong naghihintay sa kanya. I appreciate that. Siguro kung ako yung nasa posisyon niya, matagal na akong sumuko pero siya; pinili niya pa din lumaban. Lumalaban siya hangga't kaya niya.

Dalawang taon siyang nakahiga sa ospital. Masakit siguro lahat ng mga nangyari sa kanya doon pero tiniis niya pa din para lang makasama ang mga taong minamahal niya. Gusto kong umiyak ngayon pero wala nang luha na lumalabas mula sa mga mata ko.

Alam ko namang marami na siyang naexperience na sakit sa buhay niya. She even experienced death at pagkatapos nun, na coma pa siya. Masakit din yun para sa akin. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang sigawan siya. I judged her.

Wala naman kasi talaga akong karapatan mang judge kasi hindi ko naman naexperience lahat nang yun. Si Ziah lang ang nakaramdam nang lahat ng yun. Dapat inintindi ko na lang din yung hirap na naranasan niya pero wala e. Nasabi ko na at nagawa ko na. Ang magagawa ko na lang ngayon ay ang mag sorry.

Sinarado ko ang isip ko at si Ruki pa ang nakatulong sa akin na intindihin ang sitwasyon ni Ziah. Masaya ako na nakilala nila ang isa't isa. Masaya ako na nagbago na si Ruki dahil kay Ziah. Hindi ko naisip na magiging possible pala lahat ng yun.

Masaya din ako dahil may nakilala akong isang anghel. She was my angel and she still is. Siya ang pinaka understanding at caring na babae na nakilala ko. Wala na akong hihilingin pa.

I fell in love with Ziah back then, naramdaman ko din ang mga naramdaman ni Ruki. She was really different pero narealize ko na hindi pala siya para sa akin. Hanggang mag best friends na lang kaming dalawa. Tinanggap ko naman yun.

Hindi naman sa pagkatalo na yun pero mararamdaman mo naman talaga kung para talaga kayo sa isa't isa. Naramdaman ko noon na hindi kami para sa isa't isa. May connection pa rin naman kami sa isa't isa. Kailangan din namin matutunan kung paano mag move on.

Hindi lang naman ako yung na fall sa kanya. Nandyan din si Jin. Iba din siya kapag kasama niya si Ziah. Si Jin ang unang nakakilala sa kanya. Nakakatawa nga yung una nilang pagkikita e.

Akala ko nung una sila yung magkakatuluyan kaso may iba pa palang lalaki na para sa kanya. Masaya kami nung nakilala namin siya. Sobrang thankful nga kami simula nung dumating siya sa buhay namin e. Kung wala siya siguro mukha pa rin kaming mga siga sa kanto.

She made a big difference in our lives. Hindi ko narealize na ganito pala kalaki ang impact niya sa buhay namin. Minahal ko siya. Tinanggap ko din na may iba na siyang gusto noon. Mahal ko pa rin naman siya ngayon pero bilang best friend na lang. May iba na akong babaeng mahal na nagpabago din sa buhay ko.

Tinulak ko ang babaeng yun palayo. Sisiguraduhin kong pagkatapos kong tulungan si Ziah, ibabalik ko na siya sa piling ko. Mahirap pala magmahal no. Gagawin mo ang lahat para lang sa ikasasaya nila. Kailangan mo din mag sakripisyo para sa kanila.

Grabe. Sobrang daldal ko na. Hindi naman ako ganito kadaldal noon e. Feeling ko tuloy pang love letter na tong sinasabi ko. Medyo madrama na din ako ngayon.

Namiss ko na yung dating ako. Yung masiyahin at masasabi ko naman na ngayon na hindi naman talaga ako nakapag move on sa pagkamatay ni Ziah. Sino bang niloloko ko? Sarili ko.

Wala naman talaga sa aming lahat ang nakapag move on sa pagkamatay niya noon e. Yung iba di pa nga matanggap na patay na si Ziah e. Di ko din naman tinanggap noon pero sinabi ko lang sa sarili ko na, hindi na muna niya ako matutulungan sa mga problema ko.

Ang hindi talaga makapag move on sa pagkamatay ni Ziah ay yung mga Kuya niya dahil hanggang ngayon hinahanap pa rin nila si Ziah. It's been 2 years na, hindi ko naman ine-expect na maghihintay siya nang ganon katagal.

Akala ko kasi parang tatanggapin na lang niya na wala na kaming magagawa sa mga nangyari. Buti na nga lang at hindi ako nag move on e kasi hanggang ngayon buhay pa si Ziah. Masaya talaga ako na buhay pa siya. Tama na hindi kami sumuko.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter love!

thanks,
X

In his arms (BOOK 3, COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum