Chapter 11

944 38 1
                                    

Ruki's POV:)
Pagkatapos kong i-comfort si Ziah. Inuwi ko na siya. Ginabi na kami pero ayos lang naman sa akin. Gusto ko naman siyang makasama palagi. Pumunta ako kayla Kit pagkatapos kong iuwi si Ziah. I can't tolerate his attitude towards her. Mahal ko siya at hindi ko na siya hahayaang masaktan ulit.

May susi naman ako sa bahay ni Kit, kaya bigla bigla na lang akong pumasok sa bahay niya. Nakita ko naman siya sa living room niya. Hawak hawak niya yung luma niyang cellphone. Siguro tinitignan niya yung mga litrato nila ni Ziah noon.

"Hey asshole." Tawag ko sa kanya

Tumingin naman siya sa akin. Alam mo feeling ko nagkapalit na kami ng katauhan nito e. Dati kasi ako yung pinaka cold sa aming dalawa. Ngayon naman kung makatingin siya sa akin, akala mo papatayin niya ako.

"Knock next time." Sabi ni Kit at binalik ang tingin niya sa phone niya

"Well if I'm just going to know then you shouldn't have given me the key." Sabi ko

Tumingin ulit siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Wala akong pake kung ma-bother man siya. Ganyan din naman siya sa akin dati.

"Ano namang kailangan mo?" Tanong niya bago tumingin ulit sa phone niya

Fuck. Ano bang napaka importante na nasa loob nang phone niyang yan. Di niya ba kahang hindi tignan yan ng ilang minuto. Besides, nasan si Kylee? Siguro umalis na. Hindi niya siguro tinuturing ng maayos asawa niya.

"You should've have pushed Ziah away like that. Alam mo ba kung gaano siya nasaktan sa ginawa mo? Alam kong nasaktan ka dahil sa pagkawala niya pero isipin mo din naman na hindi niya kasalanan yun. Sinabi niya ba sayo na kakagising niya lang sa coma?" Sagot ko

Huminga siya nang malalim.

"I'm well aware na kakagising niya lang sa coma pero sana nung nagising siya, tumawag manlang siya sa atin instead of wasting her time being scared of nothing. Nasaktan din naman ako, Ruki. Nasaktan din naman tayo at alam ko na pinili mo siyang patawarin dahil mahal mo pa din siya. After all these years siya pa din. Sana naman maintindihan niya yun. Hindi naman tayo magagalit kung malalaman nating buhay siya e. In fact magiging masaya pa nga tayo e. Nagpapasalamat ako na buhay siya pero sa ngayon kailangan ko muna nang space, Ruki. Sana respetuhin mo yun. Nandyan ka naman para sa kanya e. She doesn't need me right now. Nasaktan ko siya. Alam ko yun, kaya nga bibigyan ko din siya ng space." Sabi ni Kit

Nagulat naman ako dahil ngayon ko na lang ulit siya narinig na magsalita ng ganyan karami. I wasn't expecting him to be very talktive. Ang kailangan ko lang ngayon ay i-explain sa kanya kung bakit niya dapat patawarin si Ziah.

"She needs you, Kit. She needs your help. Kaya ka nga niya nilapitan at kaya nga niya in-explain yung sarili niya sayo dahil kailangan ka niya. Natatakot siya pero umasa pa rin siya na maiintindihan mo siya. Alam ko naman na naintindihan mo siya pero hindi mo pa din siya tinanggap. Sinaktan mo siya pero alam mo, best friend pa din ang turing niya sayo. Madali ka lang niya mapapatawad. Masaya nga siya e dahil lumaki ka bilang isang mature na tao pero hiniling niya na sana hindi ka na lang nagalit sa kanya. She can't blame you though. After all nawalan ka din ng best friend. Isipin mo din naman, hindi lang ikaw ang nawalan sa ating lahat. I actually lost the love of my life for 2 long years. Hindi ko gustong tanggapin ang pagkamatay niya. Kaya nga hindi ako nakapag move on e. Gusto ko lang sabihin sayo na dapat mo siyang kausapin. She badly needs your help. I can't help her but I'm sure you can. I'm not like you, Kit. You probably know everything about her. Think about it. I'll give you the space that you need for now. Please don't hurt her. Masyado na siyang nasaktan." Sabi ko

Dami ko nang nasabi sa kanya. I'm not usually the type of person na mahaba magsalita pero kailangan talaga ni Ziah nang tulong ni Kit. I would do everything for her.

Kit's POV:)
Nagulat naman ako dahil nakayanang sabihin sa akin yun ni Ruki. Hindi siya yung tipo nang tao na magaling mag express ng nararamdaman niya pero para kay Ziah, gagawin niya ang lahat kahit na ang kapalit pa nito ay yung buhay niya.

Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko si Ruki para kay Ziah. Nagustuhan ko siya noon. Oo pero narealize ko na may tao na mas better pa sa akin. It may be Ruki or Jin. I then met the person who made me realize na hindi lang si Ziah ang babaeng pwede kong mahalin. Tinulak ko siya palayo. I'm going to get her back after I help my best friend.

Pumasok sa isip ko ang mga sinasabi sa akin ni Ruki. Hindi ko naman naisip agad na kakailanganin pala talaga ni Ziah and tulong ko. I don't want her to feel alone. Gusto ko na din mabalik ang best friend ko.

"I'll see what I can do, Ruki." Sabi ko

Tumingin naman siya sa akin at binigyan ako ng isang maliit na ngiti. Si Ziah din ang dahilan kung bakit natutong ngumiti si Ruki. Siya naman ang rason kung bakit sobrang laki ng pinagbago ni Ruki e. She changed Ruki.

I'm thankful na nakilala ko siya. I've never been this thankful in my life. I guess I could contact her tomorrow and apologize for everything.

"Don't you dare try to hurt her or flirt with her." Pagbabanta ni Ruki

Nakakatawa yung itsura niya kapag nagseselos siya. He has the right naman. Before this whole mess happened, I was so clingy to Ziah. Nainis na nga sa akin si Ruki e. He wouldn't admit it in front of Ziah pero mapapansin mo talagang nagseselos na siya. Alam niya naman na hindi ako type ni Ziah.

"Jealous asshole." Sabi ko bago ngumisi

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! if you have any questions, you may leave a comment in the comment section.

thanks,
X

In his arms (BOOK 3, COMPLETED)Where stories live. Discover now