KABANATA 32

1.9K 61 18
                                    

Tangerine's POV

*PAK*

Biglang bumukas ang ilaw at tumambad sa akin ang pagmumukha ni Cib.

Parang nabunutan naman ako ng tinik sa pwet ng makita ko siya at napalitan ng inis yung kaba na naramdaman ko kanina.

"Bwiset ka! Gusto mo ba akong atakehin sa puso dahil sa takot? Akala ko kung sino, ikaw lang pala!" This time pinaghahataw ko siya at sinasalo niya naman.

"Wait! Saglit! Gusto lang naman kitang i-surprise." Ani nito. Nilibot ko ng tingin ang paligid. May mga balloon, bulaklak at kung anu-ano pa. At may mga balloon pang hugis letra at nakaform ito ng salitang 'Sorry'

Ahh... so balak niyang suyuin ako ganun? Ang epic naman masyado ng plano niya at mamamatay muna ako bago siya makapag-sorry sa akin.

"Sorry kung may mali man akong nagawa sa'yo basta pansinin mo naman ako. Tignan mo nga oh, nangangayayat na ako kasi ilang araw na akong walang breakfast." Nagsosorry ba talaga 'tong ungas na 'to sa akin or nagpapacute? Kung maka-arte ah.

"Oo na, oo na! Sige na. Bati na tayo." Giit ko at deep inside parang may kumikiliti nanaman sa akin. Kinilig naman ako sa effort ni mayor Crisostomo.

"Bati na tayo?" Tanong pa niya at tila ayaw pa maniwala.

"Oo na nga diba?" Pag-ulit ko at bigla namang namilog ang mga mata ko nang yakapin niya ako. Seryoso? Natuwa siya doon? So ibig bang sabihin ay... mahalaga ako sa kanya?

"Sorry din kung natakot ka sa ginawa mo at-- nasabi mong mahal moko." Bigla akong namula sa sinabi niya at bumalik lahat sa isipan ko ang mga sinabi ko kanina dahil akala ko mawawala na ako sa mundo. NAKAKAHIYA!

"Wa-wala akong sinabing ganun ah." I denied.

"Really? But I heard it loud and clear." Ngayon nang-aasar naman siya.

"Bingi ka siguro. Linis linis din ng tenga ha?" Giit ko.

"Di nga? Mahal mo ako? Yung totoo." Napaisip ako sa sinabi niya. Anong sasabihin ko?

"Hindi nga. Wala! Walang ganun!" I denied again.

"Okay fine, defensive ka naman masyado dyan." He uttered. Shit! Pulang pula na talaga ako hindi dahil sa kilig kundi dahil sa tension at hiya.

"Let's eat?" Aya niya.

"Ah, sige. Pupunta lang akong banyo." Sabi ko naman tsaka naglakad papunta sa banyo.

"Omg Tangerine. Bakit ko nasabi 'yon? Mahal mo naba talaga si Cib? Bakit? Paano? Kailan pa? Jusme! Nakakainis naman 'to! Mahal ko siya pero... hindi niya ako mahal. Alam kong si Cathy parin ang laman ng puso niya." I muttered to myself habang nakaharap sa salamin at tila may bahagyang kumurot sa puso ko nang sumagi sa isipan ko si Cathy.

The way he look at her, kitang kita na mahal pa talaga niya si Cathy. Just forget about him Tangerine. Masasaktan ka lang.

Paglabas ko ng banyo ay medyo dim yung paligid. Pinatay niya ata ang ibang ilaw sa at tanging ilaw na mula sa kandila ang siyang nagbibigay ng liwanag sa paligid.

"So ano 'to? Dinner date with candles?" Pabiro kong sabi.

"Yeah." He answered then gave me a smile tsaka inayos ang upuan ko.

Pa-fall masyado ang mga ngiti niya. Gusto kong mainis at magwalk out pero half of me gustong gusto na makasama siya sa ganitong pagkakataon. Umupo na ako at ganun din siya.

"Let's eat darling." Nginitian niya ako ulit. Oh please~

Bago kami kumain ay nagdasal muna kami then gora! Lafang na.

"Ang sarap naman nito. Saan mo inorder?" Natawa naman siya bigla sa sinabi ko. "Bakit?" I added at mukhang wala naman akong nasabi na masama.

"Wala. Hindi ko inorder 'to. Tinulungan ako ng fboys na magluto." Napatango naman ako sa sinabi niya. In fairness, nagustuhan ko.

"Baka naman may gayuma 'to ah." Biro ko.

"Gayuma? Hindi na kailangan 'yon dahil ngayon palang-- love mo na ako." He said then wink at me.

"Kapal mo!" Sambit ko. Kung abot ko lang siya nahampas ko na siya eh. Hindi ko na manguya yung kinakain ko dahil sa kadaldalan niya eh.

"Mahal mo naman." Sagot niya.

"Ewan ko sa'yo." Kumakain kami tapos nang-aasar siya. Sira ba siya? Ang sweet na nga sana ng paligid kaya lang panira siya.

"Mahal din naman kiwjf." Mahinang sabi niya at sa sobrang hina halos hindi ko na madinig.

"Ano?" Tanong ko. Sinabi ba niyang mahal niya rin ako? Biglang bumilis yung tibok ng puso  ko doon ah.

"Wala." Hmm...baka hindi nga 'yon yung sinabi niya. Assumerang palaka lang pala ako. Asado much!

Pagkatapos naming kumain ay syempre siya ang nagligpit at naghugas. Pero dahil mabait ako kaya tinulungan ko na siya.

"Kailan ka huling beses naghugas ng plato?" Tanong  ko habang nasa lababo kami at nagsasabon ng plato.

"Hmm...hindi ko na matandaan. Parang ngayon palang ata." He answered.

"Wow, rich kid." I blurted at natawa naman siya.

"Eh ikaw ba?" Tanong niya din.

"Araw araw naman akong naghuhugas ng plato." Sagot ko.

"Edi tutulungan nalang kita lagi." Sabi niya.

"Talaga lang ah." Sabi  ko naman at mukhang hindi talaga siya sanay sa mga gawaing bahay.

After naming maghugas ay tumambay muna kami sa harap ng bahay namin. Nakaupo kami sa lapag while gazing above the stars.

"Wow." Nasambit ko nanaman. As usual. Parang first time ko nanamang nakakita ng maraming star. "Ang ganda." Dagdag ko pa.

"Oo nga ang ganda." Sambit din niya.

"Mukha nahawa--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Natigilan ako dahil mukhang kanina pa siya nakatitig sa akin at hindi sa stars.

"Ang ganda..." sambit niya muli habang nakatitig parin sa mukha ko. "Ng stars." He added tsaka tumingin sa itaas.

Bastos! Akala ko ako yung sinabihan niyang maganda.

"Oo nga eh." Nasabi ko nalang at nagkunwaring hindi umasa choss.

"Disappointed kaba?" Tanong niya.

"Disappointed saan?" Tanong ko din.

"Yiee kunwari kapa. Sige na nga, ang ganda mo rin. You're much prettier than those stars." Shocks! Ayokong mangisay sa kilig dito. Wait! Relax Tangerine.

"Che!" Sambit ko habang nagpipigil na mapangiti.

"Ngingiti na yan oh. Kinikilig siya~" sabi niya sabay kiliti niya sa akin kaya naman hindi ko na napigilang tumawa ng tumawa.

We're both laughing at this moment. We look so happy. A happy couple. Sana totoo nalang ang lahat. Sana totoong akin siya.

Crisostomo Ibarra Beundia. Please be my Boyfriend... for REAL.

A/N: Abangan niyo po ang kwentong yan. My upcoming story entitled Boyfriend for Real  after nitong Boyfriend for Rent. Salamat sa inyo guys. At nga pala, paki-intindi nalang po ng typos. Tsaka na ako mag i-edit pagnatapos ko na.

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon