KABANATA 67

1.6K 55 17
                                    

Tangerine's POV

Habang pauwi ako ay pakiramdam ko ay tila naglalakad ako sa hangin. Malayo ang tingin kahit wala naman tinatanaw at tulala. Mabuti nalang at hinatid parin ako ni mama sa bahay namin ni Cib ngunit umalis din siya agad.

Kung mabigat ang pakiramdam ko ngayon, may lalo namang mabigat ito ngayon para kay mama pero hindi ko siya nakitang umiyak. She looks so brave at feeling ko 'yon ang gusto niyang gawin ko. Ang maging matapang.

Pagpasok ko ng bahay ay hinanap ko agad si Cib. Wala siya sa sala kaya sinilip ko siya sa kwarto niya. Andoon nga siya at mahimbing na natutulog. Mukhang puyat na puyat nga siya at hindi pa nakapag-palit ng damit niya at nakasapatos pa ito.

Pumasok ako sa loob at dahan dahan kong tinanggal 'yong sapatos niya. Nilakasan ko din 'yong aircon at pawis na pawis ito. Pagkatapos ay nahiga ako sa tabi niya. Kaharap ko siya kaya titig na titig ako sa mukha niya ngayon.

Napahaplos ako sa mukha niya at siya ding pagpatak ng mga luha ko. I'm sorry Cib. I'm sorry kasi, pakiramdam ko parang pabigat ako eh.

Cib's POV

Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa mukha ko. Siguro si Dalanghita na ito.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay tila nawala 'yong excitement na naramdaman ko at napalitan ng pagtataka.

"Ba-bakit ka umiiyak darl?" Tanong ko at agad naman itong nagpunas ng mga luha nang makita niyang gising na ako.

"Wa-wala darl. Namiss lang kita." Tugon niya pero sa tingin ay hindi lang dahil doon.

"Ano nga?" Tanong ko ulit.

"Wala, wala nga." Saad niya at halatang naiiyak parin.

"Hindi ba't galing kayo sa hospital? Ma-may problema ba?" Tanong ko ulit at hindi talaga ako satisfied sa sagot niya. I know mayroon siyang iniiyakan at ayaw niyang sabihin sa akin.

"Darl...ano kasi..." nanginginig ang boses niya at nagsimula naman siyang umiyak. Niyakap ko siya at hinagod ang likod nito.

"Darl bakit? Sabihin mo sa akin." Sabi ko naman at nag-aalala talaga ako kung bakit siya humahagulgol ngayon.

"Darl... may-- cancer ako." Tila nabingi ako sa narinig ko at kasabay nun ay biglang tumigil ang mundo ko.

Napakalas ako mula sa pagyakap at humarap sa kanya.

"Ano?" Mahinang tanong ko.

"May acute Mylenogenous Leukemia daw ako Cib. Iyon ang sabi ng doctor sa akin." Tugon niya habang tuloy tuloy parin ang agos ng luha niya.

F*ck! Narinig at naintindihan ko ng malinaw ang sinasabi niya ngunit tila hindi ko ito matanggap.

"A-ano pang sabi ng doctor?" I asked again. Hanggat kaya ko ay ayokong umiyak ako sa harapan ni Tangerine. Ayokong makita niyang pati ako nanghihina sa kalagayan niya. Kailangan kong mas maging matapang para makapitan niya ako.

"I have to undergo Bone Marrow Transplant as soon as possible. 'Yon lang ang tanging paraan para mabuhay ang anak natin. Hindi niya daw kakayanin ang chemotherapy." Napapikit nalang ako sa narinig ko. Sana ako nalang nagkaroon ng sakit at hindi siya. Bakit ang mag-ina ko pa ang nalagay sa alanganin?

"Makakahanap tayo ng donor darling. Tahan kana okay? Hindi maganda ang iyak ka ng iyak. Maghahanap tayo ng donor." Hinalikan ko siya sa noo at muling niyakap.

Dahan dahan akong tumayo ng kama nang mapansin kong tulog na siya. Napagod na siguro siya sa kakaiyak kaya nakatulog agad.

Pagpasok ko ng banyo ay doon tuluyang pumatak ang mga luha ko. Bakit ang babaeng mahal ko? Sana ako nalang at wag na siya.

Dahil sa bigat na naramdaman ko ay hindi sinasadyang masuntok ang salamin sa loob ng banyo at nabasag nga ito. Ngunit walang wala ang mga sugat na natamo ko sa bigat ng kalooban ko ngayon.

Cib, kailangan mong mas maging matapang. Wag mong ipakita kay Tangerine na nanghihina ka. Kailangan kong palakasin ang loob niya para labanan niya ito.

Bukas na bukas din ay pupunta ako ng hospital para sumailalim sa test at baka pwede akong maging donor. Ayokong mawala 'yong anak ko at mas ayokong mawala si Tangerine. Hangga't maaari sana ay maging safe silang dalawa, kahit pa... buhay ko nalang ang kapalit. Gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Bago pa man magising si Tangerine ay nag-asikaso na din ako ng makakain namin. Dapat normal lang. Ayokong maramdaman niyang naaawa ako sa kanya. Bumili narin ako ng mangga para sa kanya at baka gusto niya. Hindi ba ganoon kapag buntis?

Mga bandang 3 o'clock ay ginising ko na siya para kumain dahil mukhang hindi pa ata siya kumain kanina at baka wala na din siyang maitutulog pa mamayang gabi.

"Darling..." sambit ko at pinaghahalikan ko siya sa buong mukha para magising.

"Hmmm..." she groaned at mukhang ayaw pang tumayo.

"Gising na darl. Bilis, nagluto ako para sa'yo." Yugyog ko dito ngunit nanatili parin siya nakapikit.

"Ayaw mo tumayo ah." Binuhat ko nalang siya at dinala sa hapag kainan kung saan naka-ready na ang pagkain niya.

"Grabe ka talaga darl!" Saad niya at nagliwanag naman ang buong mukha niya nang makakita ng pagkain sa mesa.

"Wow, ikaw nagluto ng mga ito? Ang galing mo na ah. Tamang tama at gutom na din ako." Napangisi siya. Napangiti din ako dahil sa reaction niya.

Kahit araw-araw  ko pa 'tong gawin sa kanya ay ayos lang sa akin basta ang importante ay mapasaya ko siya.

"Masarap? Kamusta 'yong lasa?" Tanong ko at tatlong recipes 'yong niluto ko para sa kanya na talagang pinag-aralan ko pa ng mabuti.

"Hmm... masarap. Pang-asawa level na darl." Biro pa niya at mukhang enjoy na enjoy nga sa kinakain niya. Bahagya naman akong natawa sa itsura niya. Ang kalat kalat niyang kumain parang bata.

"Mabuti naman at malapit na din ang kasal natin. At least diba? Marunong na ako magluto bago ang kasal." Pabiro  ko ding sabi.

"Oo nga noh? May mga seminar pa tayo doon. Itutuloy pa ba natin 'yon darl? I mean..." Malumanay niyang sabi at tila may halong lungkot nanaman  ang boses niya.

Napangiti lang ako at hinawakan ang isang kamay niya.

"Kahit ano pa man ang mangyari, matutuloy ang kasal natin." Sabi ko at hinalikan ang kamay niya. Napangiti  naman siya sa sinabi ko at nagpatuloy muli sa pagkain.


A/N: Matutuloy nga ba? Abangan at samahan natin sila sa bago nilang laban. VOTE AND COMMENT ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon