KABANATA 61

1.6K 62 19
                                    

Cib's POV

Tatlong araw na akong pabalik balik sa bahay, sa trabaho niya, kahit saan man si Tangerine pero iniiwasan niya parin ako. Mababaliw na ata ako. F*ck! Ano pabang dapat kong gawin?

"Kamusta ka hijo?" Napalingon ako doon sa nagsalita.

"Okay... naman po. Kayo po 'yong kaibigan ni mama. Right?" I asked at kabisadong kabisado ko ang mukha niya. Nandito nga pala ako sa isang park na nadaanan ko lang somewhere. Tumambay lang ako saglit habang inaantay ko 'yong oras ng out ni Tangerine sa trabaho. Wala pa nga akong tulog dahil naging busy din ako sa trabaho. Pero ganoon pa man ay hindi ako magsasawang suyuin siya kahit pa araw-araw pa akong mapuyat.

"Buti naalala mo pa ako." Saad niya habang nakatitig sa mukha ko. Hindi ko din maiwasang mapatitig sa mukha niya. Bakit tila... magka-mukha kami? Kamag-anak kaya namin siya?

"Mukhang ang lungkot mo kasi nang makita kita kaya paumanhin kung nakadisturbo man ako." Marahan niyang sabi.

"Ah hindi naman po." Napailing ako.

"Kumain kana ba? May pagkain akong dala. Gusto mo bang tikman?" She offered at oo, nagugutom na ako. Nakalimutan kong hindi pa pala ako kumain ng lunch.

Tumanggi parin ako kahit gutom ako ngunit nagpumilit parin siya kaya sa huli ay napapayag niya parin ako. I'm just wondering kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya at tila ba matagal ko na siyang kilala.

"Sinong kasama mo dito?" I asked.

"Wala, ako lang. Mag-isa nalang kasi ako eh at naisipan ko lang mamasyal dito at sakto namang nakita kita." She replied habang inaayos 'yong food na dala niya at mukhang siya pa mismo ang nagluto ng mga ito.

"Wala po kayong anak?" Tanong ko muli at napansin kong saglit siyang natigilan sa tanong ko.

"Meron naman. Pero 'yong anak ko kasi na 'yon ay... malaki na siya at mukhang magkakapamilya na din." Mahinang sabi niya.

"Ahhh, ganoon po ba." Napatango ako.

Amoy palang ng pakaing dala niya ay nakakatakam na. At sa unang subo palang ng pagkain ay natigilan ako at muntik ko pang mabitawan ang hawak kong kutsara.

"Bakit?" She asked.

Nakakapagtaka at ganitong ganito ang lasa ng pakaing--

Hindi kaya siya ang nagbibigay ng pagkain sa akin? Pero bakit niya naman sasabihin na siya ang mama ko tuwing naghahatid siya ng pagkain sa studio ng patago?

"Wala po." Napailing ako. Baka coincidence lang. Don't over think Cib.

Nang mapansin kong malapit na ang out ni Tangerine ay nagpaalam na din ako. Ang gaan ng pakiramdam ko the whole time na kasama at kausap ko siya. Siguro dahil kaibigan nga siya ng mama ko. Tangerine... papunta na ako darling. Sana sumama kana sa akin.

Tangerine's POV

Maaga kong natapos ang trabaho ko kaya maaga din akong makakauwi ngayon. Tamang tama lang para makapag-impake na din ako at babalik na sa bahay namin ni Cib. Handa na akong kausapin siya. At... miss ko na din siya. Masakit padin but I have to be mature enough para i-handle 'yong mga ganitong issue sa relationship namin.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng building ay bumungad agad sa akin ang pagmumukha niya.

"Hi Tangerine. Hatid na kita?" Napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi na Lucas. Please lang, itigil mo na 'to." Mariin kong sabi.

Aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa braso.

"Tangerine please. Wag mo naman gawin sa akin ito." Giit niya.

"Ano ba Lucas!" Inalis ko ang kamay niya mula sa pagkahawak sa akin at tumalikod na ngunit natigilan akong muli nang hawakan niya ulit ako sa braso at kinaladkad papasok sa loob ng kotse niya.

"Ano bang problema mo?!" Bulyaw ko sa kanya.

"Ikaw ang problema ko Tangerine! Bakit kaba ganyan? Mahirap ba akong mahalin?!! Kung hindi ka rin naman mapupunta sa akin ay mas mabuting mawala ka nalang!! " Bulyaw niya. Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya at tila biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Agad naman akong nakaramdam ng takot dahil sa ikinilos niya.

"So-sorry Tangerine." Tila nahimasmasan niyang sabi. "Sorry, hindi ko sinasadya."

"Lumayo ka sa akin!" Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa ginawa niya at agad naman akong lumabas ng kotse.

Saktong paglabas ko ay nakabangga pa ako ng tao dahil sa pagmamadali dahilan para masubsob ang mukha ko sa dibdib nito.

"Darling? Bakit ka umiiyak?" Pagtingala ko ay tumambad sa paningin ko ang mukha ni Cib.

Agad akong napayakap sa kanya at ramdam ko parin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa takot. Niyakap ako pabalik ni Cib at hinagod pa ang likod ko dahil panay na ang iyak ko ngunit bahagya niya akong ipinuwesto sa likuran niya nang makita niya si Lucas na lumabas din sa kotse nito.

"ANONG GINAWA MO KAY TANGERINE?" Giit ni Cib at mukhang nakahanda na ang dalawang kamao nito.

"Ta-tangerine. Sorry hindi ko--" hindi na natapos pa ni Lucas ang sinasabi niya at sinuntok na siya ni Cib.

"GAGO KA! BINASTOS MO BA SIYA HUH?" Galit na galit na sambit ni Cib habang walang habas na pinagsusuntok ang mukha  Lucas na wala ding kalaban laban.

"PATATAYIN KITANG HAYOP KA!"

"Cib tama na!" Pigil ko kay Cib bago pa man niya mapatay si Lucas na duguan na at nakahandusay sa gilid ng kotse nito.

Hindi ko parin napigil si Cib ngunit mabuti nalang ay may dumating agad na mga guard at napigilan siya.

"Cib..." I uttered his name at niyakap siya para mapakalma.

"I'm sorry Tangerine." Saad niya.

"No, ako dapat ang mag-sorry. Hindi na dapat nangyari 'to kung bumalik agad ako sa bahay at nakipag-ayos sa'yo. Sorry Cib." Sambit ko at tuloy tuloy nanaman sa pag-agos ang mga luha ko.

The whole time ay nagyakapan lang kami habang isinusugod na si Lucas sa hospital.

"I love you Cib." Sambit ko.

"I love you too Tangerine. Thank God at okay ka lang." Sabi niya at hinalikan ako sa labi.

I feel so secure now at kasama ko na si Cib. Maliban sa pamilya ko ay tanging kay Cib ko lang nararamdaman ang ganitong security. Pakiramdam ko safe ako lagi sa kanya at alam kong hindi niya ako pababayaan.

Dahil sa insidente ay nagpunta parin kami sa police station para ilahad 'yong nangyari at para mapawalang sala si Cib. At dahil sa tinamong injuries ni Lucas ay hindi na ako nagsampa ng kaso sa kanya. Sapat na siguro ang natamo niya.

A/N: Happy na kayo? Lols. Abangan ang susunod pang kaganapan. Sabi ko sa inyo babawi ako eh hahaha. VOTE AND COMMENT ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon