KABANATA 52

1.7K 53 22
                                    

Tangerine's POV

"Salamat sa paghatid--papa..." mahinang sabi ko dito tsaka lumabas na ng kotse.

Pinuntahan niya kasi ako ulit doon sa trabaho ko at saktong out ko na din at nag-presenta siyang ihatid ako. Ayoko sana pero-- wala eh. Kahit masama ang loob ko sa kanya ay hindi ko parin siya matiis.

Nakatalikod na ako nang biglang--

"Tan-tan..." napalingon akong muli sa direction niya. Naglakad siya palapit sakin at bahagyang may inabot sa akin na isang box.

"Ano yan?" Tanong ko dito.

"Alam kong hindi ito sapat. Pero sana tanggapin mo ito anak. Hindi ba't birthday mo noong nakaraang linggo? Pasensya na kung masyadong late na itong regalo ko sa'yo." Napatitig lang ako sa regalong hawak niya. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ngunit sa huli ay tinanggap ko din.

"Salamat parin, pero sana hindi na kayo nag-abala pa at nasanay naman na ako." Saad ko ngunit sa kabila ng sinabi ko ay ngumiti parin siya.

"Hayaan mo sana akong bumawi sa inyo ni Blue." Nagpipigil nanaman ako ng mga luha ko.

"Bakit kasi... ang tagal niyong nawala pa? Namiss... ko kayo." Kasabay ng mga salitang iyon ay tumulo ang luha ko at napayakap kay papa. "Namiss kita pa." Pag-ulit ko at tuluyan nang humagugol.

"Shhh..." hinagod ni papa ang likuran ko na parang bata na pilit na pinapatahan. "Sorry anak kung kailangan mo pang maranasan ito." Saad ni papa.

Ang drama tuloy namin ngayon but I can feel the relief now. Parang nabawasan ang bigat ng loob ko. Hindi man totally nawala 'yong galit sa puso ko but at least... nabawasan. Sana mapatawad ko na si papa dahil pagod na akong magbitbit ng sama ng loob.

"Kailan ko makikita ang mga-- kapatid ko?" Tanong ko at maraming taon na din ang nagdaan mula noong malaman kong may dalawa pa kaming nakatatandang kapatid sa tunay nitong pamilya ngunit hanggang ngayon ay hindi parin kami nagkakakilala.

"Magse-set ako ng araw. Nasasabik na nga ang ate mo na makilala kayo. 'Yong kuya niyo ang hindi ako sigurado kung kailan kasi nasa ibang bansa siya ngayon nagta-trabaho." Ani ni papa.

Napatango naman ako pinunasan ang basa kong pisngi.

"Okay lang pa. Sabihin mo lang sa akin at excited narin akong makilala siya." Napangiti ako. Hinaplos naman ni papa ang mukha ko at tila ba sinasabi ng mga titig niya na namiss niya ako ng sobra.

Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit bigla siyang nawala, basta ang importante ngayon ay nandito na siya ulit.

Cib's POV

"Okay ka lang dyan bro?" Tanong ni Laures na siyang nagda-drive.

"Oo nga bro, kanina kapa dyan tahimik." Ani naman ni Jack na nasa backseat at katabi si Matt.

"Dahil ba yan kay Cathy?" Saad naman ni Matt.

Napailing nalang at napasabunot sa sarili ko. F*ck! Anong gagawin ko ngayon.

"Ano kasi... si Cathy..." panimula ko.

Flashback...

Namilog ang mata ko sa nakita kong video na pinakita niya sa akin mula sa phone niya. Kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. Takot na baka kumalat at makita ni Tangerine ang video na iyon na maaaring makasira sa amin at masaktan ko siya.

"Ba--bakit may ganitong video ka?" Tanong ko dito habang nagsasalubong ang kilay ko at tila biglang uminit ang ulo ko.

"Hindi mo na ba maalala 'to? If I'm not mistaken, ito 'yong time na naglasing ako dahil kay Lucas at tinawagan kita then you came. Hinatid mo ako sa bahay at muntik pang may mangyari sa atin. Naaalala mo na ba?" Nangising sabi niya.

"Burahin mo yan. Walang ibig sabihin yang video na yan." Giit ko at parang unti nalang ay gusto ko ng suntukin 'yong pader.

"Nope!  Buburahin ko lang ito kapag sununod mo ang mga gusto ko. Maaaring walang ibig sabihin ito pero isang click ko lang nito papunta kay Tangerine ay malamang kamumuhian ka niya." Lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Nagngit-ngit bigla ang kapaligiran ko.

Huminga ako ng malalim para i-relax ang sarili ko.

"So bina-blackmail mo ako?" Giit kong muli.

"Hmm...parang ganoon." Nakangiting tugon niya ulit. Nabubwiset ako sa mga ngiti niya.

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko dito habang pinipilit ang sarili kong kumalma.

"Simple lang. Dalawa lang ang gusto kong mangyari. Una, ano man ang sabihin ko sa media tungkol sa atin ay huwag mong kontrahin. Pangalawa, kapag sinabi kong puntahan mo ako ay kailangan puntahan mo agad ako. Anytime and anywhere. Okay ba?" She crossed her arms.

"Tsk! You want me to become your puppet? Hindi kapa ba nakuntento noon?" Singhal ko.

"Well, madali naman akong kausap. It's either pumayag ka and buburahin ko itong video na ito after 5 days or ise-send ko ito kay Tangerine now na." Pagbabanta niya.

"Okay fine. 5 days lang and make sure na susunod ka usapan." Tinignan ko siya ng matalas at tumalikod na .F*ck!

Flashback's End.

"Problema nga yan bro!" Napailing na sabi ni Laures.

"Sumusobra na yang Cathy na yan ah." Ani naman ni Jack.

"Kung hindi lang siya babae baka nasapak ko na siya kanina." Sabi ko naman habang napapakagat nalang sa lower lip ko.

Kasisimula palang namin ni Tangerine. Sana naman hindi kami masira dahil lang sa pangit na nakaraan ko. Kasalanan ko parin 'to. Nagsisisi ako at pinatulan ko pa noon ang babaeng 'yon.

"Eh paano kung sabihin mo nalang kay Tangerine 'yong totoo?" Ani ni Matt.

"Na ano? Na may scandal kami ni Cathy?" Walang nangyari sa amin that time ni Cathy pero paano ko 'to ipapaliwanag kay Tangerine? Tang**a naman Cib.

"Hindi pa naman kayo in a relationship that time diba?" Ani ni Jack.

"Yeah. Pero nagsasama na kami sa iisang bahay. Hindi ko siya niloloko. Sadyang na-trap lang ako sa bitag ni Cathy." Hay, kasalanan ko din talaga ito at nagpadala ako kay Cathy noon.

"Sabihin mo lang sa amin bro kung kailangan mo ang tulong namin." Ani ni Laures.

"Hay, sa ngayon ay susubukan kong gawin ang mga gusto niya at sana lang tumupad siya sa usapan namin." Sana nga...


A/N: Paano na kaya yan? Abangan ang susunod na mangyayari at ang paglabas ng isa pang kapatid ni Tangerine. Sino kaya siya? Bukas na ulit ang update ko. VOTE AND COMMENT ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon