KABANATA 68

1.6K 52 13
                                    

Cathy's POV

"Daddy, kahit anong pilit niyo ay hindi ako magpapatest! Kahit na sampung beses ko pa maging ka-match 'yong babaeng 'yon ay hindi ako sasayangin ang kalahati ng buhay ko para sa kanya noh! No way!" Mariing sabi ko at umupo ako ng sala.

Like duhh? Gusto niya akong isama ngayon sa hospital para lang kay Tangerine? Eh ano ngayon kung may sakit siya?

"Anak, may cancer ang kapatid mo! She needs us." Giit ni papa.

I just rolled my eyes.

"I don't care about him Dad. Kasalanan ko ba kung nakuha niya 'yong sakit mo? Malas niya lang!" Sambit ko.

"Wag kana magmatigas dyan Catherine. Sasama ka sa akin okay?" Sabi niya at hinawakan pa ako sa kamay tsaka kinaladkad.

"Daddy naman!" Nasabi ko nalang. Hays! Pasaway! Sana hindi nalang pala ako umuwi dito kung alam ko lang na ganito din pala ang gagawin sa akin ni Daddy. Nakakainis! Si Kuya kasi eh!

Cib's POV

Para makapag-focus ako kay Tangerine ay pansamantala ko munang iiwan ang showbiz. Mabuti nalang at tapos na rin 'yong recording namin para sa first album ng fboys. Nasabi ko narin sa fboys ang tungkol sa situation ni Tangerine and good thing, willing silang maging donor.

Habang nasa bahay si mama Helena at Blue ay pansamantala muna akong umalis ng bahay kasama ang fboys. We're going to the hospital para ma-check ang bawat isa sa amin kung match ba kami kay Tangerine as a donor of bone marrow.

Andito na kami ngayon nakaupo habang nag-aantay sa result. Oo, kinakabahan ako. Sobra! Hindi ako mapakali at pakiramdam ko ang tagal tagal ng oras.  Hays, sana man lang ay may mag-match kahit isa lang sa amin.

Tangerine's POV

Kakatapos lang ng tawag ni papa. Nasa hospital daw siya at kasama niya daw 'yong demonyo kong kapatid. Ano namang ginagawa niya doon?

Unfortunately, hindi kami match ni mama so hindi siya pwede maging donor sa akin at si Blue, masyado pa siyang bata. Ayokong malagay sa alanganin ang kapatid ko.

Malapit nang mag-four weeks 'yong baby ko. Kumapit ka lang baby. Lalaban tayo para kay Daddy mo. Para sa mga taong nagmamahal sa atin at gusto pa tayong makasama ng matagal. Mabubuhay pa tayo.

"Ma, alis muna ako." Paalam ko kay mama at pupunta lang ako ng office.

Nakapag-isip na ako. Siguro nga kailangan ko munang tutukan ang kalusugan ko ngayon. Magpapasa na ako ng resignation letter ngayon. Nakakapang-hinayang man pero mas nakakapang-hinayang kong hindi ako magpapagamot.

Sa ngayon, wala naman akong gagastusin sa operation ko kung sakali dahil sa benefits ko. So, kaya naman financially.

Pagkapasa ko ng resignation letter ko ay kinuha ko na din ang mga gamit kong natitira pa sa office at nilagay sa isang box tsaka ko ito binitbit palabas.

"Tangerine!" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako at hindi naman ako nagkamali. Si Lucas nanaman.

"Bakit?" Malamig kong tanong dito.

"I'm so sorry. I've heard the news. I'm not gonna lie, nasaktan ako nang malaman kong ikakasal kana at magkakaroon kana ng anak kay Cib. Pero mas nasaktan ako nang malaman kong may... Cancer ka." He sighed.

"Siguro nga, mahal na mahal mo ako. But please, wag mo na akong guluhin pa. Wag kanang dumagdag pa sa problema ko Lucas." Saad ko at tumalikod na.

"Mas gugustuhin ko pang ikasal ka sa iba kesa mawala ka Tangerine. I'm sorry talaga sa nasabi at ginawa ko sa'yo Tangerine. I'm sorry. Mahal na mahal kita. Wag kang mag-alala, hindi na ako mang-gugulo pa. Sana gumaling kana and be happy Tangerine." Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito.

"Salamat parin Lucas. Bye." Sambit ko habang nanatili parin akong nakatalikod sa kanya at muling naglakad palayo.

Cib's POV

Unfortunately, kahit isa sa aming apat ay walang nag-match para kay Tangerine. F*ck! Bakit parang lalo pa kaming pinahihirapan?

Kaya pa. Makakahanap pa kami. Pagsubok lang 'to Cib.

"Wag ka mawalan ng pag-asa bro." Tapik sa akin ni Laures.

"Salamat." I sighed.

Palabas na kami ng hospital nang may biglang yumapos sa akin.

"I miss you so much Cib." Ani nito at tila bahagya naman akong kinapos ng hininga dahil sa sobrang higpit ng yakap nito sa akin.

"Cathy, ano kaba..." matamlay kong sabi at inalis ang mga kamay niyang nakagapos sa akin.

"Ikaw naman! Namiss lang kita eh! Anyway, huhulaan ko kung bakit nandito kayo. Hmmm... for sure it's about Tangerine." Nakangisi pa niyang sabi. Hindi ko nalang ito pinansin at wala na akong lakas pang mainis sa kanya.

"Hello po papa." Bati ko sa papa ni Tangerine na kararating lang at mukhang magkasama sila dito ni Cathy.

"Oh andito ka pala hijo. Oh siya, mauna na kami at baka matagalan pa kami. Halika na Catherine." Ani nito at hinila pa si Cathy dahil ayaw pa nitong sumunod.

Magkapatid nga pala si Cathy at Tangerine. Pero imposible naman atang maging donor si Cathy dahil abot langit ang galit nun kay Tangerine. Well, sana nga. Kahit sa pagkakataong ito ay makabawi naman si Cathy sa lahat ng masasamang ginawa niya sa kapatid niya.

Pagkauwi ko nang bahay ay si Tangerine agad ang bumungad sa akin at mukhang kararating lang din at may dala dala pa itong box.

"Hi." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. "Saan ka galing?" I asked.

"Sa office. Nagresign na ako darl." She sighed.

"Bakit naman? Akala ko ba ayaw mo?" Tanong ko at hindi ko naman na siya pinilit tungkol sa bagay na iyon.

"Mag-focus muna ako sa pagpapagamot ko darl. Kung ikaw nga umalis sa trabaho para sa akin diba?" Tugon niya.

"Wala 'yon darl. Basta para sa'yo." Akbay ko sa kanya tsaka ko siya binigyan ng halik sa noo.

"Salamat." Saad niya.

"Salamat saan?" I asked again.

"Sa lahat. Mabuti nalang at nakilala kita Cib. I love you." Napangisi naman ako.

"I love you too." Tugon ko.

Nakaupo lang kami sa sala ni Tangerine nang biglang nag-ring 'yong phone niya.

"Yes?" Ani nito pagkasagot sa tawag.

"Opo, talaga po?" Bahagyang namilog ang mata niya at tila nagliwanag ang buong mukha niya dahil sa narinig nito mula sa phone.

"Sige po, salamat po." Nangiting tugon niya tsaka binaba na 'yong tawag.

"Omg Cib! Mama! Blue!" Hiyaw niya at mukhang masayang masaya siya.  Parang alam ko na.

"Bakit?" Tanong ni mama Helena.

"May donor na daw ako! Whoooo! Ang saya saya ko." Hiyaw niyang muli at napayakap pa sa akin.

Parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang marinig ko 'yon. I'm so happy as well.

"Hay, salamat sa Diyos naman kung ganoon anak." Masayang saad naman ni mama Helena.

"Yeyy! Gagaling kana ate!" Hiyaw naman ni Blue.

Nag-uumapaw ang saya namin ngayon dito sa loob ng bahay. Kung sino man siya, sobrang thankful ako kanya at maililigtas niya ang mag-ina ko.


A/N: Sino kaya 'yong donor? At gagaling na nga ba si Tangerine? I'm not feeling well today guys so baka bukas na ulit 'yong update ko. VOTE AND COMMENT ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Where stories live. Discover now