KABANATA 59

1.6K 55 16
                                    

Tangerine's POV

Pagkabukas ng pinto ay napayakap agad ako kay mama.

"Bakit anak? Anong nangyari?" Natatarantang tanong naman ni mama.

"Hindi lang kami okay ni Cib ma." Malumanay kong sagot at pumasok na sa loob.

"Si Blue?" Tanong ko.

"Tulog na. Napagod ata sa basketball." Tugon naman ni mama. "Ayos ka lang ba anak?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Tumango lang ako. "Ayos lang ma. Magiging maayos din ang lahat ng ito. Sa ngayon... dito na muna ako." Saad ko.

"Hay, ano bang pinag-awayan niyo at nag-alsa balutan kapa." Napailing na giit ni mama. "Kumain kana ba?" Dugtong pa niya.

"Opo. Aakyat na ako sa taas at magpapahinga na po ako." Sambit ko at umakyat na sa taas at pumasok sa dating kwarto ko.

Muli akong napabuntong hininga pagkahiga ko ng kama. Napabaluktot ako sa parang fetus at naaalala ko nanaman 'yong video. Muling tumulo ang mga luha ko. Sana... panaginip lang ang lahat ng ito.

Cib's POV

Nagkalat ang mga basag na gamit sa buong sala. Andito akong muli, I feel so wasted. Naka-apat na bote na ako ng beer at ilang stick ng sigarilyo. Hindi ako makatulog at sinisisi ko talaga ang sarili ko kung bakit umabot kami sa ganito.

Lalong bumibigat ang loob ko nang madukot ko ang isang maliit na box sa bulsa ko. Ito pala dapat 'yong singsing na ibibigay ko sa kanya ngayon.

"Tama na yan bro. Awat kana dyan. It won't help you." Awat sa akin ni Laures at inagaw pa mula sa akin ang hawak kong bote at sigarilyo.

"Samahan niyo ako guys. Inom pa tayo." Aya ko naman ngunit inalalayan na nila ako papasok ng kwarto.

"Matulog kana bro. Hayaan mo, bukas na bukas din ay  baka bumalik na si Tangerine dito. Suyuin mo kesa maglasing ka lang." Ani ni Jack.

"Sana nga, bumalik na siya. Miss ko na siya." Sambit ko at napapikit na din ako nang mahiga ako sa kama. "Darling..." I muttered.

Tangerine's POV

Pagkagising ko ay bigat ng ulo ko agad ang naramdaman ko. Natigilan pa ako nang makita ko ang paligid ng dating kwarto ko. Totoo nga ang lahat. Akala ko bangungot lang.

Saktong pagtayo ko ay bigla akong nahilo at tila biglang bumaliktad ang sikmura ko. Napatakbo agad ako ng banyo at dumuwal. Ang weird ng pakiramdam ko ngayon. Hinipo ko ang noo ko, hindi naman ako mainit. Napailing  nalang ako.

Pagkababa ko ay naamoy ko agad ang masarap  na ulam namin.

"Hi Blue." Bati ko sa kapatid ko.

"Good morning ate." Nakangising tugon niya at mukhang early bird na siya ngayon dahil ang aga aga pa ngunit nakasuot na ito ng uniform.

"Bakit ka nandito ate? Nag-away ba kayo ni Kuya Cib?" Usisa nito.

"Tsismoso ka! Kumain ka nalang dyan at baka ma-late kapa." Giit ko at ginulo ang buhok nito.

"Hayst! Ate naman! Isang oras ko kaya inayos 'tong buhok ko tapos guguluhin mo lang!" Reklamo nito at sumimangot pa.

"Arte mo! Nagmukha ka lang tao ng kaunti nag-iinarte kana dyan. May bago ka nanaman sigurong nililigawan noh?" Asar ko dito.

"Secret. Papasok na ako at baka ma-late pa ako. Bye guys, love you both." Tugon niya at binitbit na 'yong bag nito at naglakad palabas.

Bahagya naman akong napangiti at tumingin kay mama.

"Galing pala dito kanina si Cib. Hindi na kita ginising." Ani ni mama.

"Bakit daw?" Tanong ko naman.

"Malamang kinamusta ka niya. Tsaka sinabi narin sa akin ni Cib 'yong nangyari sa inyo." Napatango lang ako habang naglalagay ng kanin sa plato ko.

"Anong... sabi niya?" Tanong ko ulit.

"Gusto niyang bumalik kana at ayusin ang hindi niyo pagkakaunawaan." Tugon naman ni mama.

"Tsaka na." Nasabi ko nalang at nagsimula nang sumubo ng pagkain.

"Anak... hindi kayo magiging maayos sa ganyan. Mag-usap kayo, hindi 'yong kaunting away lang ay maglalayas  kana kaagad. Magtiwala kayo sa isa't-isa. Kung totoong mahal mo siya, tanggapin mo ang buong pagkatao niya. Kahit pa... hindi maganda ang nakaraan niya. Wag niyong hayaan na sirain kayo ng nakaraan. Tapos na 'yon. Basta ang importante ay hindi ka niya niloloko at mahal ka niya. Dahil kung nagkataong niloloko ka niya, aba! Ibang usapan na 'yon. Makakatikim na siya sa akin." Sa haba ng sinabi ni mama ay tila tumagos naman lahat ng iyon sa buto ko.

Mukhang tama nga si mama. Parte 'yon ng nakaraan ni Cib kaya dapat kong tanggapin kahit masakit.

"Masakit parin kasi... hindi ko pa kayang harapin ni Cib." Malumanay na sambit ko at napabuntong hininga nalang.

"Okay lang Anak. Parte yan buhay. Minsan kailangan natin masaktan para mas tumibay pa tayo." Ughh... napayakap nalang ako kay mama at mukhang naiiyak nanaman ang mga mata ko. Na-touch naman ako. Hindi ko naman alam na may ganitong side pala si mama.

Hindi siguro ako naghirap pa noon kung pinaalam  ko kay mama ang mga pinagdadaanan ko. Hindi kasi kami legal noon ni Lucas dahil nag-aaral palang ako kayo noong nasaktan ako, sinarili ko lang. Pero ngayon, ang sarap din pala sa pakiramdam na open ka sa family mo sa masasaya at masasakit mang mga oras katulad nito.

Mabuti nalang at day off ko pala ngayon. Hay, dito lang ako sa loob ng bahay. Wala ako sa mood na gumala ngayon.

Cib's POV

"Akala  ko ba wala ng kopya 'yon? Pero bakit mo sinend sa kanya?!!" Halos pasigaw kong sabi.

"Ano? What are you talking about?" Pagmamaang-maangan  pa niya.

"Wag mo na akong gaguhin pa Cathy. Alam kong ikaw ang may gawa nun. Are you happy now? Umalis kana dito at ayokong makita pa ang pagmumukha mo!" Tumalikod na ako bago pa man ako makagawa ng hindi maganda sa kanya ngunit hinawakan niya ako sa kamay kaya natigilan ako.

"Hindi ko alam 'yong sinasabi mo Cib. I didn't do anything wrong. Bakit kaba nagagalit sa akin?" Tsk!

"Get lost! I don't wanna see your face. Matagal na tayong tapos kaya tumigil kana." Giit  ko at inalis ko ang kamay niya mula sa pagkahawak sa akin at tumalikod na.

Hindi ko hahayaan na mawala sa akin si Tangerine dahil lang dito. Gagawin ko ang lahat bumalik lang siya sa bahay. F*ck! Miss na miss ko na siya.


A/N: Mapapabalik pa nga ba ni Cib si Tangerine? Sorry for the late update medyo busy lang. Babawi ako guys just hang on at maraming mahalagang kaganapan sa next chapters. Arigato.  VOTE AND COMMENT ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon