KABANATA 40

1.9K 65 25
                                    

Cib's POV

"Nice one! Next pose." Sambit ng photographer.

Right after the competition, may tumawag agad sa amin and they offered a certain project. Sumisikat na through online 'yong mga dati pa naming videos na inupload namin sa youtube.

We will be endorsing a certain brand of clothes. Yeah, hindi siya connected sa music pero malaking project na din 'yon for us at kilalang kilala ng lahat 'yong brand na 'yon.

So now, nagsisimula na kaming mag-photo shoot for the endorsement kasi gagawa sila ng billboard kung saan maiilalagay ito sa bawat malls.

May mga napapa-autograph na din sa amin tuwing nasa labas kaming apat. May mga guesting na din kami sa mga iba't ibang show and I guess pinu-push kami ng mga tao na pumasok sa showbiz. Why not? Basta hindi lang kami malalayo sa music.

Tangerine's POV

Grabe, mukhang sumisikat na ngayong ang fboys at tila usap usapan sila ngayon sa social media. Hindi sila 'yong nanalo pero sila ang mas gusto ng mga tao. Naku, mukhang dadami na ang mga kaagaw ko kay Cib.

Pagpasok ko sa trabaho ko tatlong roses agad ang bumungad sa akin sa table ko. Malamang galing ito kay Zach. Wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya pero pinipilit niya.

Napatingin ako sa bracelet na binigay niya sa akin. Siguro dapat ko nang isauli 'yong mga binigay niya sa akin pars tumigil na siya at hindi na umasa pa. Nakakahalata na 'yong mga katrabaho ko.

Saktong sakto ay pinatawag niya ako.

"Yes sir?" Sambit ko.

"Sabay tayong maglunch mamaya." Nakangiting saad niya at tila kinakausap lang niya ako ng casual.

"Uhm, hindi pwede sir. May lakad na ako." Tugon ko kahit wala naman talaga. Baka isipin niyang pinapakitaan ko siya ng motibo kapag pumayag ako. Tinanggal ko naman 'yong bracelet tsaka nilapag sa table niya.

"I'm sorry Zach. I can't... love you back." Sambit ko at lumabas na ng office niya. Pinagtitinginan naman nila ako paglabas at tila ba may masama silang iniisip sa akin.

Umupo nalang ako sa pwesto ko tsaka tinapos ang trabaho ko. Pagsapit ng tanghali ay nagtungo na agad ako sa coffee shop bago pa man makalabas si Zach sa office niya.

I ordered the usual of course. Hay, namiss ko 'tong tambayan ko ah.

"Hi. Can I... sit here?" I just rolled my eyes. Si Lucas nanaman. Ano pa nga bang magagawa ko eh nakaupo na siya.

"Ang tagal mong nawala ah. Where have you been?" He started a conversation habang pareho kaming kumakain.

"Well I think, I should be asking you the same thing. Where have you been?" Pabiro kong sabi. First ko ata ulit siyang kinausap ng ganito. Malalim na din naman ang pinagsamahan namin so I guess it's time to forgive him? Feeling ko naman napatawad ko na siya at wala na akong nararamdaman na mabigat sa loob ko ngayon habang kaharap ko siya.

"Nagbakasyon lang ako." Sagot niya. "Wala na kami ni Cathy." He added. Napatingin naman ako sa kanya. Hindi naman siyang mukhang miserable neither broken. Mukhang masaya pa nga siya eh at maaliwalas ang mukha niya.

"Aww." Nasabi ko nalang. Kaya pala panay dikit si Cathy sa Cib ko ha. Maharot siya. Subukan niya lang agawin sa akin si Cib. Hmp!

"Gusto kong...magsimula tayo ulit Tangerine." Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"What do you mean?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Let's be... friends? Again?" Hmm...

"Well, wala namang problema sa akin. Forgiven kana sa akin Lucas." I half smiled.

"Salamat." Muli siyang napangiti.

Napatawad ko na siya, but it doesn't mean na nakalimutan ko na rin ang ginawa niya. Mahirap magpatawad pero mas mahirap makalimot.

"Hindi ba, parang si Cib 'yon?" Turo niya doon sa malaking tv na nakadisplay sa may likod ko.

Napalingon ako. Omg! Si Cib nga at kasama niya ang buong tropa niya. Grabe, napapadalas ko na siyang makita na lumalabas sa tv ah. Ilang araw na nga pala kaming hindi nagkikita sa bahay. Minsan kasi umaga na siya umuuwi dahil sa bagong career niya at busy din ako sa trabaho. Namimiss ko na tuloy siya.

Full support naman ako sa career niya pero ang sad part lang is-- parang unti unting nagkakaroon kami ng gap sa isa't isa. Paano pa kaya kapag sikat na sikat na talaga siya noh? Okay, wag advance mag-isip Tangerine.

"May kalat ka sa labi." Giit ni Lucas ngunit bago ko pa man 'yon mapunasan ay inunahan niya na ako. Pinunasan niya ng tissue ang gilid ng labi ko. Napatitig tuloy ako sa kanya.

Nakakatuwa din palang titigan 'yong taong dati mong minahal at sa wakas masasabi mo sa sarili mo na-- grabe, ang pangit pala ng iniiyakan ko dati. Etchos! Gwapo din naman si Lucas, ang kaso... wala lang. Nevermind lols.

Bumalik nalang ako sa pagkain habang sumusulyap sulyap sa tv. Syempre, andoon 'yong ulam ko choss! Harot! Sana umuwi na siya, hindi naman na ako galit eh.

Babe uwi kana, hindi na ako galit. *pout*

Hinatid ako ni Lucas pabalik sa trabaho kahit pa isang tawiran lang naman talaga. Trip niya lang.

"Sige na. Ingat ka nalang at salamat." Kaway ko sa kanya.

"Ingat ka din." Kaway niya din.

Akmang papasok na sana ako ng building nang biglang bumulaga sa akin si Zach at 'yon... bumunggo ako sa dibdib niya. Ang sakit huh.

"Sino 'yon?" Pinanliitan niya ako ng mata.

"Ex ko 'yon." Diretsang sagot ko.

"Are you dating with him?" Bakit ba siya nagtatanong?

"Wala kana doon okay?" I answered at mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko.

"Bumalik kana sa trabaho mo at late kana." Biglang masungit niyang sabi.

"Okay fine." Tugon ko at naglakad na papuntang elevator. Akala ko hindi siya sasabay pero sumabay pala. Tinitigan niya ako ng masama habang unti unting lumalapit at muli niya akong ikinulong sa mga braso niya nang makasandal ako sa sulok. Ganitong ganito din ang ginawa niya sa akin dati noong nasampal ko siya.

"Hindi ako susuko sa'yo Tangerine. But this time, hindi na ako magiging mabait sa'yo." Sambit niya tsaka muling umayos nang bumukas ang elevator.

Shocks! Pigil hininga ako doon ah. Ano bang binabalak niya? A-anong ibig niyang sabihin?


A/N: Sumisikat na si Cib. Ayos lang ba sa inyo readers? VOTE AND COMMENT ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Where stories live. Discover now