KABANATA 53

1.7K 55 17
                                    

Cib's POV

Lalong may kumurot sa puso ko nang masilayan ko ang mukha ni Tangerine.

"Hi..." kaway niya sa amin habang nakangiti ng sobrang tamis. Kung sa normal lang  na araw ay baka natuwa pa ako ng sobra dahil sa ganda ng ngiti na sumalubong sa akin pag-uwi.

Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi which makes her cheeks turn into pinkish one. Ang cute niya talaga. Ayokong mahalata niyang malungkot ako kaya naman pilit kong ikinubli ang bumabagabag sa akin at ngumiti na parang normal lang ang lahat ng kaganapan sa paligid ko.

Dahil pareho na kaming mga pagod ay umorder nalang ulit kami ng makakain at syempre 'yong tatlong sampid sa bahay ang pinagbayad ko. Ewan ko ba at naisipan nilang tumira dito.

Tangerine's POV

Hangga't nandito sa bahay sina Jack, Matthias, at Laures ay daig ko pa ang buhay reyna sa loob ng bahay na ito. Sila bumibili ng pagkain, sila nagluluto, naglilinis, at aba... pati damit ko sila pa nagpapa-laundry. Ako naman tuloy ang nahiya sa kanila dito.

Nagkukulitan pa sila sa labas pero nagpaalam na ako at pumasok na ng kwarto ko para matulog.

Pinatay ko na 'yong ilaw at humiga sa kama ko. Patulog na ako nang maramdaman kong may yumayakap sa akin mula sa likuran ko.

Agad akong napabalikawas at binuksan ko 'yong ilaw. Si Cib lang pala. Akala ko naman ay may multo na sa kwarto ko.

"Sorry kung pumasok ako. Akala ko tulog kana kaya hindi na ako kumatok." Ani nito at tila malumanay ang boses niya.

"Bakit? May kailangan kaba sa akin?" Tanong ko dito. Instead na sagutin ang tanong ko ay hinila niya ako dahilan para mapahiga ulit ako sa kama.

"Pwede ba akong matulog dito?" Tanong niya. Inaantay ko nanamang tumawa siya pero hindi. So seryoso siya?

"Uhm... okay lang. Basta ba wala kang gagawing masama sa akin." Sagot ko at natawa naman siya.

Pinatay ko na ulit 'yong ilaw at sinubukang matulog ulit. At oo, katabi ko siya. Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya habang yakap yakap niya ako.

Shocks! Hindi tuloy ako makatulog at tila kinikilig nanaman ako. Jusme! Ane kebe nemen Cib.

"Tangerine..." sambit niya sa pangalan ko.

"Hm?" Tugon ko.

"Wag mo akong iiwan huh? Ano man ang marinig mo, makita mo, sana... wag mo akong iwanan at magtiwala ka parin sa akin." Mahinang sabi niya at hindi ko alam kung umiiyak ba siya o may sipon lang.

"Bakit ganyan ka magsalita?" Tanong ko at ang weird ng sinasabi niya.

"Wala lang." Tugon niya.

"Kung wala ka namang ginagawang masama, bakit kita iiwanan? Mahal kita Cib." Sambit ko.

"Mahal din kita Tangerine. Mahal na mahal." He replied tsaka ako hinalikan sa noo.

~*~

Kinaumagahan, nagising ako na wala na sa tabi ko si Cib. Pagbangon ko ng kama ay tila biglang umikot ang paningin ko at muli ko nanamang naramdaman ang mainit na likido na sa loob ng ilong ko. Napatakip ako ng ilong ko at muling naupo sa kama.

Pagtingin ko sa kamay ko ay may bahid na ito ng dugo. Ito na ang pangalawang beses na nag-nosebleed ako. Bakit ang dalas?

Napapaisip ako ng pwedeng maging dahilan pero wala naman akong sakit. Siguro dahil sa pagod lang sa trabaho.

Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa banyo bago pa man makita ni Cib ang itsura ko. Alam niyo na... takot 'yon sa dugo.

"Good morning guys." Bati ko sa kanila na mukhang may pinag-uusapan at naka-formation pa sila ng circle.

"Good morning." Tugon nila tsaka naghiwahiwalay at tila ako ata ang pinag-uusapan nila. Char lang! Assumera lang.

"Good morning darling." Sambit ni Cib. Napangiti naman ako dito. Shocks! Umagang umaga ang harot na agad.

"May lakad ba kayo?" Tanong ko dito.

"Uhm mamayang tanghali pa naman. So... mag-ready kana for work at ihahatid na kita." Ani nito. Kitang kita ko nanaman ang dimple niya. Kainis!

"Okay..." sabi ko at nagsimula ng kumain kasabay ni Cib. Kami lang dalawa at mukhang tapos na 'yong tatlo at parang may lakad dahil sa bihis na bihis ang mga ito. Baka may date.

After kong kumain ay agad akong naligo at nagbihis. Kaunting arte at ayos para lalong gumanda. Choss! Paglabas ko ng kwarto ay bihis na bihis na din si Cib. Mas nauna pa siya sa akin ah.

"Let's go?" Sabi ko dito.

Nilagyan niya na ako ng helmet sa ulo nang biglang tumunog 'yong phone niya.

He checked it out at tila bigla siyang natameme nang matignan niya 'yong notification.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Ahh... sorry darling." Napakagat labi niyang sabi at tila may problema.

"Bakit ka nagso-sorry?" Wala naman siyang kasalanan.

"Kasi--hindi na kita maiihatid ngayon." Mahinang sabi nito. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot nang marinig iyon.

"Okay lang. Bakit? May problema ba?" Tanong  ko dito.

"Urgent lang. Bigla akong pinatawag ng manager ko. Babawi  nalang ako sa'yo. Sorry talaga darling." I sighed. Ano pa bang magagawa ko? Wala naman diba?

Tinanggal ko nalang 'yong helmet na suot ko since hindi niya naman ako maihahatid pa.

"Sige, mag-ingat ka nalang. Magbu-bus nalang ako. I love you, bye." Sambit ko at hinalikad siya sa pisngi.

Aalis na sana ako nang pigilan niya ako.

"I love you too darling. Mag-iingat ka din." Sabi niya at hinalikad ako sa labi. Sa sandaling iyon ay tila nanigas naman ang buong katawan ko dahil sa halik niya.

Maraming beses niya na akong hinalikan pero pakiramdam ko laging first time eh. Okay fine, siya na ang may kayang pakiligin ako araw araw.

So ito, kahit hindi man niya ako nahatid ay nakangiti parin ako ngayon. Hanggang ngayon kinikilig parin ako at ngumingiti nanaman ako ng mag-isa.

Hay naku, Tangerine. Para ka namang bata kung kiligin dyan. Teka, isang linggo na pala kami ngayon ni Cib. Weeksary? Kailangan pa bang i-celebrate 'yon?

Hmm... kung sa bagay. Accomplishment na din 'yon at hindi lahat ng relasyon ay nakakaabot ng isang linggo. Sana, hindi na siya mawala pa sa akin. Sana, siya na ang lalaking nakatadhana para sa akin.

Mrs. Tangerine Salvador Buendia. Ang sarap pakinggan. Kailan kaya mangyayari 'yon noh?



A/N: Mangyayari nga ba? Alamin din ang kondisyon na meron si Tangerine. May sakit kaya siya o normal lang ang lahat? Bukas na po ulit ako mag-uupdate at whole day klase ko ngayon. Salamat sa support.  VOTE AND COMMENT KAYO GUYS ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Where stories live. Discover now