KABANATA 55

1.6K 57 23
                                    

Tangerine's POV

I already texted him na wag nalang ako sunduin at may dinner date pa nga kami ni Papa together with my sister tonight.

Binigay na sa akin ni papa 'yong exact place kung saan kami magkikita at medyo may kalayuan 'yon sa trabaho ko kaya nag-taxi nalang ako papunta doon.

As I arrived, pumasok na agad ako sa loob at hinanap sila. Mukhang napaaga ata ako at wala pa sila. So naisipan ko na munang pumunta ng comfort room at para makapag-retouch naman ako kahit papaano.

Inayos ko ang buhok ko, naglagay ng lipstick at foundation. Tadaah! Okay na ako.

Palabas na ako ng cr nang may makasabay ako sa pinto. Pareho kaming palabas na at nagkahawakan pa kami ng kamay sa pinto.

"Sorry mi--" kapwa kami natigilan nang magkatinginan kami.

"Oh~ what a small world. Hi Tangerine." Plastik niyang bati sa akin.

I faked smile tsaka lumabas na at ganoon din siya. So nagkasabay nanaman kami sa labasan. Bakit ba sa dinami-dami ng tao na pwede kong makita dito ay siya pa. Nakabwiset talaga 'yong pagmumukha ni Cathy kahit kailan.

Hinanap ko na si papa at hindi naman ako nabigo. Nakita ko na siyang nakaupo sa kaliwang side ng resto mula sa kinatatayuan ko.

"Papa!"

"Daddy!"

Halos sabay naming sambit. Tila biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang marinig ko ang boses na iyon. Kapwa kaming nagkatinginan at tila ba may kuryenteng nabuo between us.

"A-anong sabi mo?" Tanong niya. "Did you just called him PAPA?" Dugtong pa niya habang nakaturo sa direction ni papa. Sa puntong ito ay hindi pa kami nakikita ni papa at tila nag-aantay parin siya sa amin.

"Papa ko yan eh." Tugon ko.

"At kailan mo pa naging PAPA ang DADDY ko?" Sindak niya sa akin.

Muli kaming natameme at nagkatitigan habang ina-absorb ng utak ko ang nagaganap. Ang ibig bang sabihin nito ay--

"KAPATID KITA?" Halos sabay naming sabi at nakaturo pa sa isa't-isa.

"Oh no!" She blurted as if diring diri siya sa akin.

Seryoso? Totoo ba ito? Of all people in the world si CATHY pa talaga ang kapatid ko?

"Mga anak, andyan na pala kayo. Buti naman at mukhang nagkakilala na kayo." Sambit ni papa nang makita kami.

"No Daddy. I can't accept this dirty juicy cockroach!" Singhal niyang muli.

"Mas lalong ayoko naman sa'yo noh." Sagot ko din.

"Ngayon hindi na ako magtataka pa kung bakit ayaw ko sa'yo noon pa man. And the reason is... you are a bastard. Anak sa labas, anak ng isang kabit, anak ng isang malanding babae na bumilog sa ulo ng Daddy ko noon." Mariing sabi niya at tila bahagyang umakyat sa ulo ko ang dugo sa buong katawan ko  dahil sa sinabi niya.

"Tama na yan Cathy! Akala ko ba tanggap mo na ang kapatid mo? Hindi ka dapat ganyan magsalita sa kanya." Sabat ni papa.

"Tatanggapin ko ang anak mo sa ibang babae Daddy pero maliban sa kanya." Sabay duro niya sa akin.

"Walang kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan. At lalong wala kang karapatan na insultuhin ang pagkatao ng nanay ko."

*PAK!*

Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi nito na mula sa akin. Tila nagngitngit ang buong paligid ko dahil sa sinabi niya tungkol sa nanay ko.

"Hindi malandi ang nanay ko!"

*PAK!*

Isa pang sampal ang natanggap ni Cathy mula sa akin at tila nagulat siya sa ginawa ko.

"Walang hiya ka~" Agad niya akong sinugod at hindi naman ako nagpadaig.

Nagkagulo sa loob ng restaurant dahil sa amin. Agad naman kaming pinaghiwalay ng guard at ni papa.

"Kakalbuhin talaga kita! How dare you!" Hiyaw niya habang nagpupumiglas parin at gusto pa akong sugurin.

Medyo kumalma naman ako. Hindi ko na dapat pinapatulan pa ang katulad ni Cathy na makitid ang utak. Mabuti nalang at hindi kami pinapulis ng may-ari ng restaurant na ito.

Nang medyo kalmado na ang lahat ay naupo na kaming tatlo sa table kung saan kami naka-reserved.

"Anak, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Papa.

"Okay lang ako Papa." Tugon ko.

"Daddy, ako 'yong nasaktan at hindi yang babaeng yan." Sabat naman ni Cathy.

"Hindi ko alam na matagal na pala kayong magkakilala. Sana naman magkaayos na kayo." Ani ni Papa na halatang nag-aalala sa amin dahil sa nangyari.

"Malabong mangyari yan Daddy." Sabat ulit ni Cathy.

"Talagang malabo yan Papa. Unang una, she betrayed me. Pangalawa, isa siyang ahas. Pangatlo, magkaibang magkaiba ang ugali namin kaya kahit kailan ay hindi talaga kami magkakasundo. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang naging anak niyo at naging kapatid ko." Saad ko.

"Nagsalita ang magaling at malinis." She murmured. "Akala mo naman kung sino kang magaling na anak. Bakit? Nasaan ka noong mga panahon na kailangan ka ni Daddy? Nasaan ka noong mga panahon na nagpapagamot si Daddy sa Cancer niya? Nandoon kaba? WALA!" tila may sumaksak sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Cathy.

"Ca-cancer?" Sambit ko at napatingin ako kay papa. Hindi siya makatingin sa akin at pilit niyang iniiwasan ang mga mata ko. "Papa... bakit hindi niyo sinabi sa amin ang tungkol doon? Kaya ba-- nawala ka ng matagal sa amin dahil doon?" Napahawak ako sa kamay ni papa. Ngayon ko lang napagtanto na 'yong mga panahong galit na galit ako sa kanya ay sa kabilang banda ay naghihirap pala siya ng hindi namin alam.

"Papa, sagutin mo ako." Yugyog ko dito.

"Oo anak." Tumango siya.

"Wag ka ng magdrama dyan at tapos na 'yon. Wala ng sakit si Daddy kaya don't  act like you do care about his condition." Irap ni Cathy si akin.

"May pakialam ako sa Papa ko at may karapatan parin ako doon. Pero sayo, wala akong pakialam." Tugon ko dito.

"Likewise sister." She said sarcastically at sinukbit ang bag nito tsaka umalis. Hay, mabuti naman at umalis na sa harapan ko 'yong demonyetang Cathy na 'yon.

"Pagpasensyahan mo na ang kapatid mo Tan-tan." Sambit ni papa.

Ang awkward pakinggan. Kapatid ko si Cathy. Ang immature niya masyado para maging ate ko.

"Papa, I'm sorry sa nangyari kanina. Hindi lang talaga kami okay ni Cathy ever since. At-- sorry kung wala kami sa tabi mo noong mga panahon na kailangan mo kami. Hindi ko kasi alam." Napayakap nalang ako kay papa dahil sa naiiyak ako tuwing naiisip kong dumanas siya ng malubhang sakit at wala akong ginawa kundi magalit sa kanya.

Kahit gaano pa ka-demonyo 'yong Cathy na 'yon ay nagpapasalamat parin ako dahil kundi dahil sa kanya ay hindi ko malalaman ang totoo. Baka ayaw ni Papa na mag-alala kami kaya tinago niya sa amin ang katotohanan. Kahit papaano ay may silbi parin 'yong haliparot na 'yon.

A/N: Paano ba yan, magkapatid pala sina Tangerine at Cathy. May pag-asa kayang maayos sila? VOTE AND COMMENT ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon