Chapter 2: Dream or love?

2.3M 55.7K 10.8K
                                    

INIANGAT NIYA 'YONG kamay niya habang nakatingin siya sa engagement ring na binigay ko. Nakatingin lang ako sa kaniya, pinagmamasdan kung gaano siya kaganda.

"Ang ganda. Ang ganda ng wedding proposal mo para sa 'kin. I will never forget that." Tiningnan niya ko. "Thank you for making it unforgettable."

"Sabi kasi sa 'kin ni Ate Jaycee, importante raw sa mga babae 'yong wedding proposal kaya ginawa ko lahat para maging memorable siya para sa ' yo."

"Hindi ako nagkamali ng pinili at minahal kita, Jeydon."

Ngumiti kaming pareho at yakap-yakap ko lang siya. Sinandal niya 'yong ulo niya sa balikat ko habang nakatingin kami sa malaking bintana ng condo niya. Ang daming bituin ngayon, ang sarap tingnan at pagmasdan.

"Jeydon?" bulong ni Candice, tiningnan ko siya pero hindi siya makatingin sa 'kin. "Tingin mo ba magiging mabuting asawa ako sa 'yo?" Hindi ko maiwasan na ngumiti nang sobra. Nakakatuwa lang na tinatanong niya pa 'yon sa 'kin.

"Hindi ka lang magiging mabuting asawa sa 'kin, the best wife in the world pa." Lumapit ako sa kaniya pagkatapos hinalikan ko 'yong noo niya. "At ako, lahat gagawin ko para maging the best husband para sa 'yo." Niyakap niya na lang ako.

"Alam mo ba 'yong mga fairy tales na dati pinapangarap at napapanuod ko lang sa TV, ngayon nangyayari na sa 'kin at lahat 'yon dahil sa 'yo. Tinupad mo 'yong dream love story ko." Niyakap ko lang din siya nang mahigpit.

"Pareho nating tutuparin 'yong mga pangarap mo."

Tiningnan niya ko at parang nagtataka pa siya. "Paano naman 'yong pangarap mo?" tanong niya.

"Ang pangarap ko lang naman makasama ka habangbuhay." Bigla siyang namula kaya hindi ko na naman napigilan na mapangiti.

Bigla niya akong hinampas. "Ang korni mo! Ewan ko sa 'yo!" Tss. Ang korni ko raw pero halatang kinikilig siya.

Nagkatitigan kami ni Candice at napatingin ako sa labi niya. Nakaramdam na lang ako ng urge na halikan siya. "Baby girl, puwedeng humingi ng kiss?"

"Ha? Ayoko nga." Nag-sad face ako sa kaniya tapos tinarayan niya ko pero bigla na lang siyang ngumiti sa 'kin. "Sige na nga. Good night kiss ko para sa 'yo."

Unti-unti niyang nilapit sa 'kin 'yong mukha niya. Akala ko mahahalikan ko na siya pero hindi pala dahil biglang may nag-doorbell.

"Sandali, may bisita ata ako." Tumayo siya para buksan 'yong pintuan pero hinila ko siya pabalik sa 'kin.

"Huwag na. Hayaan mo na siya."

Nilakihan niya ako ng mata. "Jeydon Lopez!" sigaw niya.

"Candice Gonzales-Lopez?" Nagtaray na naman siya sa 'kin at mukhang seryoso na nga siya. "Okay, go ahead."

"Behave okay?" Dimiretso na siya ro'n sa pintuan.

"Wrong timing naman oh," bulong ko sa sarili ko. "Sino kaya 'yon?"

Bumalik ako sa sala para manood ng TV pero hindi ako mapakali kaya tumayo ako agad para sundan si Candice. Nasa malayo pa lang ako nakita ko nang binuksan ni Candice 'yong pintuan at nagulat ako ng may isang lalaking nakatayo do'n. Anong ginagawa niya sa condo ni Candice ng alas diyes ng gabi?

Pumunta agad ako sa tabi ni Candice.

"Good evening, Candice. Am I interrupting something?" tanong pa niya. Hindi siya nagkakamali, nakakagulo siya sa 'min ni Candice.

Pumagitna agad ako sa kanilang dalawa tapos tiningnan ko nang masama 'yong lalaki. "Do you even know what time it is? It's already 10 in the evening and you're asking if you're interrupting us?" Tumawa ako na mapang-asar. "No you're not," sarcastic kong sabi.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon