Chapter 1- We are Coming

27.5K 480 14
                                    

Kiro

Kahit wala si Sakura, ang tunay na anak ni Tita Abby at Tito Ayano, nainvite pa rin ako sa lunch ng family nila. They are not related by blood but they treat each other like family.

"Kiro, kain lang ng kain. Huwag kang mahihiya, mga wala ding hiya mga tao dito." Biro ni Tito Marcus sa akin. Inabutan ako ng beer ni Tito Ace.
"Kyle, pasado na ba ang manugang mong hilaw?" Biro ni Tito Marcus kay Tito Kyle. Nakahiwalay ako sa magbabarkada. Sobrang ingay nila lalo na si Rome. Mas gusto ko yung ganitong usapan, walang masyadong kalokohan.
Tumango si Tito Kyle bilang sagot. This man is my mentor. I salute him for everything. He was brutally hard to be a mentor and I was thankful to be under his wings.
"Mukha naman masaya si Xykie sa kanya." Puna ni Tito Ace.
"Hindi niya pasayahin ang anak, kapag hindi ko siya tinadtad." Sagot ni Tito Kyle na ikinatawa ni tito Marcus. Alam naman namin na tototohanin ni Tito Kyle ang sinabi niya. Yung babae nga lang na nanakit kay Xykie sa Cordonia muntik ng ipaligpit eh. Unang assignment ng bagong recruited na Knight, putulan ng dila si Lady Bernadette. Eh kaso nag-enjoy sa pagtorture yung bagong Knight, ayun, pinilay na din yung babae.

Napatingin kami sa gawi ng magkakaibigan ng may mabasag na baso.
"Allie?" Nag-aalalang inalog ni Kuya Carlos si Allison.
"Allison...Can you hear me, sweetheart? What is happening?"

"May nakikita na naman si Allison." Sabi ni Tito Ace.
"Tawagan mo si Tita Abby." She said. She is shaking with fear.
Nagkatinginan kaming apat.
Tawagan mo sila... Paalisin mo sa bahay nila. Ngayon na." Sigaw ni Allison.

Mabilis na kinuha ni Xykie ang laptop na lagi nyang dala. Si Jack ang nakacontact kay Tita Abby. Pumunta ako sa likuran ni Xykie para tingnan ang cctv.

"Bilisan nyo." Sigaw ni Ate Allison na parang nahihirapan.
"Tita Abby, sino kasama nyo sa bahay?" Tanong ni Jack.
  "Umalis kayo ni Tito Ayano...Ngayon na... Basta, Tita..." Paliwanag niya.

"Oh God... May mga tao sa labas ng bahay nila Tita." Sigaw ni Xykie. Tumingin siya sa akin. Natatakot ang mga mata.
"Ate Jack, paalisin mo sila. May baril ang mga tao... Madami ang nakapalibot sa bahay." She shouted.
Kinuha ni Tito Kyle ang laptop kay Xykie. Nagsimula ng manginig sa takot si Xyk.

"Tita... umalis na kayo... Please... madami sila." Sigaw ni Jack sa phone.
"Tita Abby..."

Nadinig namin ang putukan sa phone. Para akong tinuhog sa kinakatayuan ko. Iisang tao ang nagrehistro sa utak ko mula sa mga footage sa cctv.

Para akong ibinalik sa araw na pinatay ang mga magulang ko. Ano na naman ang kailangan nila? Naikuyom ko ang mga kamao ko habang pinapakinggan ang mga tunog ng baril sa cellphone na nakaloud speaker na ngayon. Sandali lang ang barilan pero parang ang tagal kong nakikinig sa putok at sigawan, hanggang saw ala na akong madinig sa kabilang line...

"Sino sila?" Umiiyak na tanong ni Jack.
"The Red Dragon Triad." I replied. Natitikman ko sa dila ko ang galit sa grupo na iyon.
"They will pay this time." I swear.

"They got Ayano... Wala si Abby sa kinuha nila." Halos hindi makapagsalita si Tito Marcus.
"We need to go to Japan now." Sabi ni Tito Red.
"Knights... we have a mission." Tumayo si Tito Ace.
"Maiwan ka Jack. Buntis ka. Lead the group in here." Utos ni Tito Ace.
"Xykie...focus... You need to call Sakura... Secure the perimeter on Abby's house. Tell Sakura to hide her siblings... She needs to go to the house to check on Abby." Tito Kyle shakes Xykie to calm.
"Yes, dad." She replied. She dried her tears and took the laptop from Tito Kyle.
"Sa headquarters tayo." Tito Red gave a command.

"Kiro..." My eyes are blinded with unshed tears. My only family...the family that is not my own but take good care of me.
"They want me," I said to him. Tumango si Tito Marcus.
"They want me dead."
Tito Kyle tapped my shoulder. "They will not see you dead. And we will take Ayano back from them."

Sa HQ, kanya-kanya ng pwesto ang mga shadows. Tito Red gave orders to Knights. Some are gearing up. I went to my locker and take my samurai. It was my family's heirloom.
"I will come too." Sabi ni Henry kay Tito Kyle. "They are family, isn't it? That's what families do."
Nakatingin si Xykie kay Tito Kyle at Henry. Matagal siya bago tumango at bumalik sa ginagawa.

"Are you talking to Sakura?" Tanong ko kay Xykie.
"Yes." She replied.
"Connect me." Sabi ko kay Xykie.
Nadinig ko ang humihikbing si Sakura sa earpiece na suot ko. And it broke my heart even more. Knowing she is scared and defenseless right now.
"Sakura..."
"Kiro, what happened?" She asked.
"Listen... stop crying. Nasaan ang mga kapatid mo?"
"Dinala ko sa hideout ng Knights." She replied.
"Good... now, this is the hardest part... Go to your house. Mag-iingat ka, baka may tao pa doon."
"Nasa labas na ako." Sagot niya.

"Sakura, may cctv ba sa loob ng bahay nyo? Access denied ako eh." Tanong ni Xykie.
"IP 1.9800.0001.1011" sagot ni Sakura.
"Are you armed?"Tanong ko kay Sakura.

"Kiro, gear up." Sigaw ni Tito Kyle sa akin.
"Sandali po Tito. Nasa loob na po ng bahay si Sakura." I replied.
Tito Kyle, Tito Ace, and Tito Marcus went beside me.

Halos tadtad ng bala ang buong bahay. Basag ang mga salamin, tanggal ang paintings, nagkalat ang mga papel sa sahig at mga basyo ng bala. Merong part ng bahay na pinasabog ng grenade.

"Sakura, the house is clear," Xykie said over the line.
Pumasok si Sakura sa loob ng bahay hawaka ng isang calibre 45 na baril.

"Tita, where are you?" Bulong ni Xykie.
Walong monitor ang nasa harapan namin. Tig apat na CCTV ang nakabukas sa isang monitor. Sa dami ng CCTV, hindi namin makita si Tita Abby.
"Sakura, sa kitchen." Xykie said. Sumunod si Sakura sa sinabi ni Xykie.

Dumadami na ang taong nakapaligid sa amin ngayon.
"Sa pantry." Xykie said.
Sumunod si Sakura. Binuksan niya ang pantry at nabuhal si Tita Abby sa pagkakabukas niya ng pintuan.

"Mom...mom..." Nadidinig namin si Sakura sa ear piece namin.
"Sakura..." I called her. Let Tita Abby be okay.
"She has a weak pulse." Umiiyak na sagot ni Sakura.

"Let's go. Move." Tito Red said. He is in gear too.
"We are coming," I said to her. I am coming for you.

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon