Chapter 25- Mom (to be)

10.9K 351 21
                                    

Kiro

The night before the meeting, dumating si Tita Abby sa warehouse kung saan nakakulong si Saito. Agad na tinutukan ng baril si Tita Abby ng mga tauhan ko pero wala siyang pakialam na pumasok sa warehouse.

"Kiro." Sigaw ni Tita Abby.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko nang sinabi ni Asahi na nandito si Tita Abby.

"Tita." Bati ko sa kanya.
Lumapit si Tita Abby sa akin at yumakap. "Kumusta ka na?"
"Okay naman po. Kayo po Tita? Yung sugat nyo po."
She waved her hand. "Galos lang yun."
"Sino po kasama nyo?" Tinanaw ko ang pintuan ng warehouse kung may kasama si Tita Abby.
"Ako lang. Sabi ko kay Ayano, meron lang akong bibilin." Sagot ni Tita.
"Ngayon, nasaan ang talipandas na pumasok sa bahay ko at gustong saktan si Sakura?" Biglang nanlisik ang mata niya.
"Nasaan, Kiro?!" Tanong ni Tita Abby.
Natingin sa akin si Asahi.
"Nasa isang kwarto po, Tita." I replied.
"Lead the way." Seryosong sabi ni Tita.

Sumunod sa akin si Tita Abby, si Asahi at ilan pa sa mga tauhan namin. Nakatali ang mga kamay ni Saito ng steel chain. Nakatayo siya, nakataas ang kamay at halos nakatingkayad na sa sahig. Nakatali naman sa pader ang iba niyang mga kasama. Nilapitan ni Tita Abby si Saito. Pinigilan ko si Asahi ng tangkaing pigalin si Tita.
"Just watch." I told my men.

Hinubad ni Tita Abby ang trench coat na suot at tumambad sa mga tauhan ko ang de kalibreng baril na nasa strap ni Tita. Pati ang nga hunting knives niya.

"Do you fucking remember me?" Tanong ni Tita Abby kay Saito at binigyan ito ng isang suntok sa lalamunan. Napadura agad ng dugo si Saito. Nanigas ang mga tauhan ko pati ang mga kasamahan ni Saito na nakatali.
"Do you?" Hinawakan ni Tita sa mukha si Saito at iniharap sa kanya.
"You are one of those bastard who went to my home and tried to kill me." Isang suntok sa pisngi ang binigay ni Tita Abby. Gumalaw si Saito at tinangka niyang sipain si Tita Abby but Tita immediately went for her knife and plunge it on Saito's knee. Napasigaw si Saito.
"And you drag my husband like a rug rat. Don't you think I will not hunt you, don't you?" Isang suntok pa ang binigay ni Tita Abby kay Saito.
"Who is your leader?" Tanong ni Tita.
"Kaede." Sagot ni Saito.
"I can't tolerate your games. My son might be soft with you, but not me." Sagot ni Tita Abby.
Kinuha ni Tita ang trench coat niya at pinalibot sa ulo ni Saito. She is still the ruthless assassin that I read on reports. But what caught me is, she called me her son.

"Kiro, pakuha mo akong tubig." Utos niya.
"Mizu." Mahinang utos ko sa isang member ko. Nagmamadaling lumabas ito at kumuha ng tubig.

Lumapit si Tita Abby sa isa sa mga nakatali sa pader.
"I remember you." Sabi ni Tita at tinusukan niya ito ng hunting knife sa hita. Sumigaw sa sakit ang napagdiskitahan ni Tita Abby.
"I need a name... Give me your leader's name." Sabi niya.
"I can't." Sabi nito.
"Shame... Then I will kill you. You are useless to me." Sabi ni Tita. Kinuha ni Tita Abby ang hunting knife na nakatusok sa hita nito at iyon ang pinaghiwa sa lalamunan.

The smile that Tita gave when she saw the gallons of water is sadistic. Kinuha nito ang galon ng tubig at ibinuhos sa trench coat na nakatakip sa ulo ni Saito. Nagpapalag si Saito dahil hindi siya makahinga.

"You have to stop her." Asahi said to me.
"Let her." I replied.
Pinili ni Tita Abby ang pinakatakot sa nakatali...
"You will talk or I will torture you?" Tanong ni Tita. Nanginginig na tumingin sa akin ang nakataling kausap ni Tita. Bumunot ng hunting knife si Tita Abby at binato sa direction ko. Tinamaan si Asahi sa kamay, nalaglag ang baril na hawak nito.

Nakatutok ang baril ni Tita Abby kay Asahi at ang mga kasamahan ko naman ay nakatutok ang baril kay Tita.
"A snake in an organization will never be kept as a secret forever." Sabi ni Tita kay Asahi.

"She is crazy, Kaede." Sabi ni Asahi.
Binunot ko ang baril ko at tinutok ko kay Asahi.
"Talk." I said to him. Pinaputukan ni Tita Abby si Asahi sa tuhod.
"You bitch." Sigaw nito ng mapaluhod. Nagbaba ng baril ang mga tauhan ko.
"You haven't seen me gone crazy. Speak now... or I will be delighted to cut you piece by piece... You are the one who gave the mask to Mr. Song. You are trying to blackmail us with her tape dancing on a pole. Well, guess what? You underestimate me." Sabi ni Tita.
Pagkarinig ko ng sinabi ni Tita, nagdilim ang paningin ko.
"Why?" I asked kahit nilalamon ako ng galit.
"You are soft to be a leader. You can't even kill me." Sabi nito.
I pointed my gun on him and release the trigger. Bumuhal si Asahi na may tama ng baril sa noo.

"Who fucking wants to be next? You..." Turo ko sa kausap ni Tita Abby kanina. Mas lalo itong natakot.
"Boss... it was Asahi...It was him. Spare my life. He has my family if I will not cooperate." Sabi nito.

Tinanggal ni Tita Abby ang trench coat na lumulunod kay Saito.
"You will talk or you will be dead like him." Sabi ni Tita kay Saito at tinuro nito si Asahi na patay na sa sahig.

Nirecord namin ang sinabi ng mga nabihag namin... Pinasulat ko sa isang member lahat ng pangalan ng sinabi niya na kasabwat ni Asahi. Pagkatapos naming makakuha ng information sa kanila, pinabantayan ko sila sa ilang tauhan at lumabas kami ng kwarto ni Tita Abby.

"Tita, yung video na sinasabi nyo? Sino po ang may hawak?" Tanong ko kay Tita Abby.
"Wala ng kopya, Kiro. Binura na lahat ni Kyle." She said and tapped my shoulder.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
"I felt like I failed... How come hindi ko alam na siya ang kalaban ko? I trusted him dahil kanang kamay siya ni daddy."
"It's not your fault. Hindi rin naman alam ng daddy mo na may motibo si Asahi. Ang mommy mo lang ang nagsabi sa akin noon bago sila mamatay. She called me few hours before they got murdered. Ang sabi niya, pakiramdam niya daw si Asahi ang nasa likod ng pagiging rebelled ni Haru. He fed him wrong information at siya ang naglagay ng seed of doubt kay Haru para magrebelde sa daddy mo. She probably heard Asahi before."

"Siya rin ang nagsabi ng arrange marriage agreement ng Yamamoto- Fujihara clan kay Takashi." Naglakad kami palabas ng warehouse.
"We are hoping that you would...step up?" Tumingin sa akin si Tita Abby na nagtatanong ang mga mata.
"Unless gusto mong tadtarin ko ang pinsan mo." Dugtong niya.
"Tita, okay lang po sa inyo?" Nahihiyang tanong ko.
"Na tadtarin ko ang pinsan mo?" Tanong niya habang nangingiti. Humawak sa baywang ko si Tita Abby at sabay kaming naglakad palabas.

Naghihintay pala si Tito Kyle at Tito Marcus sa labas ng warehouse. Hindi lang pala pumasok ang dalawa.
"Ano? Masaya ka na?" Tanong ni Marcus kay Tita Abby.
"Yup. Ang sarap pa ring mangtorture ng mga lalaki...Yung nakikita mong naiihi sila sa pants nila...Best feeling ever." Sagot ni Tita Abby.

"Goodluck, bukas Kiro. Nasa paligid lang kami." Kaway ni Tito Kyle sa akin.
Tita Abby kissed my cheek. "Take care, son."

Naiwan akong sinusundan ng tingin ang kotse nila na palayo.

Forever Yours (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora