Chapter 28- Tayo na?

11.3K 327 18
                                    

Kiro

"Sakura..." Hinabol ko na naman si Sakura na mabilis naglakad. Paano siyang nakakalakad sa napakataas na heels na yan? At ang ikli ng suot! Hindi ba ito giniginaw?
"Sorry na. Binitawan ko na ang Triad." I said. Napahinto sa paglalakad si Sakura at humarap sa akin.
"What?"  Tanong niya. Hinubad ko ang jacket ko at isinuot sa kanya pagkalapit ko.
"Binatawan ko na ang Triad. Kaya ako naging busy. Kaya hindi ako makareply sayo dahil kinailangan kong ayusin lahat ng kailangan kong ayusin para makabalik ako agad." I explained.
"Bakit mo binitawan? Bakit hindi mo kasi sinabi?" Sinuntok na naman ni Sakura ang dibdib ko. Masakit ha...hindi lang ako kumikibo.
"Hindi kita ilalagay sa sitwasyon kagaya ng nangyari kay mommy. Triad is not safe. And your messages, sobrang late ko na nababasa ang mga message mo. Sorry na." Mga ilang sorry pa kaya ang kailangan ko para tuminong kausap si Sakura? Huminga ng malalim si Sakura at tumingala sa langit.
"Pero hindi ibig sabihin nun, makikipagdate ka sa iba kapag wala ako." I growled at her.
"Hindi nga ako nakipagdate. Kasama ko nga sila Violet kanina. At mag-sorry ka sa kanya." Sigaw ni Sakura sa akin. I wince inside. Shit...oo nga pala.
"Bakit kasi ganyan ang suot mo? Di ba sabi ko sayo huwag kang maglilipstick ng pula." Nagtatalo kami sa gitna ng daan. Mabuti at walang dumadaan ngayon.
"Ano ang gusto mong isuot ko sa Club? Longsleeve?!" Pilosopong tanong nito.
"Halika na...Umuwi na tayo. Nakakahiya sa nakakarinig sa atin." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila pauwi sa bahay.
"O ngayon nahihiya ka?" Balik na tanong niya. Napapikit ako para pigilang mainis.
"Kanina hindi mo naisip na nakakahiya nung sumisig..." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Sakura. Hinalikan ko siya para tumahimik.
"Okay ka na? Pwede na tayong umuwi?" Mahinahon na tanong ko pagkatapos ko siyang halikan.
Tumango si Sakura. Nanlalaki ang mga mata.
"Good. Tara na, uwi na tayo." Nakangiting yaya ko sa kanya. Tumango ulit si Sakura.

"May lipstick ka." Pinigilan niya akong maglakad at binura ang lipstick sa labi ko.
"Sabi ko sayo huwag kang maglilipstick ng pula. See, may evidence na agad." I murmured.
Natawa si Sakura. I entwined my hand with hers and we walk to their house. Maglilipat ako ng gamit ko simula bukas.
"Bawal ka ng magpacute sa iba, Sakura." Sabi ko. Natawa siya.
"Tayo ba?" Tanong niya.
"Hindi ba?" Balik na tanong ko.
"Tayo na." She replied. Inakbayan ko siya habang naglalakad kami.

"Kumain na kayong dalawa?" Tanong ni Tita Abby pagpasok namin ng bahay. She looked at our entwined hand. Namula si Sakura.
"Mom..." Simula ni Sakura. Mas lalo siyang namula nang tumabi si Tito Ayano sa mommy niya. Hindi ko binitawan ang kamay niya.
"Ano?" Tanong ni Tita Abby? Tumingin sa akin si Sakura...asking for help.
"Tita, girlfriend ko na po si Sakura." I said. Nagkulay kamatis si Sakura at nagyuko ng ulo.
"Bakit parang napipilitan si Sakura?" Biro ni Tito Ayano.
"Hindi dad... Hindi po." Mabilis na sagot ni Sakura. Her dad chuckled. Tumango lang si Tita Abby at ngumiti sa amin.
"Kumain na ba kayo?" Ulit na tanong niya. Umiling kaming dalawa.
"Magpapalit lang ako ng damit." She said to me. Inakbayan ako ni Tito Ayano at dinala sa dining area.

"Aalis ka?" Disaappointed na tanong ni Sakura nang sinabi kong magpa-pack ako ng gamit ko. "Bakit?"
"Because, we are now in a relationship." I replied. Nasa TV room kami at nanonood ng movie na hindi naman namin maintindihan dahil nagkukwentuhan kaming dalawa.
"It's not right that I am staying here."
"Pero Kiro, this is your home." Sabi niya.
"Dito lang din ako sa Country Club. Ioocuppy ko na ang quarters na binibigay sa akin ni Tito Red." Sagot ko. "Saka...I want to make this right. I want to do it the right way."
"Paano naman ang gusto ko?" Tanong nito. "Paano kung gusto ko yung wrong way?"
"No... We will do the right way. Ayaw kong itapon ang trust ng mga magulang mo dahil lang sa hindi ko mapigilan ang sarili ko. And no... don't tempt me. Huwag mo akong tingnan ng ganyan." Banta ko sa kanya ng tinaasan nya ako ng isang kilay at ngumiti ng nang-aakit.

I didn't know that I earned a lot of money until I check my account ng maisip kong kailangan kong bumili ng ilang gamit para sa bagong lilipatan ko. Ilang taon na ba akong nasa Knights?

Tinulungan akong magbox ng gamit ko nila Kenshin at Raiden. Tulog pa daw si Sakura.
"Wala na kaming kalaro sa PSP." Sabi ni Kenshin. Nasa late teens na ang mga ito at madami daming papaiyakin na mga babae.
"Ang lapit lang ng quarters ko. Pwede naman kayong pumunta." I replied.
"Ayos. Pwedeng magdala ng babae?" Tanong ni Raiden na mas bata lang ng isang taong kay Kenshin.
"Hindi." Sagot ni Sakura. Napalingon kaming tatlo sa pintuan. "Kayong dalawa ha."
"Lagay, ikaw lang ang may love life?!" Sarcastic na tanong ni Kenshin.
"Babantayan ko kayong dalawa." Banta ni Sakura. Natatawa akong bumalik sa pagbo-box.
"Si Kiro yung bantayan mo. Hindi kami ang boyfriend mo, no." Sagot ni Raiden.
"Sugurado ka Kiro kay Sakura? May pagkabaliw yang kapatid ko." Tanong ni Raiden. Binato siya ng unan ni Sakura. Tawa ng tawa ang dalawa.

Mamimiss ko sila...pero kaunting tiis lang, magiging parte ulit ako ng family nila. This time, permanent na ako. Sigurado ako dito. She is worth it.

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon