Chapter 24- Kuya Zone

10.3K 299 29
                                    

Sakura

Grrrr.... Panay na lang seen zone...
"Sakura..." Tawag ni mommy sa akin. Napatingin ako sa kanila ni daddy na may dalang mga maleta.
"Mom...Dad."
"Sino yang kaaway mo at kulang na lang tagain mo yang phone?" Tanong ni daddy.
"Wala po. Saan punta nyo?"
"Japan. May aasikasuhin lang kami, saglit." Sagot ni mommy.
"Pwedeng sumama?"
"Hindi. Maiwan kayong tatlo ng mga kapatid mo." Nakataas ng isang kilay na sagot ni mommy.

Kinagat ko ang dila ko just to suppress my frustrations.
"Ayaw kong may mababalitaan akong inaway mo na naman ha." Mom gave me a pointed look.
Mga tatlo pa lang ang inaaway kong babae buhat ng makabalik ako. Tatlong ex ni Kiro... Inawat lang ako ni Violet noong huli dahil nakita niyang dinampot ko ang steak knife nang nasa The Lakeside kami. Sabi ba naman kasi, katext niya daw si Kiro until now.
"Kalmado ako." Painosenteng sagot ko.
"Malalaman ko rin kung may gagawin kang kalokohan, Sakura." Babala ni mommy.

Nalaman ko na lang na pumunta ng Japan kasama ni mommy at daddy si Tito Kyle, Tito Ace, Tito Marcus, Tito Red at Kuya Gab nang makausap ko si Xykie at Violet nang magpunta ako sa The Lakeside. As always, umaga pa lang kaya sarado pa sila at nakatambay kami habang naglilinis ang mga staff.

"Bakit full force silang pumunta ng Japan?" Nag-aalalang tanong ko kay Xykie na hindi naman ako pinapansin masyado dahil kamessage si Sir Henry niya. Si Violet naman, wala sa mood makipag-usap at nakatitig lang sa kawalan.
"Sabi ko nga Sakura, kausapin mo na lang mag-isa ang sarili mo." Sarcastic na sagot ko sa tanong ko. Napatingin si Xykie at Violet sa akin.
"Ay sorry, bestie... inaayos ko lang ang schedule namin. Aalis ako next week." Sabi ni Xykie. I rolled my eyes at her.
"Confidential ang lakad nila. Hindi ko talaga alam kung bakit sila nagpunta ng Japan." Sabi ni Xykie.

"Nakakainis kasi... kita mo ang dami ko ng messages...tapos seen zone ako." Nilapag ko ang cellphone ko at nagscroll up ako para makita nila ang dami ng message na sinend ko kay Kiro.
"Baka naman kasi busy siya." Sabi ni Violet. "Hindi naman ibig sabihin nun, may iba na agad. Huwag kang mag-assume. Ikakasira nyo yan."
"Pero di ba... bakit si Xyk, laging nagrereply si Henry?" Katwiran ko.
"Magkaiba naman si Kiro kay Henry. Hindi mo dapat pagkumparahin. Maniwala ka kay Kiro kapag sinabi nyang babalik siya, babalik siya." Mahinahon na sagot ni Violet.
"Busy lang yun. Hindi biro ang magpatakbo ng isang...gang." Pabulong na dagdag ni Violet.

"Nagmumukmok na naman kayo dito?" Tumabi sa amin si Ralph. "Ano ang problema nyo?"
Ang pleasant ng mukha ni Ralph... parang may pilyong ngiti lagi ang asul na mga mata niya.
"Wala lang." Sagot ni Xykie.
"Ralph, bakit mga babaero kayo?" Tanong ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Huwag nyo akong idamay... Wala akong kasalanan sa inyo, aba." Sagot ni Ralph.

"Hello..." Napalingon kami sa may pintuan. May isang babae na may dalang dalawang malaking maleta ang nandoon.
"We are still close." Sabi ni Summer.
"I'm sorry..." Sagot nito. British accent si ate girl.
"I know you are still close...and I am wondering if you could help me." Sabi nito.
Tumayo si Ralph at nagsimulang maglakad papunta sa babae. Sumunod kaming tatlo nila Violet at Xykie sa kanya. Inunahan pa namin siyang makarating kay ate girl.
"Are you lost? Can we help you?" Tanong ni Violet. Hinarangan namin ni Xykei si Ralph na makalapit.
"Yes... I am looking for Mark Cuevas." Sagot nito. She looks younger than us. Baka nasa teens pa siya. Ano kailangan niya sa isa sa pinakababaero sa Country Club?
"Please, I just want to talk to him..." Ang sabi ng babae. She has a thick britsih accent that so mesmerizing, napatunganga kami. Mangiyak-ngiyak na siya. Pinaupo muna namin siya sa bar at binigyan siya ng tubig ni Summer.
"May we know your name?" Tanong ni Violet sa kanya.
"Mia." She replied.
"Mia. I'm Violet. This is my sister Summer and my cousin Ralph. This is my friends Sakura and Xykie." Pagpapakilala ni Violet sa amin.
"Hello." Nahihiyang bati niya.
"Why are you looking for Tito Mark?" Tanong ni Ralph. I saw Violet and Summer rolled their eyes at him.
"It's more on personal and I am desperate to talk to him. Please, I don't know how to find him anymore... and I came all the way from London. My mom said that to go in here."

"Samahan ko na..." Volunteer ni Ralph.
"No... Kami na." Sagot ni Violet. "Maiwan ka. May work ka pa."
"Foreigner or Filipino?" Tanong ni Xykie kay Mia.
"Filipino. I just grew up in London. But I can speak Tagalog...It's just awkward with my accent." Sagot niya.
"Samahan ko na rin kayo." Prisinta ni Ralph.
"Kaya namin." Sagot ko. Naningkit ang mga mata ni Ralph sa amin.
"May dala akong kotse." Sabi ni Violet.
"May work ka pa. Baka magusot yang polo mo. Yang neck tie mo baka mawala sa porma." Sagot ni Xykie.
"We will take you to Tito Mark," I told Mia.
"Oh thank you." Tumayo si Mia.
"You can leave your luggage in my office." Lumabas si Summer sa bar niya at sinamahan si Mia sa office nila para mailagay ang mga maleta. Tinaasan namin ni kilay si Ralph.
"Bata pa yun, Ralph." Violet warned.
"Wala naman akong sinabi." Ralph crossed his arms.
"Pero yung mata mo... naku, naku..." I said.
"Bakit ba pinagtutulungan nyo ako ngayon?" Medyo naiinis na tanong ni Ralph.
Hindi namin siya sinagot dahil pabalik na si Mia at Summer.
"Thank you, Summer." Sabi ni Mia.
"Tara na. Gising na siguro yun." Yaya ni Xykie.
"Thank you ulit... Thank you Kuya." Sabi ni Mia kay Ralph. Napahinto kami sa paglabas ng pintuan. Napatingin kami kay Ralph.
"Kuya..." Violet mouthed bago siya makalabas ng pintuan kasama si Mia.
Xykie, Summer, and I chuckled.
"Na-kuya zone ka." Sabi ni Summer kay Ralph sabay tawa.

Tumatawa kaming lumabas ni Xykie... Ang asim ng mukha ni Ralph, ang funny na tingnan.

Forever Yours (Completed)Where stories live. Discover now