Chapter 20- The Perfect Plan

9.7K 324 17
                                    

Sakura

"Umm... so pinakawalan mo na ang ultimatum mo kay Kiro?" tanong ni Xykie sa akin habang nagdi-dig in kami sa connection nila Takashi at Mr. Song. Wala sa office si Kiro at ang sabi ni Xykie, kausap daw nito si Gab. Mabuti at binigyan agad ako ng 2 TV ni Kiro kaya medyo maayos na ang pagbubukas ko ng mga files.
"Yup. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag tumanggi siya. Bakla, ayaw kong magpakasal sa pinsan niya." Bulong ko.
"Hindi yan... I heard kanina na tinutukso ni Kuya Gab si Kiro about you bago siya lumabas ng HQ." Sagot ni Xykie. Impit akong tumili. Tinakpan ko ang bibig ko at nagkikisay for awhile. Takte, kinikilig ako eh pati si Xykie nahawa sa akin.

Habang nagrereview ako ng past CCTV, napansin ko ang isang member ni Kiro na panay ang tingin sa CCTV. Hinanap ko siya sa mga CCTV footage at nagrun ako ng face detection. Habang hinihintay ko ang result ng face detection, I checked calls, messages, and email log ni Takashi. Some of the emails are encrypted. Pinadala ko ito kay Xykie and she decrypt the email and she sent it back to me.

I read the email that was written in Japanese. It was sent to someone named Rokuro Saito. I fired another search to know who Rokuro Saito is. Ang sabi sa email, kailangan ni Takashi ng info about the woman who was masked. Is he looking for me? How did he know about the masked woman when he was not in Kiro's club that night? Unless pinanahanap ako ni Mr. Song at si Takashi ang may connection sa Triad.

"Uy, bestie...natahimik ka jan." Sabi ni Xykie.
Nang matapos ang face recognition, lumabas ang pangalan ng taong nag-iiba ng angle ng cctv. He is Rokuro Saito.
"Fucking hell... May lead na ako kung sino ang spy ni Mr. Song sa Triad." I said to Xykie.
"It's a guy named Rokuro Saito. Member siya ng RDT, siya ang contact ni Takashi at si Takashi ang contact ni Mr. Song."
"Okay...noted. I will run a full investigation with Rokuro Saito. Tell it to Kiro." Sabi ni Xykie.

Hinintay ko si Kiro na bumalik ng office hanggang sa makatulugan ko na ang ginagawa kong investigation. Naalimpungatan ako nang mayroong nag-alis ng buhok na nakatabing sa mukha ko. Nakatulog akong nakadukmo sa table.

"Sakura..." I heard his voice. I slowly open my eyes and there he is... like a dream.
Medyo disoriented akong umayos ng upo.
"Bakit dito ka natulog?" Tanong niya.
"Hinihintay kita. I have a lead." I replied. Kinuha ko ang report na naprint ko kanina at ibinigay ko kay Kiro. Kinuha niya ang papel at binasa ng kaunti. Sapat na para makita niya ang pangalan ng member niyang kasabwat ni Mr. Song at Takashi.
"Thank you. Bukas na nating pag-usapan. Magpahinga ka na." Tinulungan ako ni Kiro na tumayo. Bakit bagay sa kanya ang leather jacket? Dahil medyo hilo pa ako sa antok, napasandal ako sa dibdib ni Kiro.
"Ang bango mo naman." Wala sa loob na nasabi ko.
"Sakura, tara na. Tulog na. We will talk later pagkagising mo."
May panghihinayang akong bumitaw sa kanya. Nahiga ako sa kama at pumikit. Si Kiro naman pumunta sa sofa. Paano siya nakakatulog doon eh ang tangkad niya?

"Kiro." Tawag ko sa kanya ng pahiga na ito. Lumingo siya sa akin.
"Dito ka na matulog. Malaki naman ang kama mo. Hindi ka kasya diyan."
Parang hindi ako naintindihan ni Kiro. Nakatitig lang siya sa akin kaya lumapit ako sa kanya.
"Kiro...uy...doon ka na matulog. Hindi ka kasya diyan. Mas kasya pa ako sa sofa."
"Okay lang ako dito. Matulog ka na." Sabi nito.
Tumabi ako kay Kiro sa sofa.
"Alam mo, ang kulit mo." I told him.
"Doon ka na nga...Matulog ka na." Nagsisimula na naman siyang mainis.
"Masanay ka ng kasama ako." Nawala na ang antok ko. Sumandal ako sa likod niya. Nakat-shirt na lang siya ngayon at...boxers. Ehem.
"Ano ba ang sinasabi mo? Lasig ka ba?"
Bahagya akong natawa. "Alam ko namang hindi mo ako pababayaan. I know you care for me."
"So?"
"So...hindi mo ako hahayaang mapunta kay Takashi. Iyon di ba ang pag-uusapan natin mamaya?"
"Hindi iyon ang pag-uusapan natin." Sagot nito.
"Ah...hindi ba?! Mga gaano ka pa katagal mag-iisip sa sitwasyon natin?"
"Matulog na..." Mabilis akong naiusog ni Kiro. Tumayo siya at binitbit ako na parang sako ng patatas.
Hinagis ako ni Kiro sa kama. Tumalbog ako ng mga dalawang beses bago ko nahabol ang tibok ng puso ko.
"Tabi tayo. Promise hindi kita hahalikan ulit." I taunted him.
"Ano?" Tumataas na ang boses niya. Ang ganda ng view...Long mascular legs na parang sa mga athlete. Hindi bulky pero hard.
"Never mind. Tulog na tayo...Bilis." Dumulo ako para bigyan siya ng space.
"Iyan ang mga kalokohan na nakukuha mo kay Violet, ano?!"
I rolled my eyes. Si Violet na walang malay, nadamay na naman.
"Hihiga ka ba o mag-aaway tayo?" Seryosong tanong ko. "Hindi ka kasya sa sofa. Ang tangkad-tangkad mo eh."
Nagdadabog na bumalik si Kiro sa sofa at kinuha ang mga unan at comforter niya. Good... Isang pangba-black mail na naman ang naipanalo ni Sakura. Kalmado akong nahiga sa kama habang nilalagyan ni Kiro ng unan ang pagitan namin. Kahit Great Wall of China pa ang iharang mo Kiro. Kalmado ako on the outside, pero nagfifist bump ang kalooban ko sa mga kaibigan ko. Manood kayo girlfriends... Learn from me.

Forever Yours (Completed)Where stories live. Discover now