Chapter 22- Will you wait for me?

9.7K 311 10
                                    

Sakura

Hindi ko mafull swing ang kilig ko dahil sa hunting na gagawin nila Kiro. Humingi ako ng tulong kay Xykie to monitor them.
"Bestie, ako ang Shadow ni Kuya Gab." Sabi niya sa akin.
"Ah may mission ba ngayon?"
"Tangek, nasa Japan siya... Ayan na nga, nakasalubong niya si Kiro sa daan." Sabi nito.
"Bakit daw?"
"Kinabahan ka naman agad... Back up lang si Kuya Gab. Requested nga para sayo eh." Sagot niya.
Malala nga yata ang sitwasyon para pumunta pa si Kuya Gab.

May narinig akong putok ng baril sa labas.
"Ano yun?" Tanong ni Xykie. Narinig niya din pala.
"Putok ng baril." I replied. Binuksan ko ang cctv sa office. May mga armadong lalaki na pumasok sa office. Nakadapa ang mga tao sa first floor.
"May mga tao, Xykie. Call Kuya Gab..." I said. At the same time tinawagan ko si Kiro.

"Kiro...may mga tao sa baba...They are armed." I said.
"Fuck..." He barked an instruction sa mga kasama niya. "Stay at my office. May baril sa drawer ko."
I went to his drawer and pick up his gun. I put it behind my back. Itinago ko sa blazer na suot ko.
May putok ng baril sa labas ng office ni Kiro.
"Sakura..." Bangit niya sa pangalan ko. Itinago ko ng buhok ang ear piece na nakakabit sa tenga ko.
Bumukas ang pintuan ng office ni Kiro at pumasok si Mr. Song. I logged out the Knights system. Kalmado akong nakaupo sa upuan ko. Nakabukas ang google sa monitor.
"Mr. Song." I said.
"Hello dear. We meet again." Sabi nito.
"Sakura..." Kiro's voice is in my ear. "Malapit na kami... Stay there...please."
"Do you remember this?" Itinaas niya ang mascara na ginamit ko noong gabi na sumayaw ako sa pole.
Hindi ako kumibo.
"I just knew I saw you somewhere, you naughty girl. I was asking for you these past weeks. Nobody knows who you are." Lumapit si Mr. Song at sinabunutan ako.
"Where's Kaede? Oh, I am hoping to have a word from that young man. He doesn't know how business works, obviously. Does your daddy knows your naughty side?" Iniangat ako ni Mr. Song gamit ang buhok ko.
"Agghhhh..." Napasigaw ako sa sakit. Kinaladkad ako ni Mr. Song palabas ng office ni Kiro.
"Aray..." Hinawakan ko ang kamay niyang nakasabunot sa akin.
Dinala ako sa first floor ni Mr. Song. Nakadapa ang mga office personnel ni Kiro.

Tunog ng gulong ng bike ang nadinig ko sa labas. Hinawakan ko ang kamay na nakasabunot sa akin, umikot ako so I can twist his arm. Nabitawan niya ang buhok ko. Mabilis kong binunot ang baril sa likod ko at pinaputukan si Mr. Song. Tinamaan siya sa tiyan. Nabigla ang mga tauhan niya sa nangyari. Bumuhal si Mr. Song. Dumapa ako, gumapang at nagtago sa gilid ng steel cabinet ng magsimula na ang putukan.

"Sakura." Sigaw ni Kiro. "Nasa labas na kami."
Nagpatuloy ang putukan. Siniksik ko ang sarili ko sa makipot na pagitan ng steel cabinet at pader. Ang daming putok ng baril...sobrang lakas na parang sasabog ang tenga ko. Parang ang tagal ng lumipas bago natapos ang barilan...

"Sakura..." Sigaw ni Kiro.
"Nandito ako." Mahinang sagot ko. Nanginginig ako at hindi makatayo.
"Sakura! Nasaan ka..."
"Kiro..." Umiiyak ako sa gilid ng cabinet at hindi makakilos. Hilam na hilam ang mga mata ko sa luha.

"Kiro, dito." I heard Kuya Gab. Then someone grabs my arm. Nagpupumiglas ako. Tinutok ko ang baril.
"Sakura... Kalma lang...Si Gabriel 'to." Sabi niya.
"Sakura... Baba mo ang baril. Ako 'to." I heard Kiro's voice.
"Kiro?" I murmured. Unti-unting pinunasan ni Kiro ang mga luha ko habang nakatutok pa din ang baril sa harapan ko. When my vision was cleared, I saw that the gun is pointed on his chest. Mabilis kong binatawan ang baril at yumakap sa kanya.
"Shhh... it's over." He murmured. I cover my face on his chest and inhale his scent.

"Nabaril ko si Mr. Song. Did I kill him?" Takot na tanong ko.
"No." Kiro replied. "I did." He murmured. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.
"You scared me..." Sabi niya. Bumitaw sa pagkakayakap si Kiro at Tinulungan akong tumayo.
"Natamaan ka ba?" He checked if I am injured. Umiling ako.
"Just shaken." I replied. Niyakap niya ulit ako habang paroo't parito ang mga tauhan niya.
"Huwag kang titingin sa paligid. Close your eyes." He said. I close my eyes and he carries me. Bridal style...
"Just close your eyes, Sakura. Please don't look around." Tumango ako.
"Gab, sa taas muna tayo." Sigaw ni Kiro kay Kuya Gab.I rest my head on his chest while we carried me.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Gab. Tumango ako.
"I was just...afraid earlier. Ngayon lang ako nakapagpaputok ng baril sa tao." I replied.
Hinawakan ni Kiro ang nanginginig ko pang kamay at kinulong ito sa dalawang palad niya. I saw Kuya Gab smile.
"Mission accomplished. Pwede ka ng umuwi, Sakura." Kuya Gab said.
"Sabay mo na siya Gab pauwi." Sabi ni Kiro.
"Ha? Hindi ka pa uuwi? Akala ko tapos na?" Naguguluhang tanong ko.
"May tatapusin lang ako Sakura. Uuwi din ako."
"Iwan ko muna kayo." Pasimpleng lumabas si Kuya Gab at naiwan kami ni Kiro sa office niya.
"Pero Kiro..."
Niyakap ako ni Kiro para makalma.
"I will be back before you know it. Hintayin mo ako."
"Pero..."
"Mapapanatag ako kung nandoon ka. Please..." Bumitaw si Kiro. Yumuko siya so our eyes are on the same level. "For me, please... Mas safe ka doon."
"Okay." Napilitan kong sagot. Huminga ng malalim si Kiro.
"Wait for me."
"Okay." I murmured. He kiss me on my lips...pero bakit ako naiiyak?

Forever Yours (Completed)Where stories live. Discover now