Chapter 23- Payo ng mga tatay

10K 323 13
                                    

Kiro

Malungkot si Sakura nang ihatid ko sila sa airport ni Gab. But I need her safe...for what I intended to do with Triad, kailangan kong wala siya sa Tokyo.

Nagbigay ako ng memo na kailangan ko ang buong Triad na isang meeting. Lahat ng member, mula sa mga leader ng bawat region hanggang sa pinakamababang member... I need them to be present in Tokyo in a week.

Hinunting namin si Saito at ang ilang member niya. Nahuli sila sa Osaka at dinala sa Tokyo. They are in our custody.

"What is your plan?" Tanong ni Asahi.
"Whatever I need to do, just remember this is my decision," I told him.
"Kaede..."
I gave a small smile to Asahi but didn't reply.

I am working on my plan that I rarely reply to Sakura's messages. At night before I go to bed...my bed that her smell still lingers, I read her messages one by one. And I promised to call her every morning... pero sa tuwing nagigising naman ako, trabaho na agad ang inaatupag ko. Nakakalimutan ko na siyang tawagan hanggang sa mababasa ko na lang sa gabi ang mga frustrated messages niya.

Two days bago ang meeting ko with the Triad, naka-usap ko sa video call si Gab, Tito Kyle, Tito Marcus, Tito Ace at Tito Red. Nasa HQ sila at mukhang kakatapos pa lang ng meeting.

"Uy, balita sayo?" Tanong ni Gab sa akin nang sagutin niya ang video call.
"Okay pa... Kaya pa." Sagot ko.
"Balita namin may meeting kayo." Sabi ni tito Kyle.
"Meron po, Tito. Sa makalawa." Sagot ko naman.
"We will be there." Sabi ni Tito Marcus.
"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"You are creating a disturbance... Malaki ang Triad mo at nasa inyo ang mata ngayon ng authority." Tito Red replied.
"I am slowly trying to make it legal." May halong pagod na sagot ko.
"Alam namin. We are keeping tabs on you, Kiro. Basta, nasa paligid lang kami kapag kailangan mo." Sagot ni tito Ace.
"And besides bata, yung nanay-nanayan mo ang may pasimuno na pumunta kaming lahat sa Japan." Tito Kyle informed.
"Si...Tita Abby? Bakit daw?"
Tumawa si Gab... "Takot ka noh? Chance mo ng makausap si Tita Abby." Tukso ni Gab.
"Hindi ka nakakatulong." Sagot ko kay Gab.
"Alam mo bata, sabi nga ng kumare ko..." Bungad ni Tito Marcus.
"Sinong kumare yan? Kilala ba ni Kath yang kumare na yan?" Tanong ni Tito Red.
"Baka mabato ka na naman ng tape dispenser." Sabat ni Tito Kyle na ikinatawa ni Tito Ace at Tito Red.
"Kailan nyo ba makakalimutan ang tape dispenser na yan?" Kunwari naasar na tanong ni Tito Marcus.
"Ano ang tungkol sa tape dispenser?" Tanong ni Gab. Nagtawanan na naman si Tito Kyle, Tito Ace at Tito Red.
"Tanong mo sa mama mo... magandang kwento yun Gab." Sabi ni Tito Red. Ang lakas ng tawa ni Tito Kyle at ni Tito Ace. Mukhang kalokohan na naman ang tungkol sa tape dispenser.
"Anyway, Kiro... mabalik ako sa sinasabi ko. Sabi ng kumpare ko. Kumpare na lang para wala ng masyadong comment..." Natatawang pagpapatuloy ni Tito Marcus. "Sabi ng kumpare ko...ang pride ay parang panty. Walang magyayari kung hindi mo ibababa."

Natawa ako dahil nabulunan si Gab sa iniinom na tubig.
"Namo ka... nandito yung anak mo ay." Binatukan ni Tito Ace si Tito Marcus.
"May asawa na yan, paps." Sagot ni Marcus.
"Anak ko yung asawa, gago." Sagot ni Tito Red.
Tawa ako nang tawa...nakakamiss ang mga ganitong usapan sa HQ.
"Pag-isipan mo Kiro. Huwag mong gayahin si Paps, binakuran agad si Cheska, hindi naman sila." Sabi ni Tito Marcus sabay tawa.
"Magpaalam ka ng maayos para legal kayo ni Sakura." Payo ni Tito Kyle.
"Ano masasabi mo, balae?" Biro ni Tito Marcus kay Tito Red.

"Hindi mahalaga kung may pera ka man o wala Kiro. Marami na si Ayano nun. As a father, ang gusto lang namin ay makahanap ang anak namin na babae ng isang taong kaya siyang panindigan at ipaglaban. Yung lalaking hindi siya sasaktan at lolokohin. Lahat tayo may dugo sa mga kamay natin... Ako, si Kyle, si Marcus,si Ace...si Gab...Ikaw..." Natahimik ang mga makukulit na magkakaibigan sa HQ.
"Pero hindi ibig sabihin nun ay masama na tayong mga tao. Ginagawa natin ang kaya natin para kahit papano, maging payapa ang mundo para sa iba...lalo na sa mga mahal natin. Hindi hadlang ang yaman ng pamilya... at hindi din dapat maging sukatan ng pagkatao mo ang kasalanan ng iyong mga magulang. Kung sa tingin mo, karapat-dapat ka kay Sakura, ibaba mo ang pride mo at tanggapin na mayaman talaga sila."

"Nice..." Tito Kyle commented.
"Pero mas maganda pa rin ang explanation ko, di ba?" Tanong ni Tito Marcus that made us chuckled.
"Salamat po." I'm gratefully told them.
"See you in Japan," Gab said before he turns off the video call.

Ang dami kong tatay na nagpapayo sa akin.Kailangan ko ng tapusin 'to. Kailangan ko ng umuwi.

————————
A/N
Salamat kay "Kumare" para sa napakagandang kasabihan 😂😂😂

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon