Chapter 15- Kiro's Warning

9.6K 311 16
                                    

Kiro

My God... She's wearing nothing but those underwear that didn't hide her body...Fucking hell.

"Umayos ka ng upo." Sigaw ko kay Sakura. Bumubukaka ka pa.
Kung hindi siya nailabas agad ni Asahi kanina, baka napatay ko na si Mr. Song sa kakatingin sa kanya. At kailan pa siya natutong magpole dancing? Tinamaan ng magaling na babae na ito.
Kumatok si Asahi pero hindi na pumasok. Inabot lang sa akin ang isang back pack at isang pares na flat na sapatos.

"Magbihis ka." Hinagis ko ang bag sa tabi ni Sakura. Gusto kong sakalin tong babaeng to. Nakuha pa akong irapan. Hinalungkat niya ang bag niya at nilabas ang isang jeans at blouse. Hinubad ni Sakura ang blazer kong binigay sa kanya na parang walang ibang tao dito. Hinubad din niya ang napakataas na heels na suot. Hindi ko maintindihan kung paano pa siya nakakasayaw kanina sa suot nyang yun. Sinuot ni Sakura ang jeans na dala. At dahil mukhang skinny ang isusuot niya, ang tinamaan na magaling, tumuwad siya sa harapan ko at isinuot ang paa sa napakasikip na pantalon.
"Sakura..." Bulyaw ko sa kanya. Napatayo si Sakura at masamng tumingin sa akin.
"Ano?" Galit na tanong nito.
"Bilisan mo."
"Kung tinitigilan mo yang pagtawag, eh di tapos na ako kanina pa." Sagot nito. Tumalikod na lang ako at hinintay siyang matapos magbihis.

"Tapos na ako." Sabi ni Sakura after a while. Humarap ako at sinusuklay niyaang mahaba niyang buhok.
"Burahin mo yang make-up mo. Sobrang kapal." Utos ko sa kanya. Nanlalaki na ang butas ng ilong ni Sakura sa inis. Hindi siya tuminag. Humalukipkip lang at tumingala sa akin.
"Sabi ng burahin mo..." Kanina pa ako tinutukso ng pulang labi nito eh. Lumapit ako kay Sakura. Hinawakan ang mukha niya at binura ko ng daliri ko ang pulang lipstick niya.
"Pulang pula yang nguso mo."
Nanlilisik ang mata ni Sakura na kinagat ang hinlalaki ko. Nabitawan ko ang mukha niya.

"Napakawalang kwenta mo talaga. I hate you." Sabi nito. Nangilid ang luha niya habang pinunasan ng tissue ang lipstick na kumalat sa labi niya. Biglang nawala ang galit ko.

Wala kaming kibuan ni Sakura habang papunta kami sa office ng Triad. Hindi ko alam bakit sinuot niya ang mascara niya nang palabas na kami sa club hanggang sa makarating kami sa opisina.

Dinala ko siya sa isang room na ginawa ko ng kwarto. Kumpleto naman sa gamit kahit hindi kasing laki ng kwarto niya sa Country Club.
"Hindi ka ba magsasalita?"

Parang walang narinig si Sakura. Umupo siya sa kama. Tinanggal ang sapatos at nagsimulang tanggalin ang mahabang buhok. Ano nga ang tawag nila dito sa parang wig na ito? Nang matanggal na ni Sakura lahat ng pekeng buhok na nakakabit sa kanya, doon lumitaw ang Sakura na kilala ko.

"Call me when you need anything." Lalabas na sana ako ng kwarto ng magsalita siya.
"Hanggang kailan ako dito?"
"Hanggang sa umuwi ka ng Pinas." I replied.
"Why are you doing this?" May hinanakit na tanong niya.
I just fucking protecting you. Gusto kong isagot.
"Alam mo namang babalik ako sa Club mo kahit manigas ka diyan."
Puta...kung alam mo lang na nanigas nga ako kanina, baka tumakbo kang pauwi. The image of her dancing on the pole made me hard. Those legs that wrapped on that fucking pole I wished for a second that the pole was me.
"At kakaladkarin kita pabalik dito sa tuwing makikita kita sa Club. Believe me, I am capable of doing that." Banta ko sa kanya.

"What is his name?" Tanong ni Sakura.
"Who?"
"Mr. Song... What is his name? I will not go back hanggat hindi tapos ang mission ko. Might as well tumulong ka kaysa sinasabutahe mo ako."
"Chin Hwa Song." Sagot ko. Tumango si Sakura at humiga sa kama.
Hindi na ulit siya nagsalita kaya iniwan ko siya. Nilock ko ang pintuan sa labas at binilinan si Asahi na bantayan si Sakura at huwag papalabasin.

Pumunta ako sa meeting room at tinawagan si Gab.
"Kiro. Balita?" Tanong nito.
"Hindi nyo ba talaga ipu-pull out si Sakura?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Siya lang ang nakakintindi ng Japanese. Wala si Jack para mag-under cover.Nasaan na si Sakura?" Tanong ni Gab.
"Kinulong ko muna."
Natawa si Gabriel. "Aba matindi ka talaga. Imbis na paamuhin mo lalo mong ginagalit."
Napabuntong hininga ako. "Pwede bang janitor siya kaysa GRO?"
"Gago, hindi pwede. Mas makakakuha siya ng information kung nakahalo siya." Sagot ni Gab.
"Mababastos siya, Gab." Mabilis na sagot ko. Natahimik si Gabriel.
"Mr. Song has an eye on her. Magkakagulo Gabriel kapag may dumapong kamay sa kanya. Do not make her a pawn for I will kill everyone who will touch her." I said and Gab knew that what I said is true.
"Naiintindihan ko, Kiro. Keep her safe for a while." Sagot ni niya.

I lost my parents, I will not lose Sakura in this gangster war. If I need to lock her up, I will fucking lock her up to keep her safe. My God, Sakura, what have you done?

Forever Yours (Completed)Where stories live. Discover now