Chapter 11- Stalker

9.1K 348 24
                                    

Kiro

She is fucking wearing red lipstick...
What the hell happened to Sakura? Sabi ko ng masamang impluwesya si Violet na yan!!!

"Hay, dalaga na si Sakura." Sabi ni Tito Ayano. Nawala na sa isip ko ang gusto kong sabihin sa kanila.
"Nawiwili yatang kasama si Violet..." I commented. I don't know if they detect something strange in my voice.
"Young girls. Magkakasama silang magkakaibigan lately. Nandito si Brooklyn kaya laging nasa labas si Sakura."Sagot ni Tita Abby.
"Ano nga yung sasabihin mo sa amin Kiro?" Tanong ni Tito Ayano.
"Kukumustahin ko lang kayo, Tito," I replied instead.
"Kailan ka uuwi dito? Hinahanap ka na ng mga babae, Kiro." Tukso ni Tita Abby.
"Tatlo na ang tinataboy kong umiiyak." Sabi pa nito.

I force myself to laugh. "Matatagalan pa, Tita. Tell them I won't come back."
"Nahahawa ka na kay Marcus." Tita Abby commented.
"Thank you for what you did." Biglang pag-iiba ni Tita Abby sa topic. Biglang sumeryoso ang mag-asawa.
"You know that you are always welcome in here, Kiro." Tito Ayano said.
Tumango ako. Gusto kong sabihin ang plano ni Takashi pero hindi ako makapagsalita.
"You will always have a place in our family." Dagdag pa ni Tito Ayano.
Hindi kami nagtagal sa usapan. Hindi naman ako likas na makwento kaya saglit lang kami laging mag-usap.

I log in at Knight's system. Hinanap ko sa CCTV si Sakura. Nang hindi ko siya makita, si Violet ang hinanap ko. Nasa Club Zero siya, kasama si Brooklyn at isang lalaki na hindi ko kilala. I zoom in on the camera to see clearly who's that bastard. Then Sakura came at ipinakilala ni Violet at Brook ang lalaki.
"This is what you get for being nosy," I murmured to myself. Sakura is grinning like a cat. Her fucking hair is straight and long? Paanong humaba ng ganong kabilis ang buhok nya? It was past her shoulder ng huli kaming magkita and now hanggang baywang na?
Mabilis kong isinarado ang laptop. Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Sino yung tarantadong yun?
Mga ilang minuto pa, binuksan ko ulit ang laptop at naglog in.

They are now alone at the table. Nasaan si Brook at Violet? Bakit iniwan si Sakura na mag-isa? The guy slowly making a move. He is now making a swirl on Sakura's hand. Sa gitna ng galit ko, lumitaw ang mukha ni Gab sa screen.
"Hoy, tado ka. Akala ko kung sino ng nakapasok sa system. Sino inistalk mo?" Sabi nito.
"Make a back ground check with this guy." Pinadala ko ang snap photo ng lalaki na kasama ni Sakura.
"Sino to?" Tanong ni Gab ng mareceive ang picture.
"Kaya nga pinapahanap ko sayo."
"Sino yung kasamang babae nito? Si Sakura ba ito?"
"Wag ka ng madaming tanong." Sagot ko.
Gab chucked. "Si Sakura nga. Aba, nagdadalaga na si nene."
Hindi ko pinansin si Gab.
"Bakit kasi hindi mo ligawan?" Tanong nito.
"Pinapahanap ko lang ang info nung lalaki sayo. Ang dami mo ng pangaral."
Tumawa si Gab. Bakit ba nasa HQ itong tanong 'to?
"Ano naman gagawin mo sa lalaki pagnakilala mo?" He asked.
Seryoso akong sumagot. "Papatayin ko."
Tumatawang umiiling si Gabriel. "Binabakuran mo, hindi pa naman sayo. Tantado ka, manligaw ka muna." 

Pinadala ni Gabriel ang info ng lalaking kausap ni Sakura. Isang model na kakilala ni Margaux. Pinakilala ni Margaux kay Violet at Brook at ngayon pinakilala nila kay Sakura.
"Model amputa... Baka makatulog na agad sa isang suntok ko ito." Sabi ko kay Gab habang binabasa ang information ng lalaki. Miguel Tiongson ang pangalan niya.

"Umuwi ka nga Kiro. Kaysa sa CCTV ka nagstalk. Si Xykie ang may gawain nya, hindi bagay sayo, gago." Gab commented.
Habang kausap ko si Gab, pinapanood ko si Sakura sa cctv, Ang hindi ko alam, pinapanood din ni Gab si Sakura sa cctv.
"Tangina, naunahan ka na..." Sabi ni Gab. The guy kissed Sakura and she let him... Para akong sinilihan sa galit.
"Putang-ina... Mamamatay yang lalaki na yan." I barked.
Tumawa na naman si Gabriel. "Manonood ako kung paano ka magmukhang gago kay Sakura. Tangina mo ka, isa ka sa tumatawa dati sa akin. Pay back time."
"Dami mong alam, Gab." Naiinis na sagot ko.
"Umuwi ka na. Nakapulang lipstick na si Sakura. Yari na." Tumatawang pinatayan ako ng video call ni Gabriel.

Sino kaya sa mga kaibigan nya ang may pasimuno ng pulang lipstick na yan at tatamaan talaga sa akin?!

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon