CHAPTER ONE

69 25 6
                                    


                                                         FINDING COLORS


Someone's P.O.V.

   BOOGSHH! Padabog kong binuksan ang pintuan ng aking ina.

"Hindi kita pinatawag, may ginagawa ako kaya umalis kana" sabi niya sa akin.

"Akala ko ba pinagkakatiwalaan mo ako? Bakit ka nakikialam sa misyon ko ?!" galit na galit kong sambit sa kanya.

"Iyan ba ang itatanong mo?" kaya na patayo sa kanyang kinauupuan."Ilang buwan na ang dumaan ngunit hindi mo prin sila makita! Paano kung maunahan tayo! lalo na sa grupo nina Blue! mas  mabuti pa na 'yong tulungan kita"

Uminit na naman ang dugo ko sa narinig ko, "Hayaan mo akong gawin ang misyon na'to! Mahahanap at mahahanap ko rin sila! At lalo nang wala akong pakialam kung maunahan man ako ni Blue o kahit sino pa'yan! dahil hindi nila ako matatalo, dahil ako ang pinakamalakas sa kanila and I am their fears, dahil ako lang naman ang nag-iisang .....RED!"


************

"Bumunot na kayo kung sino ang inyong makakalaban" sabi sa amin ng teacher namin kaya bumunot kami isa-isa.

"Yes! hindi ko siya kalaban" galak na sabi ng isang estudyante sa kanyang kaibigan.

"Ako rin" sagot namn ng isa. Narinig ko na nag-uusap ang ang mga estudyante at mukhang excited na silang lahat.

"Ehermm" napatingin naman ako sa likuran.Tinaasan ko naman siya ng kilay .

"ang taray pala ng makakalaban ko" sabi ng lalaki sa akin sabay ngiti.

"Kilala ba kita?" pilosopong tanong ko sa kanya.Tinaasan niya naman ako ng kilay, kaya napangiti nalang ako.

"Ngayon makikila mo na ako, I'm Gray" sabay lahad ng kamy niya, "ako yung una mong makakalaban "

"Paano ka nakakasigurong  ikaw ang makakalaban ko?" tanong ko ulit sa kanya. Ibinalik na niya yung kamay niya ng napagtanto niyang wala akong balak na makipagkamay sa kanya.

"Ba't hindi mo tignan 'yang nabunot mo?" sagot niya sa akin.

Ayy, oo nga pala hindi ko pa nabasa yung nabunot ko. Kaya bigla kong tiningnan ang papel.

"What the..." hini ko natapos yong sasabihin ko ng biglang nagsalita ang teacher namin.

"Round 1! Seya Vs. Feri...FIGHT!"

"Tayo yong susunod sa kanila" biglang sabi ni Gray ng hindi ko namalayan na nandito pa pala siya sa tabi ko.

"At paano mo nalaman na tayo yong susunod?" mataray kong tanong sa kanya.

"Hindi ka ba nakikinig kanina?!" sagot niya.

"Tsk..wala ka palang silbi kausap" sabi ko na naboboringan.

"Sinabi ko lang sayo para naman makapaghanda ka sa laban natin, dahi for sure matagal matapos ang laban natin" mahabang sabi niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Really?" sabi ko sabay lapit ng mukha ko sa kanya, kaya agad siyang nagtaka sa ginawa ko pati narin ang mga estudyanteng nakakita sa ginawa ko.

"Hey, easy kalang" sabi niya sa akin sabay pakita ng pilyong ngiti niya.Habang ako ay palapit ng palapit sa kanyang mukha hanggang 1 inch nalang ang kulang, maglalapat na yong ilong namin at bumulong sa kanya, "less than 10 seconds matatalo kita" sabay pakita sa pinakapilyo kung ngiti sabay talikod. Bigla naman siyang tumawa sa likuran ko na ikinatataka ko.Kaya agad ko siyang hinarap.

"Hahahaha, really? 10 seconds? What makes you sure that you will defeat me in just less than 10 seconds huh?" natatawa niyang tanong sa akin na may pa ubo ubo pang effects "hahahaha" sinabayan ko naman siya ng tawa.

"Do you want to know?" lumapit ako sa kanya para marinig niya ng lubusan ang sasabihin ko

"Cause... I am fast as a lightning strikes. And most of all... I am YELLOW!"


************

"Pinapatawag kita, cause you will have another mission." sabi niya sa akin.

"Di ba't kani-kanina lang may isang misyon akong natapos. Ano na naman yan at bakit atat na atat kayong ibigay sa akin 'yan" diretso kung tanong sa kanya.

"Tama ka, atat na atat na talaga akong ibigay sayo itong bago mong misyon dahil hindi ito basta basta" sabi niya sa akin na may nakakalokong ngisi.

"Ano ba yan?"

"Okay, here"sabay abot niya ng litrato. Agad ko naman itong tiningnan na ikinagulat ko

"W...what do you want me to do with here?" naguguluhan kong tanong.

"Kill her!"

Kahit na kakaiba ang kapangyarihan ko, hindi ko maitatanggi na medyo kinakabahan ako dito sa bago kong misyon. At higit sa lahat ay naging kaibigan ko  ang babaeng ito at ngayo'y misyon ko na patayin siya.

"Natahimik ka yata?"biglang sabi niya. "Alam kong hindi mo basta basta mapapatay siya, pero kapag nakita ka niya. Alam kong naging magkaibigan kayo, pero hindi magdadalawang isip yon na patayin ka. Si Red na kilalang pinakamalakas sa buong Suvura at walang sinasanto, kahit ikaw na naging kaibigan niya lalo na't galit siya sa iyo. Alam mo bang kapag napatay mo siya , ikaw na ang pinakamalakas sa buong Suvura at ang grupo natin ang magiging kinakatatakutan sa buong Suvura. You know what, you have a blood of a royal and you are deadly as the snake! You are born to kill her, cause you are..."

              Yes! I'm going to kill her! cause I am VIOLET...


************

"Nandito ka na pala, anong balita?" agd na tanong niya sakin pagdating ko.

"May apat na bahay na nanakawan" sagot ko kay Gadi sabay upo sa upuan ko at kinuha lahat ng detalye na konektado sa tatlong ito.

"Palagi nalang yatang may nairereport na nakawan, patayan, at kahit isa wala man lang nakakahuli" sabat ni Gadi sa akin. "Sa tingin ko, doon ka mas mahihirapang dakpin kay Yellow. Balita ko, sobrang bilis non, na kahit isang pikit mo lang sa mga mata mo nawawala na!" dagdag niya.

"Nagkakamali ka Gadi, ako ang makakahanap sa kanila. At baka nakalimutan mo, apat na araw pa lang ko 'tong kinuha ang misyong ito  marami na akong nakuhang detalye na nagtuturo kung nasaan sila. Malakas nga sila pero hindi nila matatakasan ang bagsik ng aking mga mata.  My brain is deeper than the ocean and if they swim, they'll die. I may not be calm, calm as blue , but don't underestimate the power of wisdom..... IT KILLS!"

Clash Of The ColorsWhere stories live. Discover now