CHAPTER FIVE

17 13 0
                                    


Strange Feeling

Violet's P.O.V.

Ang tahimik ng paligid. Mailan ilan lang ang taong nakikita ko sa paligid. Saan ko kaya mahanap si Red? Ang alam ko lang ay nasa Suvura siya, ngunit paano kung pumunta siya sa Gumbura? Hayy, bahala na nga basta hahanapin ko siya. Ang laki pa naman ng Suvura.

Nagpunta naman ako sa tren station, kung gaano ka tahimik sa kalsada ganon naman ka ingay ditto. Ang daming mga pasahero. Sumakay ako sa train at humanap ng mauupuan. Nang may nakita akong isang bakante sa likuran ay agad naman akong akong pumwesto dun.

Mga ilang minuto lang napuno agad ang tren. May nakita naman akong matanda kaya agad akong tumayo.

"La, ikaw na po ditto" sabi ko sa kanya.

 "Naku, salamat talaga iha" sabi naman niya na nakangiti.


"Walang anuman po yun" tugon ko naman dito.

Akala niyo wala akong puso?! Mabait ako noh. Nasasabi lang nilang masama ako dahil sa kapangyarihan ko. Maraming ayaw sa akin, itinataboy ako. Pero noong nakilala ko sina Yellow, Red, at Blue ay napag isipan kong hindi sila tulad nang iba. Hindi nila ako itinaboy, hindi sila natatakot sa akin at sila pa yung nagturo sa akin kung paano ikontrol ang sarili ko. Pero wala na, wala na ang dating kami dahil sa aking mga magulang.

Wala akong masyadong alam sa nakaraan dahil wala silang balak na sabihin sa akin ang lahat. Basta yun yung ugat ng lahat. Sabi nila, yung mga magulang ko ang pumatay sa mama ni Red. Alam ko ang ugali ni Red, hindi madali sa kanya ang magpatawad kaya umalis ako sa mansyon naming at napadpad sa isang grupo. Isang grupo na tinuruan akong gumawa ng masama. Wala akong magawa kundi sundin sila dahil tinulungan nila ako.

Mabait sila sa mga kagrupo nila pero iba ang kanilang layunin, ang maghasik ng kasamaan. Nagiging masama ako...

"Aaahh!! Aaahh!! Tulong!!"

Bigla akong natauhan ng may sumigaw na pasahero at...

 BOGSHH!!

 Hindi ko napansin na may bumangga pala sa akin kaya natumba ako.

"Anong nangyari?" tanong ko sa isang babae.

"M...may mga grupo ng kalalakihan na n...nanggugulo" nanginginig na sagot nito.

Agad ko namang hinanap ang grupo ng mga lalaki pero nagtakbuhan na ang mga tao sa loob kaya nahirapan akong maka kilos.

"Ahh!" sigaw ko ng madaganan ako ng mga tao, kaya natumba ulit ako.

Lahat nang pasahero ay pumunta na sa likuran pero may mga ilan na hindi nakaligtas . N|apuno na ng sigawan ang train dahil sa takot. Laking gulat ko ng pagtingin ko sa harapan ay nasa harap ko na ang grupo ng mga lalaki na siyang nanggulo. Lipma silang lahat. Yung isang lalaki, hawak hawak ang leeg ng lalaking pasahero na nagmamakaawa.

Agad akong napatingin sa lalaking nasa gitna. "Siguro ito ang lider nila" sabi ko sa isip ko. May hawak  itong stick na may skull ang itaas. Sa tabi naman akong napatingins akatabi nito na nakingisi ng malaki na amy na sa leeg nito ay may tattoo. Sa tabi rin nito ay lalaking may dalang latigo. At yung isa ay....

"Kailangan mo ng tulong, young lady?" n...nasa harapan ko na pala ang panglima nilang kasama. Sa gulat ko hindi ako nakasagot, at tiningnan lang siya, "hahahahaha!!" bigla nitong tawa sa harapan.

"Natatakot ka ba?" tanong niya sa akin. "Bwhahaaahaa" tawa niya ulit.

Tumayo naman ito at pumanta sa ka grupo niya."Dapat lang na manginig kayo sa takot dahil ni isa sa inyo ay walang makakaligtas sa amin" sabi niya sa nakakatakot na boses.

Clash Of The ColorsWhere stories live. Discover now