CHAPTER TEN

7 1 0
                                    



Royal Family


Violet's P.O.V.


Nabalitaan kung bukas na pala ang Royal Party para sa Anniversary nina Mom and Dad. Kailangan kong makapunta roon kung hindi, posibleng mapatay ni Red ang mga magulang ko. Kaya ko lang naman sinabi kay Red na hindi niya kaya sila Mom ay para hindi niya ituloy ang binabalik niya. 

Galit ako sa mga magulang ko dahil sa ginawa nila sa pamilya ni Red pero ayoko silang masaktan, lalo na't walang kasiguruhan kung sila ba talaga ang pumatay sa mga ito. Kailangang marinig ko mismo sa mga bibig nila na sila ang pumatay, kahit mabigat sa kalooban ko. Ang sa ngayon, kailagan kung makita sila.

Nagteleport ako sa harap ng palace. Ang daming nakabantay, mukhang handang handa na sila para sa party mamaya.

"Excuse me maam, ano pong kailangan niyo?" Sabi ng bantay sa aking likuran. Nagulat naman ang bantay ng makita niya ang mukha ko at agad itong lumuhod sa harap ko. Hindi kasi nito alam na ako ang dumating.

"Princess Viola, you're finally here"

"Where's mom and dad?" Tanong ko. Tumayo naman ito at pinasok niya ako sa palace. Pagbukas ng pinto ay kitang kita ko ang napakalawak na sala, maraming lamesa na ang nakalagay at nakadesenyo na ito. Maraming katulong na nandito at nag-aayos pa sa buong palace at ng makita nila ako ay bigla nalang silang nahinto at nag-uusap.

"Nasa itaas sila Princess Viola" Sabi sa akin ng bantay.

"Salamat..." Sabi ko. Umakyat ako sa hagdan at kitang kita ko ang mga tao sa baba na nagsisitrabaho. Namiss ko ang lugar na to, kaya lang, in this situation, hindi ko kaya.

Nang makaakyat na ako sa taas ay dumiretso ako sa office ni Mama at kumatok.

"Come In!" sigaw nito sa loob. Binuksan ko naman ang pinto at nakita ko ang aking ina na busy na naman.

"What do you want?!" tanong nito na hindi man lang tumingin kung sino ang nasa harap niya ngayon. Hindi ko siya sinagot at tinignan ko lang siya sa ginagawa niya.

"Do you hear me?! I said what do you want?!" Nagulat naman siya ng bumungad sa harapan niya ang anak niya.

"Viola?" Agad siyang tumayo at hinawakan ako sa mukha. "Viola, my princess. You're here." Yakap niya sa akin. "I miss you my princess." Dagdag nito sabay halik niya at yakap sa pisngi ko. Hindi ko namalayang tumulo pala ang luha ko.

Pinunasan ko naman ito agad para hindi niya makita.

"Good thing your here, just stay here okay. I will call your Dad" sabi niya sa akin at umalis para puntahan ang aking ama habang ako naman ay naiwan sa loob. Hindi parin sila nagbago, ang busy pa rin nila. 

Lumapit ako sa desk ni mama. Ano pa ba ang ginagawa ng mga Royals? May katulong, kawal, tagasunod. Kumpleto na, pero nagpapayaman pa sila ng husto. Business there, business here. Kaya wala silang oras sa akin.

"Viola?" Boses ni Dad ang narinig ko. "Welcome back my long lost princess." Dagdag nito sabay yakap sa akin ni Dad.

"Mabuti't narito ka. Ipaalam ko sa lahat na nandito kana. Ipagdiriwang natin ang padating mo at ang Anniversary namin ng Mama mo, It's a very big gift of us." Saad ni Dad. 

"Come here Viola, ipapaayos kita, para ngayong gabi, I'll make sure you'll the most beautiful princess." Sabat ni Mom.

"Actually, hindi ako nandito para sa party." Sabi ko naman. Nagtaka naman silang dalawa sa sinabi ko at nagkaroon ng lungkot ang kanilang mga mukha. 

"Nandito ako, para tanungin kayo ulit kung kayo ba ang tunay na pumatay sa Ama ni Red?" 

"Viola! You have no respect!" Galit na sabi ni Mom.

"How could you say that in front of us?!" Galit din na sabi ni Dad.

"Mom! Dad! Tinanong ko na kayo noon pa. I see, hindi pala kayo nakinig sa akin habang tinatanong ko yan sa inyo"

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ka umalis rito?" Tanong ni Mom na may pagkadismaya.

"Hindi kami ang pumatay sa Ama ni Red." Sagot ni Dad. 

"Sana nga totoo yang sagot niyo."

"Bakit? Anong gusto mong marinig sa amin? Na kami ang pumatay! We are Royals, not criminals! And speaking of criminals? Di ba't hinahanap ka ng taga Emperia dahil pumatay ka? So sabihin mo? Sinong totoong masama dito? Mabuti na ngang wag kang magpakita sa party, dahil baka imbis party ang mangyayari ay ang pag arrest sayo ang mas matuonan ng pansin."Galit na sabi ng aking ina. "At isa pa, dahil yan sa pagsali mo ng grupo. Anong naitulong nila sa iyo? huh? Sagutin mo ako!" Dagdag niya pa.

"Mom! Dad! Gusto ko lang kayong proteksyonan"

"For what?!" Tanong agad ni Dad.

"You better leave now." Pagpapa-alis niya sa akin. "Bumalik ka nalang pag nalinis mo na ang pangalan mo at para hindi madumihan ang apelyido ko." dagdag ni Dad. 

Lumabas ako sa office ng puno ng lungkot at nag-uunahan na bumagsak ang mga luha ko sa pisngi.

Mas masakit pala pag pinapalayas ka ng mismong magulang mo kesa sa pansariling kagustuhan mo.


Clash Of The ColorsWhere stories live. Discover now