CHAPTER ELEVEN

7 2 0
                                    


  Attend 


Sa loob ng base ng Vintex ay nagsasaya ang grupo dahil kumpleto silang lahat dahil dumating na sina Sath, Thena at Vidd galing sa misyon. Nagtatawanan at nag-iinuman ang mga ito.

"Mabuti't nakabalik kayo agad dahil ngayong gabi ay dadalo tayo sa isang Royal party." Salita ni Gaddi.

"Mukhang masaya yan." Saad naman ni Vidd. ngumisi naman ito ng nakakaloko.

"Kumusta pala yung misyon niyo?" Tanong ni Gaddi.

"Naku! kung alam niyo lang kung gaano kapangit ang halimaw na iyon. Kasing pangit ni Vidd" Sagot ni Thena.

"Hahahhahahahah" Tawa ng lahat.

"Kaya nga Thena nahirapan akong umataki kasi ang naiisip ko ay si Vidd." Dagdag pa ni Sath. Kaya mas lalong nagtawanan ang lahat.

"Uyy, grabi kayo sa akin ha, ang gwapo ko kaya, at saka hindi man lang kayo marunong magpasalamat matapos ko kayong tulungan." Saad ni Vidd.

"Hahahaha" Tawanan ng lahat.

"Wag kayong maglasing muna ha, dahil baka hindi kayo papasukin." Salita ni Blue.

"Ano ka ba Blue, okay lang yun. Lahat naman pwedeng dumalo kahit lasing, maliban nalang kung may record sa taga Emperia ang dadalo, kaya wag kang mabahala diyan." Sabat ni Vidd kay Blue.

"Yeah, you're right, the Vintex will attend." Mahinang sabi ni Blue.


Saimone's P.O.V.


Sa tagal tagal kung sinusundan si Red ay salamat at nakalapit rin ako sa kanya. Ang sabi kasi ng Ina niya ay huwag na huwag kung hahayaang makita niya ako. Pero dahil pasaway ako, syempre I will grab this opportunity. Sawa na akong tumingin sa kanya sa malayo, hindi ko sinasabi na nakakasawa siya dahil kahit kailan hindi nakakasawa yung ganda niya. At hindi ko rin sinasabi na hindi siya maganda sa malayuan, ang ibig kung sabihin ay, iba pa rin pag nasa harap mo na siya at pagnakatabi pa. At mas lalo siyang gumanda ng sinuot niya yung binili niyang dress. Ayy hindi, inutang pala. 

Hahaha, akalain niyo yun, makikipagpatayan siya para lang makuha ang dress na iyon. Pasalamat siya at dumating ang kaniyang knight and shining armor. Pero maiba tayo, nandito parin pala ako sa bahay ni Red, naghihintay na lumabas si Red, dahil alam niyo na... May dadaluhan kaming party. 

Ilang oras na ang lumipas ngunit hindi parin lumabas si Red sa kanyang kwarto. Ba't ang tagal naman ni Red. masilip nga.

Oopps!! No. Bawal pala, baka mapatay na niya ako.

"Red!" Sigaw ko.

"Red ang tagal mo naman!" Sigaw ko ulit at tumigin sa relo ko. May maaabutan pa ba kaming party?

"Red naman ehh... Red!!!" Tawag ko ulit sa kanya.Nakita ko namang bumukas yng pinto sa kwarto niya kaya nabuhayan ako ng loob. 

"Akala ko nakalimutan mo na yung... Woaahhhh!!!" Ang ganda ni Red. Parang nag slow mo yung oras nung lumabas siya sa pinto at dahang dahang lumapit sa akin. 

PAKK!

"Araayy koo!" Sigaw ko ng sampalin ako ni Red.

"Red naman, ba't mo ko sinampal?" Tanong ko sa kanya.  

"Nakabuka yung bibig mo, baka pasukan ng langaw." Sagot niya.

"You look gorgeous..." Pagpuri ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin..  

Clash Of The ColorsWhere stories live. Discover now