CHAPTER NINE(PART ONE)

11 4 0
                                    


   To Catch Colors 


Third Person's P.O.V.


Sa loob ng palasyo ng Emperia ay nag-uusap ang lahat ng mga konseho. Naroon ang mga matataas na antas, lalo na si Master Wobbler. Siya ang namumuno sa Emperia at sa buong Suvura.

"Totoo ba ang nakita mo?" tanong ni Master Wobbler sa lider ng mga kawal na  Ipinadala niya para hulihin si Yellow.

"Opo Master, hindi po ako nagkakamali. Tinulungan niya si Yellow na makatakas" sagot nito.

"Kung ganon, posible kayang mabubuo ulit ang Colors" sabat ng isang babae na kasali sa konseho.

"Master Wobbler, hayaan niyo po akong ako ang humuli sa kanila" sabat ng isa sa makapangyarihan na nasa konseho.

"Hindi pwede Mr. Golliv, pag si Red ang makakasalamuha mo, maraming madadamay, kaya kung pupwede, wag na" sagot agad ni Master Wobbler.

"At saka, magkakaroon ng pagdiriwang sa Royal Palace, para sa Royal family, kinakailangang may isang konseho ang pumunta doon at magbantay ng walang nakakaalam, at ikaw ang inaatasan ko Mr. Golliv" dadag nito.

"Alam niyo, madali lang naman niyan, na hindi nag-aaksaya ng panahon na dakpin isa isa silang apat. Tandaan niyo, si Red, malakas, si Yellow, mabilis, si Violet, makamandag, at si Blue, matalino. Angkinin niyo na mahirap hulihin sila" salita ng isa sa konseho na babae at tumayo. 

"Bakit may naiisip kaba na paraan?" tanong ng isa pang konseho. Ngumiti naman ang babaeng konseho at nagsalita.

"Kailangang magkita ang apat na yan, at hayaan niyo na sila mismo ang magpatayan at kung sino man ang matitirang matibay sa kanilang apat ay siyang huhulihin natin" saysay nito. Nag usap-usap naman lahat ng konseho tungkol sa paraan na naisip ng babaeng konseho. "Wag na nating aksayahin pa ang pakakataong ito lalo na't hindi nagkakabati pa ang magkakaibigan" dagdag nito. Tumayo naman si Master Wobller sa kanyang upuan.

  "Ayokong magpatayan sila pero ayokong may mabiktima pa sila, pero kayo ang tatanungin ko, sumasang-ayon ba kayo sa paraang ito?" tanong ni Master Wobbler sa mga konseho.

Matapos ang botohan ay may naiwang dalawang tao na nag-uusap sa loob ng council room.

"Nakakainggit ka naman" sabi ng isang babae sa kausap niya."Wala ka bang balak na pasamahin ako sa isang Royal Party" dagdag niya.

"Kilala kita, alam kong may balak kang pumunta roon, kahit ngayon lang, wag kang manggulo. Masisira ang mga plano ko" sagot ng lalaki.

"Hindi ako manggugulo, gusto ko lang makita ang Royal Family, pagbibigyan mo ba ako sa gusto ko. Total, ako na mismo ang gumawa ng paraan para hulihin ang Colors para sayo. The Colors are all wanted, hindi kaba masaya don?" dagdag niya.

"Kaya kung patayin sila, naghihintay lang ako ng tamang panahon" sagot ng lalaki. 

"And I know, you'll need me, right?" sagot nito habang nakangiti.

Ngiting may balak...   

Clash Of The ColorsWhere stories live. Discover now