CHAPTER SIX

20 12 0
                                    


Hell in Earth


Red's Pov

BANG!!

"Go! Go! Go! Go! Goooooooooo!!!!!!" sigaw ng mga tao.

Kailangan kong tumakbo ng mabilis! Hindi pwedeng matalo ako dito! Kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

Nakita ko ang babaeng kalaban ko mukhang mabilis siya, hindi pwedeng mauna siya sa tuktok.

Patuloy parin ako sa pagtakbo, hindi to gagana pag wala akong gagawin. Kaya gumawa ako ng apoy at tinapon sa daan ng babae kong kalaban kaya sa sobrang bilis nya ay nagulat siya ng ginawa ko yun kaya muntikan na siyang masunog.

Napangisi ako sa naging reaksyon niya. Kaya mas nauna ako sa kanya ng ilang metro. Hindi na siya makakahabol sa akin, pero hindi dapat ako maging kampante. Labing lima, kaming lahat dito.

"Aaahhhh!!" narinig kong sigaw ng isang lalaki. Mukhang nahulog siya sa mga patibong dito.

"Hpp!" tumalon ako ng mataas. Sa mga sanga ng kahoy ako tumakbo, pero dapat rin akong tumalon.

Sa sanga ng kahoy ako palipat lipat ng talon, tama nga ang desisyon ko kaya napabilis ang takbo ko.

May naramdaman akong presensya sa likod at alam kong titirahin niya ako para matalo ako.

Kumuha siya ng kutsilyo at itinapon niya ito patungo sa akin pero bago tumama sa akin ay naka talon na ako sa ibang sanga.

Agad akong gumawa ng lindol na nagpawala ng balanse niya kaya nahulog ito. Hindi ako naaapektuhan ng sarili kung kapangyarihan kundi ang taong nasa paligid ko lang.

Napangisi naman ako dahil for sure panalo na ako. Nakita ko na ang tuktok ng bundok at ang nakakasilaw na bato ng may humarang sa harapan ko na lalaki.

"Oopps! sorry pero hindi kita papayagang manalo dito dahil ako ang nauna" sabi niya sa akin.

"Ikaw nga nauna, pero ako ang makakakuha ng bato" sagot ko sa kanya.

 "Pwes paunahan nalang tayo" sagot nito sa akin at agad na itong tumalikod.

Laking gulat ko ng biglang humaba ang mga kamay niya at humaba nga ito ng humaba patungo sa bato.

 No!!!

Gumawa ako ng apoy at ginawa ko itong harang para hindi niya ito makuha. Agad namang pumunta sa itaas ang kamay niya para doon lumusot ang kamay nito kaya gumawa ulit ako ng apoy para sunugin ang kamay niya ngunit hindi man lang ito nasugatan.

Agad akong tumakbo at gumawa ng malakas na lindol na nagpawala sa balanse nya sa kinaroroonan at gumawa ng malaking lupa at inihinampas ito sa kanya na ikinatapon niya.

Bumalik sa anyo ang mga kamay niya dahil sa impact na ginawa ko sa kanyang katawan. Salamat at bumalik na sa anyo ang mga kamay niya dahil nakakasuka itong tingnan.

Agad akong lumingon sa kinaroroonan ng bato at sa gulat ko ng may isang babaeng nakatayo na dito at kinuha ang bato.

"Nooo!!!" sigaw ko.

Sa sigaw ko ay tumingin ito sa kinaroroonan ko ngunit hawak hawak na niya ang bato. Mas lalo akong nagulat ng makita ko ang babaeng nakahawak ngayon sa bato.

"What the.... ka-kasali pala siya ditto?" ba't hindi ko siya napansin kanina.

Nagulat siya ng may biglang lumitaw na babae sa gilid niya at kinuha siya. May lumitaw rin na babae sa gilid ko at mukhang ibabalik na nila kami sa ibaba para sa pagdiriwang. Ilang segundo lang at nandito na nga kami sa ibaba kung saan dito sinimulan ang paligsahan.

Agad namang nagsigawan ang nga tao.

"Red!" tawag sa akin ni Cynth.

"Saan na?" tanong niya sa akin. "Ano? Patingin naman oh" dagdag pa nito.

"Ano ba! Ano bang titingnan mo, hindi ako ang nakakuha sa bato!" galit kong sagot sa kanya.

"A-ano?! Pa-paano nangyari iyon?" taka niyang tanong sa akin.

"Ladies and Gentlemen! The winner in this Treasure Mountain Game is........VIOLA SCAPTER! And heres your prize, the most precious stone in this mountain, the Igma" salaysay ng host sa kanya.

"Humanda ka sa akin, VIOLET!"

Oo, si Violet, si Violet lang naman ang nakakuha sa bato.

Ang totoong pangalan niya ay Viola, the Scapter Family. Tiningnan ko naman ulit si Violet at hindi ko alam kung bakit parang nagtataka siya sa mga nangyayari.

May lumapit naman na babae sa host at may ibinulong.

"Really?" tanong ng host sa babae at nag nod naman ang babae sa host.

Agad namang umalis ang babae at bumalik sa kinauupuan. Nakita kong nagsi alisan na ang mga tao, ng biglang nagsalita ulit ang host.

"Uhm, pasensya na po kayo at may malaki tayong misunderstanding dito, lalo na sa iyo Ms. Scapter" sabi nito.

Nagsihinto naman ang lahat at bumalik ang mga tingin nito sa host.

"Ms. Viola Scapter, Im sorry but you are not in the list of the players" sabi nito.

"Huh?"

Nagtaka ang lahat kung paano nangyari iyon. Walang pag alinlangan namang binalik ni Violet ang bato at bigla nalang itong tumakbo.

"Yess!! may pag asa pa akong manalo dito" sabi ng isang babae na isa sa manlalahok.

"Kung hindi siya kasali bat siya nandito?" tanong ko sa sarili ko.

Isa lang ang dahilan niya, at iyon ay para manggulo sa akin, hindi na ako magtataka dahil nasa lahi na nila ito.

Kung ganon, I will let her, not only her but her whole family to experience the Hell in the Earth.

Taste my hell revenge, Violet!!

Clash Of The ColorsWhere stories live. Discover now