CHAPTER TWELVE

4 2 0
                                    


Royal Party

 

Nagsisidatingan na ang mga bisita galing sa iba't ibang bayan ng Suvura, Gumbura, Abilon, Mitriah at Vithom. 

Ganoon karami ang dumalo para sa isang napakaengrandeng Royal Party. Sa loob ng Royal Palace ay nagkakasiyahan ang mga dumalo at napalingon silang lahat at nagsimulang magpalakpakan nang bumaba na ang Royal Family na sinabayan pa ng musika.

Pumunta ang mag-asawa sa gitna ng stage na kug saan naroon ang kanilang trono. 


"Magandang gabi sa ating lahat! Kami ay nagagalak sa inyong pagdalo dito sa aming Royal party for our 24th anniversary of my beloved wife... My Royal queen." Pag-uumpisa na sabi ng Royal King at nagsisipalakpakan naman ng malakas ang mga mga panauhin.

"Unfortunately, sa nakikita niyo, wala ang aming anak... Pero sa katunayan, pumunta dito ang aming anak kaninang umaga para batiin kami, at masaya na kami nun. Gusto sana naming makasali siya rito kaso ayaw niya, kasi ayaw niyang masira ang party nato. Kaya, para sa hiling ng aming anak... Let's enjoy this party..." Mahabang  sabi ng Royal Queen. Kaya nagpalakpakan ulit ang mga tao.

"Before that, lets have a toast!"


Blue's P.O.V


Maaga kaming dumating sa Royal Palace, at nabalitaan rin naming hindi imbitado ang mga taga Emperia. Pero Sa tingin ko, hindi papayag ang namumuno sa taga Emperia na walang ni isa sa kanila ang makapunta para magbantay dahil may taga ibang bayan ang imbitado. 

Nang papasok na kami ay hinarangan kami ng tatlong kawal.


"Dito po muna kayo?" Tanong ng isang kawal.

"Kailangan ba yan?" Tanong ni Vidd. "Diba, lahat pwedeng makapasok." Dagdag niyang sabi.

"Opo, pero para makasigurado na wala kayong mga rekords sa Emperia, dapat muna kayong i-scan dito sa machine." Paliwanag ng kawal. 

"Talaga? So ibig sabihin yung lahat na dumalo ay iniscan niyo rin." Pagsisigurado ni Vidd.

"Tama po kayo, madali lang naman po yung proseso. Iharap niyo lang yung mukha niyo dito sa machine." Sabi ng kawal.


Nauna sa pag scan si Vidd, sumunod si Thena, Sath at Gadi, at saka ako yung nahuli. 

Naging madali nga lang yung pag scan sa kanila. At pagharap ko sa mukha ko sa machine ay nagulat ako ng pumula ito at may ekis na naka paskil.


"What?!" Gulat kong tanong.

"Pasensya na po kayo Maam, pero hindi po kayo pwedeng makapasok sa loob, may rekord po kayo sa taga Emperia." Nagtaka naman ang mga ka grupo ko sa nangyari pati na ako.

"What?! How come?!" Sabi ko.


Natigilan naman ako ng biglang naalala ko yung araw na hinuli ko si Yellow. Kung ganoon, akala ng taga Emperia ay magkasabwat kami ni Yellow at akala nila na tinulungan ko si Yellow na makatakas...


So, I am wanted? 


"Blue, paano ba yan? Ikaw pala yung hindi makakapasok." Sabi sa akin ni Vidd.

"Sige, kayo nalang ang pumasok, balitaan niyo nalang ako pagkatapos." Saad ko.

"Paano ka?" Tanong ni Gaddi.

"Nag-usap pa naman tayo, na tayong lahat ang makaka attend sa party." Sabi ni Thena.

"Okay lang, uuwi nalang ako... may gagawin rin naman ako na mas importante pa rito." Sagot ko.

"Sigurado ka?" Tanong ni Sath.

"Of course, sige na..."


Nang maiwan ako sa labas ay napag isipan kung umalis na agad pero may nahagip ang mga mata ko si Red. Hindi maganda to.

Agad akong bumalik sa gate pero hindi pala ako makapasok, teka, hindi makakapasok ang may rekord sa Emperia pero ba't nandito siya. Sinundan ko si Red, may kasama siyang lalaki... tumungo sila sa likuran ng palace at doon nakita ko kung paano sila nakapasok sa loob.

Ang lalaking kasama niya ang nagpapasok sa kanya. Mukhang may hindi magandang mangyayari ngayon kaya hindi dapat ako umalis rito. 


Bumalik ako sa harapan at pinilit na makapasok. "Maam, pumunta muna kayo rito para ma scan po." Sabi ng kawal sa akin tulad ng ginagawa niya sa iba.


"Kayo pala yung babae kanina na may rekord sa Emperia." Salita ng kawal sa akin na mukhang nagagalit na.

"Papasukin niyo ako... kailangan kong makapasok." Pagmamamakaawa ko. Hindi ko pwedeng sabihin na nasa loob si Red dahil baka mas magkakagulo.


"Please, papasukin niyo na ako."

"Hindi nga pwede hindi ba! Kung ako sayo, umalis ka na rito!" Pagsasabi sa akin ng kawal.

Napatalikod naman ako sa inis ko at napahawak sa ulo ko. Lumakad ako pabalik balik para makapag-isip kung anong gagawin ko para makapasok. 

Napatigil naman ako ng marinig ko ang pag-uusap ng kawal. "Nabalitaan ko na bumalik na raw si Princess Viola." Sabi ng isang kawal.

"Oo, nandito nga siya, ako nga mismo ang nakakita sa kanya at naka-usap." Sagot ng isa.

"Ibig sabihin, nakita mo ang itsura ng princess." Salita ng isa.

"Heh, magaganda nga ang lahi ng Royal blood." Sagot nito na nakangiti.

"Ang swerte mo naman, at tsaka mukhang hindi lang anniversary ang mangyayari ngayon..."sabi ng isang kawal.

Lumingon ako sa pintuan kung saan nagaganap ang party. Talagang hindi lang Royal party ang mangyayari ngayon...

  There will be a war...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Clash Of The ColorsWhere stories live. Discover now