CHAPTER EIGHT

13 5 0
                                    


Wanted

Someone's P.O.V.

"Boss, she changed her mission" sabi ng lalaki sa kausap nito sa cellphone. "Yes Boss. Ako ng bahala..."huli niyang sabi bago niya ini off ang cellphone niya.


Yellow's P.O.V.

Ano ba yung racket ko ngayon? Sa dinami dami kung racket eh nakalimutan ko na ang iba. Ang mabuti pa ay wag muna akong rumacket ngayon total mukhang pumapangalawa na ako sa wanted list ng taga emperia.

Opps!! Speaking of Emperia, nandito sila. Kaya agad akong nagtago sa likod ng pader.

Ano namang ginagawa nila dito? May nagtip ba sa kanila na dito ako nakatira? Hindi naman siguro si Blue ang nag tip, dahil alam kung gusto ni Blue na siya lang ang makakadakip sa amin.

Sinilip ko ulit ang mga taga Emperia, at binilang sila. Mga sampu silang lahat, teka, e ano naman ngayon kung sampu sila, bakit mahuhuli ba nila ako? Heh, baka nakalimutan nilang isa akong kidlat. Kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko at lumakad na parang normal lang na tao, hindi muna ako uuwi sa amin, mamaya nalang dahil nasa harap na silang lahat sa pinto ng bahay ko.

Bumalik ako sa paglalakad kung saan ako galing at yumuko.

"That girl is familiar" narinig kung sabi ng isa sa kanila.

"That aura! It's her! Go catch her!" Utos ng isang taga emperia. Agad akong tumakbo ng mabilis. Akala nila mahuhuli nila ako, pwes never!

BOGSHH!!

Bigla nalang akong tumalsik ng hindi ko alam. Wala namang nakaharang huh. Sinubukan ko ulit na tumakbo pero tumalsik rin ako pabalik. Ano ba yan! Ba't hindi ako makalabas! Malapit na sa akin ang taga Emperia pero kahit anong subok kung makaalis eh tumatalsik ako.

"Huwag kanang magbalak tumakas Yellow dahil napapalibutan na namin ito ng barriers" inikotan na nila ako at tinutukan ng kanilang espada." Marami kanang atraso sa amin at sa bayan, kaya sumama ka na sa amin, para wala ng gulo" wala na akong magawa kundi sumuko nalang sa kanila. Simula nang nagkawatak watak kami, wala akong ibang mapuntahan kundi ang tumira sa stepmother ko para makapag-aral kapalit ng pagbibigay ko sa kanila ng pera kaya ngayon, wala akong magawa kundi tignan ang sarili ko na pinusasan nila. Magbabayad sila sa akin, Violet, Blue at Red, kayong dahilan kung bakit rin ako naging ganito.

Akala ko magiging masaya at mapayapa na ako nung nabuo tayo, pero kalaunan hindi ko alam kung bakit nag-iba ang pakikitungo nila sa akin. Ako ba ang may mali? Tanong na hindi ko man lang malaman ang mga kasagutan.


Habang naglalakad kami, nag-iisip ako kung paano ako makatakas dahil kapag nakulong ako sa loob ng Emperia mas mahihirapan ako na makalabas. Hindi ako papayag na sa ganito nila ako mahuhuli. Hindi pwede to, wala pa naman akong maaasahan na tao kahit yung stepmother ko.

Tinignan ko ulit sila and I stop at tumingin sa malayo. Tinignan naman nila kung sino ang tinitignan ko.

"Wag kanang gumawa ng kung ano ano dyan, lumakad kana" sabi ng isa sa kawal ng taga Emperia, na siguro siya ang leader nila.

"May isa pa kayong dapat mahuli"sabi ko sa kanila.

"Alam namin, kaya lumakad kana!" pasigaw na sabi niya at tinulak niya ako.

"Wait! Nandito siya!" sabi ko sa kaniya. Mas nagtaka naman sila sa nangyayari dahil sa nakikita nila na naging seryoso ako.

"Your number one wanted list" saad ko habang nakatingin ng diretso sa mukha ng leader. "Red.." dagdag ko.

Naging alerto naman ang lahat dahil sa sinabi ko at hinanap nila si Red kung saan siya nagtatago. Chineck naman ng iba ang lugar, habang ang leader nila ay nasa gilid ko parin binabantayan ako.

"Lumabas ka Red!!" sigaw ng leader nila na nasa gilid ko lang.

"Paano mo siya mahahanap kung wala kang ginagawa diyan kundi sumigaw lang" saad ko. Tumingin naman siya sa akin na parang nagagalit.

"Gawa gawa mo lang 'to, hindi ba?" tanong niya a akin.

"Nakita ko siya!" sagot ko naman.

"Tumahimik ka! Mga kasama! Nagsisinungaling ang babaeng to!" sigaw niya sa iba. Pero bago pa makalapit sa amin ang mga kasama niya ay agad ko siyang siniko sa mukha at sinipa na ikinatalsik niya.

Sinugod ako ng kasama niya at tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanila. Dahil sa bilis ko, hindi nila ako mahagip sa mga mata nila. Iniikotan ko lang sila ng sobrang bilis at isa isa silang pinatatalsik gamit lang ang siko ko at paa dahil nakapusas pa ako.

Nang nakita kong napatumba ko na sila ay tumigil ako sa katatakbo. Hindi ko naman sila pinatay, dahil may puso pa naman ako at ngayon ko lang nalamang ang hirap palang tumakbo ng nakapusas.

hahaha" napapatawa nalang ako sa naiisip ko.

"Akala niyo ba mahuhuli niyo lang ako ng ganun ganun lang, it's a big NO!.." salaysay ko habang lumalapit sa isang kawal na nakahiga sa lupa at kinuha yung susi sa pusas ko.

"Hindi ko akalaing naisip ko yun para makawala sa inyo, hahaha, hindi lang si Blue pala ang biniyayaan ng talino, ako rin pala, nakakatawa talaga."

Napansin kung nagsisitayuan ang mga kawal at handang sumugod ulit sa akin kahit alam naman nilang hindi nila ako kaya. Kaya gg makawala ako sa pusas ay agad akong tumakbo ng mabilis.

Bogshh!!!

"Aarggh!" sigaw ko ng tumalsik ako sa lupa.

"Barriers? Nana man?" mahinang sabi ko.

Napalingon ako ulit sa mga kawal at nakita ko yung leader nila na nakatayo na ulit na.

"Huwag mong masyadong purihin ang sarili mo yellow, dahil baka maniwala ka" sabi nito sa akin.

Nagulat siya ng nasa harapan na niya ako. Tinignan ko siya sa ma mata niya. Ang mga kawal niya ay inikotan na naman ako.

"Alam mo bang kaya kung pumatay. Siguro maganda pakinggan noh, magnanakaw na, pumapatay pa. Iniiwasan ko namang pumatay dahil hindi ako katulad nina Violet at Red. Siguro mas masaya pag ako rin? At ikaw ang kauna unahang taong mapapatay ko."

Hindi niya man pinapahalata na kinakabahan siya, ay kitang kita ko sa mga mukha niya.

Napansin kung suminyas ang leader sa mga kasama niya.

"Ahhhh...!!"sigaw ng mga  kawal na sumusugod sa akin.

Sabay sabay nilang itinuon sa akin ang espada at agad ko silang sinipa na paikot sa kanilang dibdib. 

Pagtingin ko sa harap ko, laking gulat ko ng hindi ko namalayang may kutsilyong papunta sa akin na inihagis ng leader nila. Mas lalo akong nagulat at dahil imbis sa akin tumama ang kutsilyo ay napunta ito sa isang kawal at tumusok ito sa dibdib nito. 

Laking gulat rin ng leader kung bakit nangyari iyon dahil sa akin naman talaga ang direksyon ng kutsilyo.

Tumingin ako sa paligid kung sino ang may gawa nun at doon nakita ko siyang nakatayo. 

Napaatras naman ang mga kawal pati na ang leader nila ng lumipad lahat ng espada at nakatutok ito sa kanila.

"Oo na! Papalabasin ko siya!" bigla nalang nagsalita ang leader at mukhang takot na takot. Siguro kinausap niya ito through her mind. 

Pumwesto naman ang leader at parang tinanggal ang barrier, at pagkatapos nun ay agad silang tumakbo. 

Pero nagtaka ako ng lumipat naman sa akin ang pagkatutok ng mga espada at napaikotan ako nito. 

Tiningnan ko ulit siya habang lumalapit sa akin.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba ang huli kong sinabi sa iyo?" tanong niya pabalik sa akin.

"Blue..."



Clash Of The ColorsWhere stories live. Discover now