CHAPTER NINE(PART TWO)

8 2 0
                                    


  Ready to kill


Red's P.O.V.

Sisiguraduin kung hindi lang magiging masaya ang Royal Party, gagawin ko itong napakamemorable ang araw na iyon. Haahahaha. Ano kaya ang mas maganda, ang patayin sila sa harap ng maraming tao, o ang patayin sila ng palihim. Hmm, mas maganda talaga pag may saksi, para malaman nila kung gaano kasama ang budhi ng kanilang pamilya.

Nandito ako ngayon sa Dress Store, para pumili ng magandang susuotin ko sa Royal Party. Hmm, saan kaya dito ang pwede? What about this one? Ang pangit, hindi bagay sa akin ito. Ano bang perfect sa akin? What about....this one? I see.. It's perfect, the perfect color, Red.

Agad ko na itong dinala sa cashier para bayaran dahil ayokong magtagal sa pamimili.

"Ito lang po ba maam?" tanong ng cashier sa akin.

"Yahh" sagot ko.

"$300 po maam"

"$300?" kinuha ko naman agad ang pera ko at saka binigay ito agad sa cashier at saka tumalikod.

"Maam!" tawag nto ulit sa akin.

"Kulang po ang bayad niyo, $150 lang po ang binigay niyo" sabi niya.

"Ilista niyo nalang ang kulang, babalikan ko na lang ang kulang sa susunod" sagot ko sa cashier. At tumalikod ulit para makaalis.

"Maam! Pasensya na po kayo, hindi po pwede sa amin ang utang. Kung hindi niyo po kayang bilhin ang damit na iyan, paki lagay niyo nalang po diyan at kami na ang bahala diyan na ibalik." Mahabang salaysay ng cashier. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya pumuna ako ulit sa cashier na napipikon at hinampas ang lamesa niya.

"Di ba sabi ko, ilista mo nalang ang kulang, pasalamat ka nga at may pera akong naibigay sayo. Di ba?" Nanginginig naman sa takot ang cashier

"Pe-pe-pero maam, ako po  yung mapa-pagalitan nito sa may-ari" sagot nito sa akin. Tsk. Nadala pang sumagot sa akin to.

"Alam mo bang ayaw na ayaw kung paulit ulit ang sasabihin ko!" sigaw ko sa kanya.

"Pumili ka! Ang mapagalitan ka o ang mapatay ka?!" sagot ko.

"Wag naman po maam" pagmamakaawa ng cashier.

"Damit lang ang gusto kung kunin, kaya wag mo akong bigyan ng dahilan na pati ikaw!"

"M-maam...pasen-sya na po,,pe-pero..."


Boggsh!

"Aahh!" sigaw ng cashier ng Hampasin ko ng malakas ang lamesa sa harapan niya. Kaya pumasok yung mga guard at nagsisitapukan ang mga tao.

"Pinapainit mo ulo ko ha"

"Ate, ako na po ang magbabayad sa kanya" nang biglang may lalaking lumapit sa amin at may inabot na pera sa cashier.

"Pasensya na po kayo sa kanya, hindi na po mauulit to" sabi ng lalaki sa cashier.

"Tara na.." hinila niya ako palabas.

"Nag-iisip ka ba? Pano kung mapatay mo yung babae?" marahang sabi niya.

"Bitawan mo nga ako! Pinapagalitan mo ba ako?" tanong ko. "Tsaka, anong ginagawa mo rito?Umuwi ka na, at sabihin mo kay Ina na wag na wag na akong pasusundan ulit kung hindi ikaw ang mapapatay ko. Kuha mo?" sabi ko sa kanya.

"Heh, kunwari ka pa, kaya mo lang yan sinabi kasi hindi mo ako kayang patayin" sabay pisil sa pisngi ko.

"Ano ba! Huwag mong hawakan ang mukha ko, suntukin kita dyan eh" sabi ko sa kanya.

Clash Of The ColorsWhere stories live. Discover now