11RFTE | 02

574 19 2
                                    

~Althea Francheska Blaire~

"Ah hi? Kanina ka pa d'yan?" nakangiti niyang tinanong.

Buti pa itong isang ito mabait! Nakangiti pa..

"Ahh.. Oo pasensya na hindi ko sinasadyang istorbohin ka. Sige na ipagpatuloy mo na yung pagpipiano mo" sagot ko

"Ah. Haha tapos na naman ako. Mukhang naliligaw ka" Sagot niya habang tinuturo yung ID ko

"Ah. Bago lang kasi ako dito" sagot ko

"Ah. Kaya pala gusto mo samahan na kita sa pupuntahan mo?" Tanong niya habang nakangiti

Grabe bakit lahat na lang ng taga Miracle Academy! Puro gwapo at magaganda ang estudyante! Samantalang sa old school ko kay papanget.

"Hahaha huwag na nakakahiya naman sayo" sagot ko

"Hindi ayos lang naman sa'kin" sagot niya

"Sigurado ka?" Sagot ko

"Oo sigurado ako" sagot niya habang tumatayo

"So... Saan ba yung lugar na hinahanap mo?" Tanong niya

"Senior High building! Nagkanda ligaw ligaw na ako kakahanap don!" sagot ko at bigla akong napakamot sa ulo ko

"Ah haha malapit ka na namn tara na nga" sabi niya sabay hawak sa kamay ko

Bigla na lang akong bumitaw sa kamay niya.

"Ah pasensya na! Nakasanayan ko kasi yun eh! Haha" sagot niya at bigla siyang napakamot sa ulo

Naglalakad na kami palabas nang biglang may umakbay sa kanya yung lalakeng nagdrawing sa mukha jung Drake!

"Oh ano na naman ba problema mo breidann? Wala akong pera!" sabi nung lalakeng naguguide sakin

"Hahaha tol! Sayang di mo nakita ang napakagandang mukha ni Drake kanina!" Matawa-tawang sinabi ni Breidann

"Gago! Haha pinagtripan mo na naman! Patay ka mamaya don!" sagot niya

"Haha! Sus! Chester! Hindi rin tiwala ka lang!" Sagot ni Breidann

"Ewan ko sa'yo! 😂 Hindi ko masabayan ang trip mo sa buhay mo! Haha pero maniwala ka tol patay ka talaga don pag nagkataon!" sabi ni chester

Nang biglang napatingin sa'kin si Breidann ng medyo nangaasar na tingin.

"HAHAHA! tol! JIBA ka talaga! Chicks na naman ah!" Paasar na sinabi ni Breidann

"Gago! Haha hindi ah! Tinutulungan ko lang siya" Sagot ni Chester.

"Hi! Ako nga pala si Breidann! Kapag kailangan mo ng katawagan eto no. Ko" sabi ni Breidann nang may iabot siya saking papel at kinindatan niya ako.

"Ulol! Hoy ika'y magtigil! Napakababaero mo talaga! Gagu!" Sabi ni Chester

"Haha! Basta Miss! Huh tawagan mo ko! I'm available 24/7" sabi ni Breidann

"Ah. Haha sorry hindi ko kailangan ng katawagan" sabi ko

"Boom! Kawawa! Busted! Agad hahaha sabi ko naman kasi sayo luma na yang style na yan eh! Nako nako!" sabi ni chester habang binabatukan si Breidann na medyo mangiyak ngiyak

"HAHA! DIBALE NA MAMAYA NA LANG SA BAR! AKO MAGHAHANAP NG CHICKS!" sabi ni Breidann

Hay nako lalake nga naman Napakababaero.

Nang biglang may sumigaw sa likod ko.

"BREIDANNN! KINGINA KA! NANDYAN KA PALA! HOY! BURAHIN MO ITONG NASA MUKHA KO!" Gigil na sinigaw nung Drake

11 Roses From The Elite BoysWhere stories live. Discover now