11RFTE | 93

142 6 0
                                    

~Althea Francheska Blaire~
Ang liit talaga ng mundo lagi na lang kaminf nagkakasalubong...

Sobrang awkward ng atmosphere dahil ilang minuto kaming nagtitigan...

"Hi! Ikaw pala si Nath!" sambit ni Beatrice

Mygash! Bes! Agad agad!

"Who the hell are you?" inis na sinabi ni Nathaniel sabay tinaasan niya ng kilay

"Who the hell are you?" inis na sinabi ni Nathaniel sabay tinaasan niya ng kilay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ah! Ako pala si Beatrice kaibigan ni Althea!" sambit niya

"Ah okay" sambit ni Nath sabay dadaanan sana kami pero hinawakan siya ni Beatrice sa braso

"Baka naman may kaunting oras ka pa diyan para magkausap tayo ng masinsinan" sambit ni Beatrice

"Pwede ba tigilan niyo na ako? Wala na akong pakialam sa kung anong gusto niyong gawin sa buhay niyo! Ang sakin lang gusto ko ng matahimik ang buhay ko ah! Huwag niyo na ako idamay sa ganyan dahil useless ako diyan at walang kaalam-alam!" masungit niyang sinabi

"Beatrice tara na! Huwag mo ng kausapin yang saradong utak na yan!" inis kong sinabi kahit nasasaktan ako

"Anong sabi mo? Saradong utak?" inis niyang sinabi

"Oo saradong utak may problema ka ba doon!" sambit ko

"Wow! Galing talaga sayo ah sa tulad mong sinungaling at mapagpanggap!" sigaw niya

Sige! Saktan mo pa damdamin ko!

"Bakit may kilala ka bang hindi nagsinungaling at hindi nagpanggap para sabihan ako na parang wala akong karapatan sabihin yan saiyo dahil nagsinungaling at nagpanggap ako!" inis kong sinabi

"May sinasabi ba?! Affected ka ata! Huwag mo ngang sayangin ang oras ko! Hindi ko alam ano ba nagustuhan ko sa tulad mo!" sambit niya

"Makalait wagas ah! Ako ba naghabol? Ako ba yung patay na patay? Wow! Hoy! Para sabihin ko sayo itong nilalait mo ngayon ay dito ka lang naman patay na patay noon!" sigaw ko

"Kaya nga NOON diba? Iba na yung NGAYON!" pinagdiinan niya

Anak ng tinapa itong isang ito gusto ata ng suntukan!

"Ummm... Guys?"

"Manahimik ka!" sigaw namin ni Nath sabay nagtinginan kami ng masama sa isa't isa!

"Naiinis ako sayo!" sambit niya

"Mas naiinis ako sayo! Hmmp!" sambit ko sabay tinaasan ko siya ng kilay

"Kaya naman pala nahulog kayo sa isa't isa eh! Kasi opposite kayo eh may kasabihan pa naman na OPPOSITE ATTRACTS!" pangaasar ni Beatrice

At nagkatinginan kami ni Nath sabay tumayo kami ng ayos...

Nang biglang dumating yung iba...

"Si Nath kasi hindi pa matanggap... Eh halata namang inlove pa rin siya kay Althea" asar ni Breidann

11 Roses From The Elite BoysWhere stories live. Discover now