11RFTE | 44

229 11 0
                                    

~Althea Francheska Blaire~

"Gusto ko pong sabihin na kung hindi po dahil sa kabutihang loob ng inyong anak baka ako na po yung nasa kalagayan niya ngayon... Sobra sobra po pasasalamat ko sa kanya kasi iniligtas niya po buhay ko sa peligro..." sambit ko sabay ngiti

"Kaya huwag na po kayang magalit sa kanya" dagdag ko

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

"Kaya huwag na po kayang magalit sa kanya" dagdag ko

"Aish. Ija, ganoon ba? Hayst. Ikaw Kean sa susunod naman oh huwag kang basta basta gagawa ng bagay na kung saan magaalala ako ng sobra sobra ah... Alam mo naman na ikaw na lang kasangga ko sa buhay eh... Sa susunod anak magiingat ka na mahal na mahal kita pati ng mga kaibigan mo" sambit ni Mrs. Park

"Ma... Patawad po hindi na po mauulit" naluluhang sinabi ni Kean

"Kahit na wala na papa mo huwag mo namang isugal sa peligro buhay mo nandito pa ako para sayo anak... Tandaan mo yan" sambit ni Mrs. Park sabay niyakap si Kean

Naluluha ako sa nakikita ko ngayon... Ngayon ko lang nakita na umiyak si Kean... Lagi kasi siyang nakangiti...

"Ma... Pinaiiyak mo naman ako eh! Haha! Huwag ka na nga umiyak! Sige ka dadami wrinkles mo!" sambit ni Kean

"Ikaw talagang bata ka! Haha hindi pa naman ako ganoon katanda noh!" sambit ni Mrs. Park

Nang biglang may tumunog na cellphone

"Ah. Excuse me, sagutin ko lang" sambit ni Mrs. Park

"Ah... Hello?" sambit ni Mrs. Park

"Madam... Inaprubahan na po ni Mr. Takeda yung partnership contract!"

"Really? That's great!" sambit ni Mrs. Park

"And sabi po niya he wanted to meet you so he can settle everything once and for all"

"Oh okay. Tell him to kindly go to my office... I'll be back there in a minute" sambit ni Mrs. Park

"Okay Madam"

At pinatay na ni Mrs. Park ang tawagan

"Oh.. Paano ba yan? I have to go na pakitingnan na lang muna ito si Kean for me ah?" sambit ni Mrs. Park sabay ngiti

"Ma... Hindi na ako bata para bantayan!" angal ni Kean

"You're still my baby! Kean" sambit ni Mrs. Park sabay tawa

"Sige na umalis na kayo!" sambit ni Kean sabay busangot

"Ito talagang batang ito oh" sambit ni Mrs. Park sabay tawa at hinalikan niya si Kean sa pisngi

"Mama! Naman eh! I said I'm not a kid anymore" sambit ni Kean

"Silly, sige na babye" sambit ni Mrs. Park

At tumango kaming lahat sa pagalis niya sa kwarto...

"Haha! Baby Kean! Ayieee" tukso ni Breidann

11 Roses From The Elite BoysWo Geschichten leben. Entdecke jetzt