11RFTE | 68

216 9 2
                                    

~Alice Claire Shen~
Natutuwa ako sa nangyari ngayon it was a success. Haha!

"Boss! Baka naman pwede niyo po dagdagan ito... Kailangan na po ng anak ko sumailalim sa operasyon at malaki po ang magagastos"

"Sige lang ito" sambit ko sabay dinagdagan ko ulit

"But be sure na naalis mo lahat yung maaaring matrack sa kotse ah" sambit ko

"Boss pangako walang sabit naalis ko po lahat"

"Good, makakaalis ka na" sambit ko

At tumango siya sabay lumabas na siya ng condominium ko.

Let's see kung makarampa pa siya sa lagay niyang yan...

Yung kotse na bumangga lang naman sa kanya ay parang isang laruan may remote siya na nagcocontrol sa kotseng iyon may mga hidden camera at mga electronic devices ang nakakabit dito pero bago pa masaksihan ang pangyayari ay natanggal na ng tauhan ko lahat ng mga pwedeng matrack...

Napahawak ako sa baba ko sabay ngiti nang biglang tumunog ang cellphone ko at nakita na naman itong bwisit na fiancee ko...

Ano na naman ba kailangan niya?

"Hello by?" sambit ko

"By! I have a good news! Sabi ni Papa siya na muna daw magaasikaso sa mga paper works so makakapunta na ako diyan bukas! Sunduin mo ko ah!" sambit niya

"Ano?!" sigaw ko

"Hindi ka ba masaya magkikita at magkakasama muli tayo?" sambit niya

"I mean... Anong oras dating mo?" sambit ko

"Ahhh. Kala ko kung ano na... I'll just call you kasi hindi ko pa alam kung anong oras departure ko papunta diyan... Sige by bye muna! I love you can't wait to see you tomorrow!" sambit niya

"Ah okay by... Same I love you too!" sambit ko

Sabay ibinaba ko na ang tawagan...

Ano ba ito? Bakit ngayon pa? Ngayong nagiging maayos ang plano! Haist. Nakakainis ka talaga Christopher Chyles Wang!

~Nathaniel Blythe Lai~

"Sige na uwi na muna kayo, ako na bahala kay Althea" sambit ko

"Sige tol" sambit nila Kean sabay unat ng katawan

Naglabasan na sila maliban kay Chester na naglalaro pa sa cellphone niya.

"Oy." sambit ko

"Problema?" sagot niya

"Pwede ka ng umuwi ako na magbabantay kay Althea" sambit ko

"Tutulungan na kita wala naman akong gagawin this week" sambit niya

"Hindi kaya ko na ito magisa" sambit ko

"I don't think so... Basta magbabantay rin ako sa ayaw at sa gusto mo" sambit niya

Aish. Naiinis na ako ah... Sarap niyang tadyakan...

Nang biglang hinawakan ni Althea kamay ko...

"Bakit Althea? May nararamdaman ka bang hindi maganda?" sambit ko

Tapos sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya at lumapit naman ako at bigla niyang hinigit tenga ko...

"Hayaan mo na siya... Huwag na kayo magaway" bulong niya

At bumugtong hininga ako sabay tango...

"Magpahinga ka na" sambit ko sabay hinalikan ko noo niya

11 Roses From The Elite BoysWhere stories live. Discover now