11RFTE | 26

273 10 0
                                    

~Prince Ivan Hwang~

"Sa wakas tapos na rin" nakangiti kong sinabi habang inaamoy ang niluto kong lugaw para kay Althea

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa wakas tapos na rin" nakangiti kong sinabi habang inaamoy ang niluto kong lugaw para kay Althea

Nilagay ko na ito sa tray at dinala ko na papunta sa kwarto ni Althea

Pagkabukas na pagkabukas ko ay nanlaki mata ko sa gulat nabitawan ko ang niluto kong lugaw nabasag ang mangkok at tumapon ang lugaw

Nakita kong hinalikan ni Chester si Althea napatingin rin siya sakin at nanlaki mata niya sa gulat

"Anong nangyari?" tanong ni Althea ng dahan dahan siyang bumangon sa higaan niya

"Chester anong ginagawa mo dito?" tanong niya

"Chester, bakit mo siya hinalikan?" tanong ko

Nanlaki naman mata niya sa gulat at napatingin sakin at kay Chester

"Wait! Anong nangyayari dito?" sigaw ni Breidann nang bigla siyang nagtatakbo papunta samin sumunod na rin yung iba

"Teka. Sinong hinalikan?" tanong ni Althea

"Ikaw" sambit ko

"Ano!" sambit niya sabay takip sa bibig niya

At napatingin siya kay Chester

"Teka! Anong hinalikan! Ako nga binabalak ko pero hindi ko ginawa eh! Ang unfair!" sigaw ni Kean

"Bakit mo siya hinalikan?!" sambit ko

Tumawa na lang si Chester sabay tingin samin

Nakita kong na parang paiyak na si Cindy

"Ano na naman kung hinalikan ko siya?" sambit nito

"May gusto ka ba sa kanya?" tanong ko

"Wala" sagot ni Chester

Nang biglang tumayo si Althea at nagtatakbo palabas

"Althea!" sigaw ni Kean

Hahabulin sana siya ni Kean pero pinigilan ko siya

"Hayaan mo na muna siya" sambit ko

At tiningnan ng masama ni Kean si Chester sabay nilapitan agad ito at hinawakan sa kwelyo

"Kapag may nangyaring masama kay Althea lagot ka sakin!" sambit ni Kean

Sabay binitawan si Chester at agad namang inakbayan ni Drake si Kean para pakalmahin

"Chester" seryosong sinabi ni Cindy

"Oh?" sagot nito

"Oh?" sagot nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
11 Roses From The Elite BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon