11RFTE | 29

254 8 0
                                    

~Breidann Lauren Ong~

"Hi, anong ginagawa niyo dito?" sambit ko sabay pose sa mga camera

"Hi, anong ginagawa niyo dito?" sambit ko sabay pose sa mga camera

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Um. Pwede ba naming makausap si Ms. Shin at yung kasama niya? Nasa loob kasi sila ng staff room"

Sabi na nga ba eh! Pero teka makipaglaro muna ako sa kanila! Daming camera eh!

"Ahh! Haha gusto niyo sila makita?" tanong ko

"Oo! Gusto namin! Kailangan naming makakuha ng statement ni Ms. Shin about sa issue niya!"

"Oh siya ganito ikot muna tayo ng limang beses" sambit ko

At sinunod nila! Grabe utu-uto haha!

"Tapos, magotso-otso kayo!"sambit ko

At ginawa rin nila. Gusto ko ng maglupasay sa kakatawa eh

"Tapos... " hindi ko na naituloy sasabihin ko nang biglang may nagsalita

"Teka! Pinagloloko mo naman kami eh!"

"Sabihin mo na kung nasaan sila!"

"Ilabas mo na si Ms. Shin!"

"Teka! Ayaw pa niya lumabas sa tiyan ko eh! Hindi pa daw ready" sambit ko

"Kapag hindi ka umayos mapipilitan kaming pasukin yang staff room na yan nang sapilitan!"

"Ahh. Nakita ko lumabas sila" pagsisinungaling ko

"Huh? Paano nangyari yun? Nandiyan sila sa loob ng staff room"

"Ah. Yang staff room na yan may lagusan yan palabas" sambit ko

"Hala! Natakasan tayo! Tara na lumabas na tayo"

"Patay tayo nito!"

At naglabasan na sila at nagsimula na sa paghahanap

At kinatok ko na yung pintuan ng staff room gaya ng sabi nung reporter nandito sila Chester

"Guys... Yoohoo. Breidann ito" sambit ko

"Guys? Are you there? Hey? Yo!" sambit ko

"Breidann ito! Wala na sila! Buhay pa ba kayo?" usal ko

At unti-unting nagbukas ang pintuan

"Wala na ba sila?" tanong ni Chester

"Nasaan si Cindy?" tanong ko

"Nasa loob naiyak" sagot ni Chester

At pumasok kami sa loob naiyak nga si Cindy nakaupo siya sa upuan

"Pwede huwag niyo muna sabihin sa iba yung tungkol dito?" sambit ni Cindy sabay yakap kay Chester

"Sige" sambit ni Chester sabay yakap rin kay Cindy

Nang biglang dumating sila Althea...

"Anong nangyari? Maraming reporters ang nagtatanong kung nasaan ka" sambit ni Althea

11 Roses From The Elite BoysWhere stories live. Discover now