[Book 1]
Meet Althea Francheska Blaire isang normal at simpleng babae na nakapasa sa Miracle Elite Academy ng scholarship. Paano na kapag nameet niya na ang labing isang nagwagwapuhan at maaangas na lalake? Tuluyan na bang magbabago ang kanyang kapa...
"Tsk! Puting rosas hindi ba obvious?!" Sarcastic niyang sinabi
"Huwag mong sabihin..."
Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay agad na niyang sinabi ang salitang inaasahan ko.
"Oo! Isa ako sa 11 Elite Boys!" Seryoso niyang sinabi
"Anak ng tinapa... Tuloy tuloy na nga ang kamalasan ko!" pabulong kong sinabi
"May sinasabi ka?" Sabi niya
"Ah wala wala." Sagot ko habang nakatingin sa ibang direksyon
"Sinong kinakausap mo? Hoy! Nandito ako dito ka tumingin!" Inis niyang sinabi
"Paki mo ba?! Eh sa gusto kong tumingin doon eh!" Sagot ko
"Akin na nga yan! Nasasayang ang oras!" Sabi niya habang kinukuha sakin yung sandamakmak na papel niya
"Good luck..." nakangiti niyang sinabi pero medyo kinabahan ako sa sinabi niya
Haist! Ano ba ito? Una pulang rosas ngayon naman puti?! Teka matingnan nga kung anong ibig sabihin nito! At agad kong hinanap yung papel na ibinigay sakin nung binully pero hindi ko mahanap.
"Nasan na ba yun?!" Natataranta kong sinabi habang hinahanap
"Ughh! Nasaan na?! Nandito lang yun eh!" Yamot kong sinabi
"Hoy! Dukhang baboy!"
Napasimangot ako at unti-unting nilingon kung sino nagsabi non. At yung nakakainis na Nathaniel na naman!
"Ano bang problema mo?!" Galit kong sinabi
"Wala naman" Sagot niya
Pero napansin ko may mga kasama siya, si Drake, Breidann, Prince, Kyle, Kean, Jameson, Chester, Jake, Tyler, At may isa pa na hindi ko kilala.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Ahhhhhhh! They're here!"
Nakarinig ako ng tilian ng mga babae at tunog ng mga nagtatakbuhan papunta sa direksyon ko.
Nanlaki mata ko nang makita ko ang isang malaking grupo ng babae na nagkakagulo papunta samin!
"Shit! Let's go!" Sabi ni Nathaniel sabay takbo
Nagsunuran na yung iba sa kanya... Habang ako? Ayon nadala na ako ng malaking grupo ng babae! Takte! Bwisit na Tyler na yan mukhang nagkakatotoo ang pagiging malas ko ngayon!
Pagkatapos ay awasan na, it means kailangan ko ng pumasok sa part time job ko. Oo nagpapart time ako para matugunan ko gastusin ko lalo na narenta lang ako sa apartment na tinitirahan ko pansamantala.
"Haist" Napabugtong hininga na lamang ako habang naglalakad.