11RFTE | 65

198 8 4
                                    

~Nathaniel Blythe Lai~
Nagising ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko, unti-unti kong iminulat ang aking mata at nakita ko ang mukha niya nang biglang hawakan ko ang pisngi niya at nagulat siya.

"Na-nath..." nauutal niyang sinabi

"Ilang kilo ng rice kinakain mo? Nanaba ka" sambit ko

Nang biglang bumusangot ang mukha niya at pinisil niya mukha ko.

"Hoy! Grabe ka talaga saking kumag ka!" sambit niya

"Dukhang baboy! Ang bigat mo!" sambit ko bigla ba naman akong inupuan sa tiyan ko

Nang biglang namula siya at agad agad tumayo...

"Baliw! Manyak!" sigaw niya sabay tinadyakan niya ako

"Aray! Hoy! May sakit pa ako!" sambit ko

"Sakit mo mukha mo! Che!" sambit niya sabay pumunta siya ulit sa pintuan at sinubukan niyang buksan

Tumayo na ako sabay pagpag...

"Aish! Bakit hindi pa rin bukas!" inis niyang sinabi

"Ang panget mo daw kasi" pabiro kong sinabi

"Wow huh! Kinagwapo mo ba panlalait sakin!" sambit ko

"Althea, gwapo na ako kaya pag nilait ka mas lalo akong gagwapo kasi ikaw kasama ko!" sambit niya

Itong unggoy na ito! Sarap tadyakan o batukan! Makalait wagas! After niya akong yakap yakapin wow! Ha! Grabe!

"Kung wala kang sasabihing maganda manahimik ka na ah!" sambit ko

At bigla siyang tumawa tapos lumapit siya sakin medyo napaurong ako...

"H-hoy!" sambit ko

Hanggan sa nacorner niya na ako yung isang kamay niya nakahawak sa pader tapos bigla siyang ngumiti

"Natutuwa ako kapag napipikon ka mas lalo kang gumaganda" sambit niya

Magsasalita pa sana ako kaso bigla niya akong hinalikan na ikinagulat ko.

Anak ng tinapa! Siya na nga first kiss ko eh! Putek! Of all people bakit siya pa! Hoy! Hoy! Nathaniel Blythe Lai! Unggoy ka talaga!

Sinusubukan kong itulak siya pero sobrang lakas niya jusko! Lord! Maawa po kayo sakin! Ayoko pang masira ang kinabukasan ko! Dahil lang sa unggoy na ito!

Tapos ay hinarap niya na ako tiningnan ko siya ng masama pero ngumiti lang siya!

"Ito sana sasabihin ko sayo" sambit niya at nilapit niya ulit ang mukha niya sakin sabay...

"Mahal kita" binulong niya

Nanlaki ulit mata ko tapos ay binitawan na niya ako.

"Baliw ka na" sambit ko

At tumawa siya...

"Oo baliw na ako... Baliw na baliw sayo" sambit niya

"Pinagtitripan mo na naman ako noh! HOY!" sambit ko

"Hindi kita pinagtitripan... I really do love you believe me..." sambit niya may pagkasincere ang tono niya

"I know you still love him... But.. I'll gonna make sure you'll fall for me. Just give me a chance to prove how much I love you" sambit niya

11 Roses From The Elite BoysWhere stories live. Discover now