11RFTE | 20

291 13 2
                                    

~Unknown~

"Ano? Nagawa mo na ba yung trabaho mo?"

"Yes boss. Nagkita na po kami ulit ni Ms. Blaire, so kailan niyo po ako mababayaran?" tanong ko

"Mamaya ipapadala ko na, good job! Sige huwag ka na muling magpapakita"

"Sige po boss masusunod" sambit ko

At agad ko itong binaba nang nakangiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


At agad ko itong binaba nang nakangiti.

"Sana mapatawad mo ako, kailangan ko lang talaga ng pera Althea gawa ni lolo" sambit ko

~Althea Francheska Blaire~
Naglalakad na kami ni Chester sa hallway nang makasalubong namin si Breidann na may puting bandana sa ulo niya habang pinapagalitan ang mga estudyante may dala dala din siyang mic

"Ang sumuway sa rules ay bibigyan ko ng dilaw na rosas!"

Paulit ulit niyang sinasabi, anong nangyayari sa isang ito?

"Anong nangyari sa isang yun?" bulong ko kay Chester

"Malay ko. Mukhang timang eh" sambit niya

Natawa naman ako sa sinabi niya

"INUULIT KO! ANG SUMUWAY SA MGA RULES NG ACADEMY NA ITO AY AUTOMATIC NA MAKAKATANGGAP NG DILAW NA ROSAS! KAYA UMAASA AKO SA INYONG COOPERATION MARAMING SALAMAT!" sambit niya habang gamit gamit ang mic

Lahat ng atensyon ng mga estudyante ay nasa kanya

Nang bigla siyang napatingin samin at kumaway at pumunta samin

"Tol!" sigaw niya

"Oh?" sagot ni Chester

"Nga pala anong meron? Bakit ganyan ka? Mukha kang tanga" sambit ni Chester

"Eh si Nath eh! Pinarusahan ako! 😭" sagot ni Breidann

"Kawawa" bulong ko

"May ginawa ka na namang katarantaduhan panigurado" sambit ni Chester

"Oo na, teka nga! Una na ako magaannounce pa ako sa ibang building!" sambit nito sabay takbo

Nang biglang may dumali sakin at muntik na akong mapangudngod sa sahig pero bigla akong sinalo ni Chester

"Ayos ka lang?" tanong niya

Sabay tinayo niya ako at tumingin kami sa bumunggo sakin at si Kyle pala!

"Hoy! Anong problema mo! Bakit mo ako binunggo?!" sambit ko

"Ayt! Ikaw pala yun akala ko pader! Pasensya na" kalmadong sinagot niya

"Wow! Makapader wagas ah!" sambit ko

"Bakit? Hindi ba totoo?" sambit niya

"Hoy! Bastos ka! Matuto ka ngang gumalang-"

11 Roses From The Elite BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon