11RFTE | 43

218 10 0
                                    

~Prince Ivan Hwang~

"Ikekwento ko na sayo" sambit ko

At sinimulan ko na...

Ang nakaraan

~Kean Brylle Park~
Natutulog na ako nang marinig ko sila papa at mama na nagsisigawan bumangon ako para silipin at makinig sa usapan nila

"Ano na naman bang kalokohan yan? Huh!" sigaw ni Mama

"Pwede bang huwag mo kong pakialaman! Kompanya ko ito!" sigaw ni Papa

"So, ano isusugal mo na lang yang pera na nanggagaling sa kompanya huh?! Paano na future ng anak mo! Kahit yun lang sana maisip mo!" sambit ni Mama

"Eh walang kwenta naman yang anak mo eh!" sigaw ni Papa

Nang biglang sinampal ni Mama si Papa

"Grabe ka! Pati bata sinasabihan mo ng ganyan! Sabihan mo na lahat pati ako pero huwag lang ang anak ko!" sigaw ni Mama

"Oh.. Anong gusto mong gawin ko? Ibigay lahat ng pera sainyong dalawa? Ganun ba? Eh mga mukhang pera pala kayo eh!" sigaw ni Papa

"Pagod na ako! Maghiwalay na tayo!" sigaw ni Mama

"Finally! Nasabi mo rin yan! Mas mabuti nga na maghiwalay na tayo!" sambit ni Papa

Biglang pumasok si Mama sa kwarto niya at ilang minuto lumabas na siya kasama mga damit niya

"Ma... Pa...." sambit ko sabay labas ng kwarto

"Oh. Ano pa hinihintay mo magimpake ka na rin lumayas na kayo sa pamamahay ko! Mga bwisit sa buhay ko!" sigaw ni Papa

Galit ang naramdaman ko nang marinig ko yun galing sa sarili kong ama...

"Pa... Magtatrabaho ako huwag niyo lang kami paalisin! Nagmamakaawa ako!" sambit ko sabay luhod

"Kean... Ano bang ginagawa mo? Tumayo ka diyan anak... Umalis na tayo..." sambit ni Mama sabay pilit niya akong tinatayo

"Ma... Tanda mo pa ba yung sinabi mo sakin nung bata ako? Na kapag inaalipusta na tayo o ano man na insulto harapin natin ng buong tapang at huwag takbuhan" sambit ko

"Kean... Iba na sitwasyon ngayon" sambit ni Mama

"Paano naiba yun Mama? Isipin mo na si Papa ngayon yung problemang iyon..." sambit ko

"Ano bang kawalanghiya yang pinagsasabi mo! Kita mo na! Mga walang kwenta ang itinuturo mo sa batang ito!" sambit ni Papa

"Pa... Ma... Please huwag na kayong maghiwalay... Magtatrabaho na lang ho ako..." sambit ko

"Oh sige pumapayag ako... Pero ito lang masasabi ko kahit kailan wala kang matatanggap na katiting na pera mula sakin!" sambit ni Papa sabay pumanik siya sa taas

Tumayo ako at hinarap si Mama

"Anak... Dapat umalis na lang tayo..." sambit ni Mama habang naiyak

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya...

"Ma... Konting tiis na lang..." sambit ko

"Anak... Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?" tanong ni Mama

"Opo Ma..." sambit ko

Ilang buwan ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon...

Kakalabas ko lang sa school nang may nakita akong nagaaway sa may kalsada agad akong pumunta doon para pigilan iyon..

"Ah... Tama na.... Please huwag na kayong magaway" sambit ko

"Hoy! Bata! Huwag ka ngang makisali dito ah!"

11 Roses From The Elite BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon