One

2.2K 52 9
                                    

Meir Kim

"Pft"

Nagising ako ng bigla akong may marinig na nag pipigil ng tawa. Nagising ako pero hindi pa ako namulat.

Paniguradong pag hahampasin nanaman ni Kuya yung dalwang takip ng kaldero para magising ako. Wala na bang iba.

Nang pakiramdam ko na malapit ng mag dikit yung takip bigla akong nag salita.

"Sige Kuya gawin mo yan. Lagot ka sakin" binuksan ko yung mata ko para makita na siya.

Para siyang statwa dahil hindi siya gumagalaw. Tama nga ako malapit ng mag dikit yung dalwang takip.

"Nahuli mo nanaman ako? Lagi na lang" pag mamaktol niya na parang bata.

"Paano ba naman kasi Kuya luma na yan. Nagawa mo na pati sakin yang style na yan. Wala na bang iba?" sinamaan ako ng tingin ni Kuya kaya ningitian ko siya ng nakaka asar.

Natapos lang yun ng biglang bumukas yung pinto.

"Jin nasunog ko yung pinapabantay mong hotdog!" si Kuya Namjoon lang pala.

"Bakit mo naman hinayaang masunog?" lumabas na si Kuya at sinundan naman siya ni Kuya Nam Joon.

Grabe babantayan na nga lang niya hindi pa niya nagawa ng maayos. HAHAHAHA.

Tinanggal ko yung kumot ko na naka balot sa katawan ko atyaka ako bumangon. Tinignan ko yung orasan na nasa tabi ng kama ko.

"Hala shit! 7:30 na!" ang pasok ko ay 8! Nakaka hiyang pumasok sa bago kong papasukan ng late noh!

Agad kong niligpit yung hinigaan ko at kinuha yung phone ko. Kinuha ko na rin yung twalya ko na naka sabit sa upuan ng study table ko. Pumasok na ako sa cr at ginawa yung dapat kong gawin. Habang ginagawa ko yun nag online ako at nakita ko na may chat si Sophia.

[Gandang Sophia: Meir!!!! Dito ka na ba talaga papasok?!]

[Cute na Meir: Paano mo naman nalaman?]

[Gandang Sophia: Sabi ng Kuya mo sakin eh. Andito ako sa canteen. Dito mo ko puntahan]

Aish! Si Kuya talaga oh! Gusto ko ngang I surprise si Sophia tas sasabihin niya? Ang daldal naman ng lalaking yun.

Hindi ko na siya nireplyan pa dahil maaaksaya lang yung oras ko. Mag-uusap din naman kami mamaya diba?

Naligo na ako ng mabilis sabay bihis pag katapos. Kinuha ko muna yung bag ko na nasa upuan bago bumaba.

Naabutan ko naman sina Kuya na nakaupo sa sala at mukhang inaantay ako.

"Ang tagal mo naman bumaba" saad ni Kuya.

"Sensya na" sagot ko atyaka tumabi sa kanila.

Naka tira kami sa iisang apartment dahil nasa ibang bansa ang magulang namin. Si Kuya Jin lang talaga ang Kuya in blood ko si Kuya Namjoon Kuya in heart. Mag kaibigan ang magulang namin kaya pinagsama na lang kami sa iisang apartment.

"Uupo ka na lang talaga dyan? Hindi ka na kakain?" napa tingin ako kay Kuya Namjoon ng mag salita sya.

"Hindi na. Baka malate na tayo" sagot ko.

"Mabuti at naisip mo yan. Tara na"

Gaya nga ng sinabi ni Kuya lumabas na kami ng bahay. Sumakay na kami sa bike namin at pumunta na sa school.

Hindi naman masyadong matagal yung pag bibike namin kaya nakarating agad kami sa school namin.

"Meir mag-ingat ka huh? Wag kang makikipag-away sa loob ng school. Pag ikaw nakick out nanaman wala ka ng papasukan dito sa lugar natin" grabe huh? Ako pa?

"Tigilan niyo na rin yung pag tatanggol sa iba. Kayo lang naman ang napapa away hindi naman sila eh" sabi ko sa kanila.

May gang kasi silang mag kakabarkada. Sa totoo lang pito sila. Pati sila yung gang na hindi nakikipag malakasan sa iba. Yung gang nila ay yung gang na pinagtatanggol yung mahihina/naaapi.

"Meir nakaka awa kasi yun. Mas okay na yung may nag tatanggol sa mahina. Pumasok ka na" saad ni Kuya Namjoon.

Ano raw?

"Ha?"

"Wala pumasok ka na. Nga pala baka maencounter mo yung 3 sa kaibigan namin. Kagrade mo yung mga mokong na yun" dagdag pa ni Kuya.

Ano namang paki ko sa kanila?

"Oo na. Oo na. Pasok na ko" tumalikod na ako sa kanila at lumayo.

Naririnig ko na tinatawag pa nila ako pero hindi ko na sila pinansin. Baka hindi na ako maka pasok once na pinansin ko sila. Parang magulang ko sila at ako yung anak nilang pre-school!

Dahil bago pa ako dito sa school na to hindi ko pa alam kung saan yung canteen. Sinundan ko na lang kung saan nang gagaling yung mga taong mag dalang pag kain kaya nakarating ako sa canteen. Nakita ko si Sophia na naka upo sa may upuan.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Alam kong parang shonga to pag nagugulat pero mas okay na salubong yun diba?

1... 2... 3...

"Boo!"

"Ahh palakang kabayo!" sabi sa inyo eh para siyang shonga pag nagugulat.

Hinarap niya ako habang nasa dibdib niya yung kamay niya.

"Ano ba Meir?! Nakaka gulat ka huh?"

"Syempre. Nanggugulat nga eh. May nanggugulat bang hindi nagugulat?" tanong ko.

"Oo. Kuya mo" ayy oo nga noh.

"Anyways! Nice meeting you again!" sabi niya sabay yapos sakin.

Niyapos ko naman siya pabalik. Yung yapos na sobrang higpit.

"O-okay tama na" binitawan ko na siya kaya inakbayan naman niya ako.

"Tara na sa room?" tanong niya.

"Tara" saad ko.

Nag lakad kami papunta sa room namin at may nakita kaming mga lalaki na naka sandal sa may pinto. Yung hinaharangan nila ganon.

Parang kilala ko sila. Kabarkada sila ni Kuya diba?

Hindi ko pinansin ng maigi yung dalwang lalaki dun dahil napako ako tingin ko sa isa nilang kasama.

Teka! Siya ba si Jimin?! As in si Park Jimin?!




AN: Taehyung's fanfic is out! Check my acc.

Gang » Park Jimin ── OCWhere stories live. Discover now