Twenty Three

168 15 1
                                    

R-18 read at your own risk. I'm not a pro sa gantong chapter pero I tried!

Meir Kim

"And this is Meir Kim from Z News"

"Oookay" naka hinga ako ng maluwag ng sabihin yon ng camera man.

Binaba ko ang hawak kong mic pag katapos.

"Baguhan ka pa lang pero ayos ka na ah" puri niya sakin.

"Salamat po" sabi ko sabay ngiti.

Lumapit na kaming dalwa sa kotse para mag ayos ng gamit. Siya inayos niya yung camerang ginamit niya samantalang ako inayos ko yung mic.

"Unang araw mo ngayon ano?" tanong niya kahit hindi niya ako nililingon.

"Opo" simpleng sagot ko.

Tinanggal ko ang suot kong i.d at nilagay sa bag ko. Baka kase mawala ko eh hindi pa to final i.d ko.

"Ahh keep up. Magugustuhan ka agad ni boss" hindi ko alam pero sa simpleng yon napa ngiti ako.

Natutupad ko na pangarap ko. Omg.

Sumakay na kaming dalawa sa sasakyan, nag pababa ako sa may plaza kase may pupuntahan akong kainan. May usapan kasi kaming mga babae na mag kwentuhan sa personal.

"Hi!" masigla kong bati sa kanila ng makarating ako sa kainan.

"Oy ang ganda ng pagkakareport mo ah di ka nabulol" sabi sakin ni Shyl.

"Kung alam mo lang. Ilang beses kong pinaulit ulit yon aa" reklamo ko.

Hindi naman sa reklamong reklamo talaga kase alam ko naman kung anong pinasok ko eh. Ang reklamo eh yung sa bibig ko. Mabilis kase akong mabulol.

Umorder na kami ng pag kain namin. At habang kumakain nag kwekwentuhan kami. Hindi nga namin namalayan na gabi na pala.

"Una na ko sa inyo ha maaga pa ko bukas" paalam ni Angela samin.

Isa isa niya kaming bineso bago siya tuluyang umalis.

"Una na rin kami kailangan pa naming gumawa ng sample posters eh" sabi ni Fiona sabay tayo.

"Posters?" manghang tanong ni MJ.

"Oo girl. Isa sa junkfoods, sa drinks sa soap basta madami susko" paliwanag ni Nycel.

Bumeso na rin silang dalwa samin bago umalis. Nag karoon kami ng saglit na katahimikan bago hinampas ni MJ ang lamesa dahilan kung bakit kami napa tingin sa kanya.

"Hoy tapos mo na yung sample designs mo?!" tanong niya kay Shyl.

"Konti pero ayos lang sa susunod na bukas pa naman deadline ko. Bakit ikaw ba?"

"Omg omg omg alis na ko babye" tumayo siya at ginawa din ang ginawa ng ibang babae kanina.

"Oh tayong tatlo na lang sino sunod?" birong sabi ni Sophia.

"Wala akong gagawin" simpleng sagot ko.

"Osya sabay sabay na tayong umuwi" dahil don tumayo na kaming tatlo at lumabas.

"Andon sila kila Taehyung ah" napa tingin ako kay Sophia ng mag salita siya.

"Oo nga chill daw" sabi ni Shyl.

Binigyang diin pa nga niya yung salitang daw.

Ano yon? Bakit hindi ko alam?

Kinuha ko yung phone ko ng mag vibrate ulit yon. Kanina ko pa pala hindi tinitignan kung sino nag text.

Gang » Park Jimin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon