Twenty Two

183 13 0
                                    

Park Jimin

"Tapos mo na animation?" tanong ko kay Taehyung.

"Pano ko matatapos eh di pa nga tapos ang drawing" sabi niya sabay tingin kay Jungkook.

"Sa tingin mo ganon kadali mag drawing ha" sarkastikong sabi niya.

Habang nag karoon ng maikling pag tatalo sa kanilang dalawa biglang tumunog ang phone ko kaya binasa ko agad kung sino ang nag text.

"Hoy! Una na ko!" sabi ko sa kanila.

"Ha? Bakit?" tanong ni Taehyung.

"Mag kikita na kami nung landlord ng condo" natataranta kong sagot.

Hindi ko na sila hinayaan pang mag salita at pumara na ako agad taxi. Sinabi ko na rin ang address kaya hinatid na niya ako.

Dalawang linggo na ang nakaka lipas pag katapos ng graduation at ngayon nag hahanap ako ng condo. Hindi lang para sakin para samin ni Meir.

After kase mahuli ni Charles balik na kami sa normal. Naka tira na ulit kami sa sari sarili naming bahay. At ngayong graduate na kami, may trabaho na rin, dagdag mo na din na mag jowa kami kaya sa tingin ko okay lang na din na tumira na kami sa iisang bubong.

Kahit hindi pa ganon kalaki. Plano ko rin naman siyang pakasalan.

"Thank you" sabi ko sa taxi driver at inabot ang bayad ko.

Bumaba na rin ako ng taxi, nakita ko naman agad ang landlord kaya lumapit ako sa kanya.

"Sorry po natagalan. Traffic eh" dahilan ko.

Sadya naman traffic naman talaga.

"Hindi okay lang. Tara na?" tumango ako at sinundan siya.

Isang linggo na ang nakalipas pamula ng tawagan ko siya. Isang linggo ko din pinag isipan kung ito na ba ang bibilhin ko. Sapat naman ang pera ko. Ngayon lang kami nag kasundo na mag kita ulit.

Nakarating na kami sa condo na gusto kong bilhin. Habang nililibot ko ang tingin hindi ko maiwasan na mapangiti. Another memories.

"Okay na po to" sabi ko sabay tingin sa kanya.

Nag asikaso kami ng mga papeles bago ko inabot sakanya ang bayad. Medyo natagalan kami kaya inabot ako ng gabi bago maka uwi.

Kumain muna ako ng hapunan ko bago ko napag pasyahan na matulog na.

Kinabukasan, Linggo, maaga akong nagising kaya nag ayos agad ako ng sarili. Plano kong pumunta kila Meir at sabihin sa kanya ang tungkol sa condo.

Nang makarating ako sa tinutuluyan niya, bahay ni Namjoon hyung, saktong labas ni Jin hyung.

"Oh andito ka?" sabi niya sakin na akala mo ngayon lang kami nag kita.

"Ah puntahan ko sana si Meir" sabi ko.

Pamula ng naging kami ni Meir naging awkward na ang lahat samin. Ewan ko ba pero mas naging minimal ang pakikipag usap niya sakin. Or baka naman ayaw niya ko sa kapatid niya?

Tumango tango siya dahil sa sinabi ko. Nilagpasan niya ako kaya sinundan ko siya ng tingin. Nagulat naman ako ng bigla siyang huminto.

Humarap siya sakin at ningitian ako.

"Para kang natatae hindi kita papatayin. Basta alagaan mo lang ng ayos ang kapatid ko" sabi niya bago tuluyang umalis.

Kahit naka alis na siya naka tingin pa din ako sa pwesto niya kanina. Nag proprocess pa rin sakin lahat ng sinabi niya.

"Hoy!" nagitla ako ng biglang may sumigaw sa likod ko.

"Wag ka namang sumigaw aa" sabi ko sa kanya bago siya niyapos.

"Bakit ka nga pala andito? Ang aga ah" sabi niya habang nakayapos pa rin kami sa isa't isa.

"Mag tatanghalian na anong maaga" sabi ko sabay bitaw.

Hinalikan ko rin siya sa noo kaya napa ngiti ako.

Aaahhh hindi kami nag kita ng halos isang linggo dahil sa trabaho.

"Pero seryoso bakit ka nga andito?" pag tatanong niya ulit.

"Tinatanong pa ba yan? Syempre gusto kitang makita masama ba yon? Tyaka maligo ka may pupuntahan tayo" dahil don sa sinabi biglang nag ningning ang mata niya.

Nag mamadali rin siyang pumasok sa loob kaya sinundan ko siya. Tong babaeng to talaga marinig lang na may pupuntahan mas mabilis pa sa langgam.

Umupo ako sa sofa nila ng marealise na siya lang pala mag isa dito. Mukhang nag out of the country ulit si Namjoon hyung ah.

Pamula ng nag karoon na kami ng sari sarili naming trabaho, kahit training pa lang ang iba, hindi na kami ganon nag uusap. I mean hindi na katulad ng dati na araw araw talaga.

Inabot na kami ng tanghalian ng matapos siya kaya napag desisyunan na namin na kumain. Pero syempre don sa kainan malapit sa condo, hindi ko lang sinasabi.

Ilang minuto kaming kumain bago namin napag desisyunan na umalis na. Agad ko naman nilagay ang blind fold sa mata niya.

Nung una reklamo pa siya ng reklamo pero sa huli ako nanalo. Nag lakad kami papunta sa condo habang naka blind fold siya. Buti na lang talaga hindi ganon kalayo to sa kinainan namin.

"Aray ko naman" napa hawak ako sa isa pa niyang kamay dahil sa daing niya.

"Sabi ko hinto ka eh" sabi ko.

Kinukuha ko lang ang susi sa bulsa ko ang likot likot. Parang bata ang cute tuloy.

Nang maramdaman ko na ang susi pinasok ko kaagad yon sa lusutan para mabuksan.

"Hoy gago ano yon?" sabi niya sabay tingin sa paligid kahit wala siyang nakikita.

Naka blind fold nga siya remember?

Pinuwesto ko siya sa may pinto bago ko tinanggal ang naka takip sa mata niya. Bumilog ang mata niya sa nakita niya kaya napa ngiti ako.

"A-ano to?" sabi niya at lalong pumasok sa loob.

Pumasok na rin ako para saraduhan ang pinto. Pinanood ko ang bawat galaw niya at hindi ko maiwasan na mapa ngiti dahil sa reaksyon niya.

Sinundan ko siya ng pumasok siya sa isang kwarto. Nagulat naman ako ng sugudin niya ako at inalog.

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na  naka hawak sa balikat ko para pigilan ang pag alog niya pa sakin. Nahihilo na ko.

"Ayaw mo ba?" tanong ko.

"Hindi! Tanga ka" napa hawak ako sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.

Natanga pa ako huh?

"You like it?" tanong ko.

"Yes!" excited niyang sigaw.

"Maganda sa veranda tuwing gabi. City light" sabi ko sabay turo don sa veranda namin.

Tinignan naman niya agad yon at tumakbo don na parang bata. Sinundan ko naman ulit siya.

Habang naka tuon siya sa railings niyapos ko siya sa likod at nilagay ang mukha ko sa leeg niya.

"I love you" bulong ko.

Humarap siya sakin at hinalikan ako sa labi. Hinalikan ko naman siya pabalik, mas lalo ko rin nilaliman. Tinikman ako ang bawat sulok ng labi niya sa halik namin.

Nagulat ako ng bigla siyang kumalas.

"I love you too. Always" sabi niya bago pumasok ulit sa loob.


AN: Taehyung's fanfic is out! Check my acc.

Gang » Park Jimin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon