Twenty

176 13 0
                                    

Park Jimin

"Malapit na tayo" sabi ni Yoongi hyung kahit halata naman.

Naka lipas na ang dalawang linggo at ngayong araw ang uwi ko. Yoongi hyung lang ang kasama ko kase siya daw ang magdridrive.

Hindi ko lang alam yung iba kase pamula kaninang umaga wala akong nakaka usap sa kanila.

Nang huminto ang sasakyan sa bahay na tinutuluyan namin nag mamadali akong buksan yon kahit alam kong naka lock pa.

"Takte! Intayin mong buksan ko sisirain mo naman eh" dahil don hinayaan ko na lang siya na buksan ang lock bago ako tuluyang makalabas.

Lumanghap ako ng hangin pero agad ko ring pinag sisihan dahil sa naamoy ko.

"Ang baho! Amoy aso" reklamo ko kaya hinarap ko ang kasama ko.

Nag kibit balikat lamang siya habang binababa ang gamit ko.

Nilapitan ko siya para tulungan sa pag baba ng gamit pero pinigilan niya ako. Sinabihan niya din ako na pumasok na kaya ayon ang ginawa ko.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at binuksan. Napa talon naman ako ng konti sa gulat dahil sa narinig kong putok.

"Welcome home!!!" sabay sabay na sigaw nila dahilan para mapa ngiti ako ng wala sa oras.

Lumapit agad sakin ang limang lalaki para yapusin ako. Habang ginugulo nila ang buhok ko wala sa kanila ang atensyon ko.

Hinanap ng mata ko si Meir pero agad ding kumunot ang noo ko ng hindi ko siya makita.

Nang mapa tingin sa dereksyon ko si Shyl binuka ko ang bibig ko para itanong sa kanya kung asan si Meir para nag kibit balikat lamang siya at iniwasan na ako ng tingin.

"Wag mo ng hanapin ang wala" asar sakin ni Hoseok hyung sabay alis.

Tinignan ko ang iba kong kasamahan at ganon din ang ginawa nila. Bakit ba sila naalis?

Napa buntong hininga naman ako at napag desisyonan na pumunta na lamang sa kusina. Iinom na muna ako ng tubig medyo nauuhaw na ko eh.

Nang makarating na ko sa kusina napa hinto ako at ang babaeng katapat ko. Agad ko siyang niyakap at ganon din ang ginawa niya sakin. Pero iniwas niya muna yung dala niya.

"Ala wala na" sita ni Fiona dahilan kung bakit napa bitaw ako sa yakapan namin.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang usapan lalabas siya pag naka talikod ka" sagot ni Angela sakin.

"Kaso pumunta ka don at sinira mo ang plano" napa- aahh na lang ako sa sinabi ni Taehyung. Pinipigilan ko na din ang tawa ko dahil sa itsura nila lalo na tong kay Meir.

"Oh alam niyo kumain na tayo" sabi ni Jin hyung.

Tumabi kaming dalawa kase naka harang kami sa daan papuntang kusina. Tinignan ko si Meir na ngayon ay nakatingin sa sahig.

"Ano nga pala yang hawak mo?" tanong ko.

Tinignan niya ako at nanlaki ang mata na akala mo may sikreto akong sinabi. Umiling lang siya dahilan para lalo akong mag taka.

"Ano nga?" pilit kong tinitignan ang nasa likod niya kaso naiiwas niya agad.

Ilang minuto siguro kaming ganon hanggang sa may nag salita.

"Mochi yan ginawa niya sayo"

"Sophia!" sigaw ni Meir.

Napa tingin ako sa likod ko ng mag salita ang kaibigan niya, or should I say kaibigan namin.

"Bakit? Naka harang kayo sa daan ih" pag rarason niya pero nag pipigil ng tawa.

Tumabi ulit kaming dalawa. Narinig ko at pag buntong hininga niya bago niya nilabas ang tupperwear na hawak niya.

Tinanggap ko yon ng naka ngiti. Binuksan ko ang takip para kumain ang isa. Bigla akong naexcited ng malasan ko.

"Masharop!" sabi ko habang nanguya.

"Don't talk when your mouth is full" sita niya sakin.

"Tama na yan hoy kakain na" dahil sa sinabi ni Namjoon hyung tinakpan ko na ulit ang tupperwear.

Umupo na kami sa hapag. Habang nakain nag kwekwentuhan kami. Ang dami ko palang namiss lalo na sa school.

"Pero ikaw Kuya Jin papayag ka na ba kila Meir at Jimin?" sabay kaming napa ubo ni Meir dahil sa sinabi ni Nycel.

"Hindi! Pag naka graduate na sila baka" napa tingin ako kay Jin hyung dahil sa sinabi niya.

"So you mean mag aantay pa ng isang taon si Jimin bago maging sila ni Meir?" tanong ni Jungkook.

"Oo"

"Okay lang yan pede naman secret relationship" pang aasar ni MJ.

"Anong secret secret ha baka gusto mong hampasin kita dyan"

"Sige hampasin mo ko, hampasan tayo" napa iling na lang ako dahil sa dalawa.

Kahit sabihin nila na walang sila halata mo naman. Tinginan at galawan pa lang ng dalawa halata mo na.

Natapos kaming lahat pagkatapos siguro ng kalahating oras. Sila Taehyung at Sophia na daw ang mag huhugas kaya hindi na ko nag abala pa.

Habang nag lalakad ako pataas biglang may humigit sakin. Mag rereklamo na sana ako kaso ng makita ko kung sino ang gumagawa non sakin mas pinili ko na lang na tumahimik.

Umupo kami sa upuan sa labas. Buti na lang at mahangin dito.

"Madami kang namiss na lessons" panimula niya.

"Oo nga ikaw ba naka habol na?" tumango siya bilang sagot sa tanong ko.

"Kaya nga tutulungan kita basta tulungan mo din ang sarili mo" napa harap ako sa kanya at ganon din ang ginawa niya sakin.

Napa tingin naman ako sa labi niya pero agad ko ding iniwas. Naalala ko ang sinabi ni Jin hyung eh.

"Finals na rin next week" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ang bilis!" tumango siya dahil sa sinabi ko.

"Kaya kailangan mo na mag simula"

Kagaya ng sinabi ni Meir sakin tinulungan niya ako sa lahat. Hindi lahat na absorb ko pero ayos na rin dahilan kaya naka pasa ako kahit papaano.

"Isang taon na lang!" sigaw ni Sophia pero agad niya ding tinikom ang bibig niya dahil nag tinginan sa kanya lahat ng tao.

Andito kami sa isang fast food kakain ng lunch pag katapos namin mang galing sa school para makita ang result ng exams namin. Wala na kaming pasok pag katapos nito kaya pwede na ko mag relax.

"Jimin ano nga palang plano mo?" bulong ni Taehyung sakin.

"Saan?"

Tinuro nilang dalawa si Meir na nakikipag tawanan sa mga babae.

Ako, si Taehyung, si Jungkook at ang tatlong babae lang ang mag kakasama. Humiwalay kase yung iba kanina.

"Liligawan ko" simpleng sagot ko.

"Eh diba sabi ni Jin hyung after graduation pa daw?" sabi ni Jungkook.

"Oo nga liligawan ko ng isang taon. Mag aantay ako hangga't pwede na"



AN: Taehyung's fanfic is out! Check my acc.

Gang » Park Jimin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon