Ten

267 22 0
                                    

Park Jimin

"You may go" tahimik kami habang pinapanood yung adviser namin na lumabas ng classroom.

Galit kasi nanermon.

Nang maka alis na siya mga ilang segundo lang nag ingay na ulit yung klase. Parang wala lang nangyare ganon.

"Guys kuha muna ako ng susuotin ko sa bahay tas deretso na lang ako sa bahay nila Namjoon" napa tingin kami kay Fiona ng bigla siyang mag salita sa likod.

"Sumabay ka na samin" saad naman ni Jungkook.

"Iba ang daan papunta samin sa papunta sa inyo. Lalayo pa kayo tyaka mag tatagal"

"Baka mapa-"

"Think positive guys. Tyaka mag momotor naman ako kaya mabilis" pag puputol ni Fiona sa sasabihin ko.

Saglit kaming nag tahimik kaming tatlo at nag katinginan.

"Ako na bahala kay Namjoon" sabi niya tapos isa isa kaming pinat sa balikat namin.

Nagulat naman kami ng tumakbo na siya palabas ng classroom.

"Fiona saglit!" sinundan siya ni Taehyung pero maya maya lang bumalik na.

"Wala na nakatakas" pagod na pagod na saad niya.

Napakibit balikat na lang ako sa sinabi niya.

Nag ligpit na kami ng gamit namin hanggang sa napag desisyonan na naming umalis na sa room.

Kasama nanamin yung anim na babae gaya ng napag usapan. Bago pumunta sa bahay nina Meir sasamahan muna namin sila na kumuha ng gamit.

Kaming lima lang ang pumasok para daw mabalaan yung mga babae sa plano. Hindi pumasok yung dalwa kase gagawa daw sila ng plano at mag uusisa daw. Ang daya nga di ako sinama.

"Nagugutom na ko" rinig kong bulong ni Shyl kay Jungkook.

"May sandwich sa bag ko ginawa ko kanina sa bahay nina Suga kainin mo" saad naman ni Jungkook.

Naka labas na kami ng gate kaya pinauna na namin yung tatlo na babae. Dahil katabi ko si Meir katabi ni Taehyung si Sophia at mag katabi yung mag jowang sina Jungkook at Shyl.

"Anong meron don?" pag tatanong naman ni Nycel kaya napa tingin kami sa tinitignan niya.

Nakatingin sa may kaliwa sa may kanto.

"Bat parang familiar" saad naman ni MJ.

"Si Fiona yon diba?!" nanlaki yung mata ko ng tama ang sinabi ni Angela.

Si Fiona nga. Nasa kalsada na yung motor niya habang hinihigit siya ng dalwang lalaking naka itim.

Tumakbo kami papalapit sa kanya. Lalapitan na sana ni Jungkook yung isa sa mga lalaking humigit sa kanya ng maunahan na siya.

Inunahan siya ni Sophia.

Hinigit niya yung damit ng isa sa mga lalaki. Nang humarap na yon sa kanya agad niyang sinalubong ng malakas na suntok sa mukha dahilan para matumba yung lalaki.

Tutulungan na sana naming tatlo nina Taehyung si Sophia ng bigla akong sabihan ni Jungkook na mag stay kasama yung mga babae para mabantayan. Baka daw kase may kumuha sa kanila habang kinukuha namin si Fiona.

Baka daw maging isang patibong yon.

Lumayo na si Sophia kasama si Fiona sa kanila at pinabayaan niya sina Jungkook.

"Fiona anong nangyare?" pag tatanong naman ni Angela.

"Nag momotor ako paalis ng biglang humarang yung sinasakyan nila sa dadaanan ko. Aalis na sana ako ng biglang bumama yang dalwang yan at pilit na hinihigit ako" naiiyak na paliwanag niya.

Kinomfort naman agad siya ni Shyl.

"Sabi ko sayo dapat sumabay ka na samin. Kayong mga babae na malalapit samin ay hindi ligtas lalo na may nag iinit samin" pag papaliwanag ko.

Tinignan ko ulit sina Jungkook at nakita ko na pinatumba na nila yung dalwang lalaki.

Lumapit sa kanila sina Angela, MJ at Nycel para icheck kung anong meron sa dalwa.

"Kayong mga nasa paligid kayo wala kayong kwenta. May nakikita na kayong dinudukot di niyo pa tinutulungan. Pinag bubulungan niyo pa. Walang mapapala yang mga chismis niyo di uunlad ang bansa natin dahil puro kayo ganyan. Yung mga lalaki naman tinitignan pa at pinag kakatuwaan. Sa halip na tulungan pinag tatawanan pa dahil di makalaban. Mga bakla kayong mga lalaki kayo sana mabaog kayo" harsh na sigaw ni Sophia na ikinagulat naming lahat.

First time kong makitang magalit si Sophia ng ganto ganto. Lagi ko kaseng nakikita sa kanya yung pagiging sweet niya at masayahin. Di ko lang inaasahan na ganto pala to pag galit.

Nakaka takot.

At ang lakas din niyang sumuntok ha. Taob agad yung isa eh.

Pina relax naman ni Meir si Sophia dahil don. At makikita mo nga naman talaga sa mata niya na galit na galit siya dahil sa nangyare.

May point naman kase siya. Di naman talaga tumulong yung mga nasa paligid. Mga walang kwenta nga naman.

Napatingin ako kay Meir habang tinutulungan niya mag relax si Sophia. Di ko nga alam napangiti na nga ako eh.

"Teka lang" napa kunot noo ako ng sabihin niya yon habang nakatingin sa malayo.

Napatingin naman ako sa tinitignan niya.

Nag lakad na siya paderetso kaso papalayo samin kaya sinigawan ko siya kaso di niya ko pinansin sa halip tumakbo siya papunta sa kabilang kalsada.

"Hoy bumalik ka dito!" nanlaki mata ko ng sumigaw siya non habang naka tingin sa isang direksyon kaya tumakbo ako papalapit sa kanya.

Huli na ko at tanging isang kotse na lang na humaharurot ang naabutan ko.

"Ano yon?" pag tatanong ni Taehyung.

Di ko na tuloy napansin na andito na pala sila sa pwesto namin.

"Alis na tayo. Kumuha na ng gamit" cold na saad ni Meir at nauna ng mag lakad.

Tahimik lang kami habang nag lalakad.

Sinabayan kong mag lakad si Meir habang yung dalwang lalaki naman ang nahuhuli. Nag mumukha tuloy kaming body guard ng mga babae.

Pero sa gantong sitwasyon ganon nga ang role namin.

Pumunta na kami sa mga bahay ng mga babae. Kumuha na sila ng mga damit na susuotin nila at pumunta na kina Meir.

Habang nag lalakad, di kalayuan sa bahay nila huminto siya sa pag lalakad at hinarap kami.

"Wag niyo ng ipapaalam sa kanila ang nangyare kung ayaw niyong mag kagulo ng sobra" cold na saad niya at umuna na ulit sa pag lalakad.

Kanina pa yan walang kibo at tulala lang habang nag lalakad. May binubulong din siya pero di ko maintindihan. Pero may kutob ako na may clue siya kung sino ang gumagawa ng lahat ng to.



AN: Taehyung's fanfic is out! Check my acc.

Gang » Park Jimin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon