Twenty Four

184 12 0
                                    

Park Jimin

"Nice work for a newbie" hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil sa sinabi ng President ng companya na pinag ttrainingan namin.

Inantay pa namin siya na mag salita kaso bigla siyang tumayo. Nilahad niya ang kamay niya samin kaya tinignan namin yon.

"Congratulations! Welcome to the J.I.L Gaming Company" dahil don tinanggap ko ang kamay niya. Ganon din ang ginawa ng dalawa kong kasama.

"Tomorrow is your first day so you may go home and take some rest" masigla niyang sabi.

"Thank you!" sabay sabay namin na saad bago nag bow at umalis.

Hindi ako maka paniwala may trabaho na ako, kami. Sama sama pa.

"May trabaho na rin tayo!" masayang sabi ni Taehyung habang nililigpit namin ang gamit namin.

"Hindi na natin isusuot pa tong i.d na to" sabi ko sabay taas sa suot kong trainee na i.d.

"Tara iinom" sabi ni Jungkook.

"Kakainom lang natin kahapon hoy" suway ni Taehyung sakanya.

"At may pupuntahan ako" sabi ko sabay sabit ng bag ko sa balikat ko.

"Sama kami" sabay sabay kaming lumabas ng building.

Nag abang kami ng taxi buti na lang hindi ganon kahaba. Nag sabi ako na sa mall na lang kami bumaba kaya ganon ang ginawa ng driver.

"Salamat po" sabi ko sabay abot ng bayad.

Dumeretso ako sa jewelry store, since sinusundan nila ako don na rin sila pumunta.

"Bat tayo nandito?" hindi ko sinagot si Taehyung bagkus pumunta ako sa lugar kung saan naka pwesto ang mga singsing.

"Good afternoon sir! What kind of ring ang gusto niyo?" bati sakin ng babae.

"Teka lang don't tell me na-"

"Marriage ring" simpleng saad ko.

Naramdaman kong hinampas ako ng dalawa na akala mo bata pero pinanood ko lang si Ate na ilabas ang apat na box.

Sa unang box normal na sing sing lang siya na silver. Sa pangalawa naman parang ganon pero gold. Sa pangatlo infinite na silver. At sa pang apat silver na may diamond.

"Hindi mo naman sinabi na may balak ka pala ah" sabi ni Jungkook sabay usisa sa mga nilabas ni Ate. Ganon din ang ginawa ni Taehyung.

After ng nangyari saming dalawa ni Meir kagabi, pamula ng nagising ako eto na ang iniisip ko. Ang pakasalan siya.

I mean kahit wala pa namang mangyari saming dalawa alam kong papakasalan ko na talaga siya. Simula pa lang nung una.

"Hoy wag kang masyadong maexcited. Natutulala ka" asar sakin ni Taehyung.

Kinuha ko yung box kung saan andon ang diamond na sing sing. Ang ganda, sobrang ganda. Bagay sa kamay ng future bride ko.

"I'll take this" sabi ko kay Ate sabay abot sa kanya.

Pinanood ko siyang ihanda yon kaya kinuha ko na ang wallet ko sa bulsa ko.

"May pera ka ba" usisa ni Jungkook.

Sinilip dalawa ang wallet ko. Napa hawak naman sila sa bibiga nila ng makita yon.

"P-pano?" nauutal na tanong ni Taehyung.

Gang » Park Jimin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon