XVIII

109 3 0
                                    

D O M I N G O

Pasado alas nuebe na, at kaninang on the way ako sa office pa ako kinakabahan. Kapag nadi distract ako, nawawala sa isip ko yung kaba, pero ngayong halos magte ten na, kinakabahan ulit ako. So I grabbed my phone and texted her.

To: Tots ☺️
"What happened?"

I didn't get any messages from her in the morning. Usually, mga 8:30 magtetext na yon if ever hindi siya makapag text ng 7:00 AM. Hindi ko alam kung tama ba yung sinend kong text, hindi ko din alam kung paranoid ba ako or nag o-overthink lang.

Mababaliw ako neto.

Uy worried siya.

Syempre! Baka inatake na yon ng sakit niya!

Tologo? Sakit nga ba talaga?

Oo naman! Last time she got herself hurt dahil inatake nanaman siya ng sakit niya. Baka nga lumala kapag inatake siya ngayon.

"Huy Ced! Baka maaksidente ka dyan."

Nagulat naman ako ng tinawag ako ni Marianne.

"Ha?"

"Magbabanggaan na yung kilay mo, kanina mo pa tinititigan phone mo. Parang may atraso naman cellphone mo sayo." She chuckled.

"Wala. Uhm, ano, may ano lang, nakalimutan lang akong gawin sa check list ko this day." I lied, again.

"Ikaw ha, feeling ko labas ilong yan." She teased.

"Baliw! Magtrabaho ka na nga." I exclaimed.

I shooed her away and she left my place laughing. Minsan sarap niyang sabunutan, for real. Pero syempre, joke lang yon. Hehehe.

Hindi rin ako makapag focus sa work, dahil inaalala ko pa rin si Tots. Parang may sakit ako sa puso, kasi hindi na normal yung heart beat ko kaka-worry eh. Naisip ko din na tawagan siya, para mapalagay na ako. Pero para ano? Tanungin siya kung okay lang ba siya? Or tanungin kung bakit hindi siya nagtext nung umaga?

Wow. Ano ka, teacher niya at ang attention niya sayo lang? Wow talaga, Ceddy.

Shut up. Hay nako. Panira ka e.

I jumped to my seat nung nakita kong nagpop up sa phone ko yung name niya. Mas mabilis pa sa snatcher 'tong kamay ko kung hablutin ko yung phone ko kahit nasa lamesa ko lang naman,

From: Tots ☺️
"Huh? What do you mean what happened?"

Parang naka hinga naman ako ng maayos nung nagreply siya. At least, di ba.

Happy ka na nyan?

Relieved lang ako, hindi ako masaya. Magka iba yon.

To: Tots ☺️
"Ang unusual kasi hindi ka nakapag text nung morning. Akala ko kung napano ka na."

Yie, worried siya. Akala ko ba relieved ka na?

Pwede ba? 🙄🙄

Bilis niya magreply, huh.

From: Tots ☺️
"Ah yun ba? Ang sama kasi ng panaginip ko kagabi, kaya siguro I overslept. Hahaha. I'm good naman, so no need to worry. So anyways, good morning pa rin ☺️"

Mas naka hinga ako ng maayos nung mabasa ko text niya. Hays. Medyo napalagay na ko after nun, kaya mas maayos na ako magtrabaho ngayon.

After lunch break...

Pabalik na kami sa kanya kanya naming office cubicles dahil tapos na ang lunch break.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Psychosis (ToLine FanFiction)Where stories live. Discover now