CHAPTER EIGHT

8.6K 291 32
                                    

The Hero named Archles




Gulat ang rumehistro sa mukha ni Suzanne nung makita n'ya kung sino ang may-ari ng kamay na lumalahad sa kan'ya ngayon habang nasa tubig s'ya.

"Mark Andrew Gosiengfiao? Ano'ng ginagawa n'ya rito?" Hindi maiwasang kumunot ang noo ni Suzanne habang nakatingin sa blangkong mukha ni Mark. Alangan naman, sino'ng hindi magugulat na ang taong laging nambibwisit sa kanya'y ito pa mismo ang maglalahad ng kamay sa kanya para tulungan s'ya?

Unti-unti namang inangat ni Suzanne ang kan'yang kamay para abutin ang kamay ni Mark ngunit natigilan naman s'ya agad no'ng magsalita si Mark.

"My ballpen. I know you're keeping it."

Maang naman s'yang nakatingin sa binata at nakaramdam agad s'ya ng pagkadismaya. Tsk. Paasa. "P-Paano mo nalamang nasa akin 'yung ballpen mo?"

"Sino nga ako?" tanong ni Mark.

Kumunot naman ang noo n'ya sa naging tanong ng binata sa kan'ya. May amats ata ang lalaking 'to eh. Sa sobrang katalinuhan n'ya siguro, nagkaka-amats na s'ya. "Mark A—este Mark Gosiengfiao."

"Buti alam mo," untag nito. "Akin na 'yung ballpen. Nagmamadali ako."

"Oo na, oo na ito na!" Agad namang kinuha ni Suzanne ang ballpen ni Mark na nasa bulsa ng kan'yang uniform at inabot ito sa binata. "Ayan!"

Saksak mo sa baga mo leche! Gusto pa sanang dagdagan ni Suzanne ang kan'yang sasabihin pero nanahimik na lang s'ya. Mahirap na baka ma-trouble pa s'ya.

"You should be thankful that my fountain pen is waterproof." Mark smirked as he stood up and walked away from her.

Suzanne secretly made a face. "Eh ano naman ngayon kung waterproof 'yang ballpen n'ya, ha? Mas pasalamat s'ya at tinago ko pa 'yang ballpen na 'yan. Tsk, at least man lang tulungan n'ya ako sa pag-ahon dito bilang pasasalamat ano? Demoñito talaga."

"Poor her. She thought Mark will help her to get her ass out of that swimming pool but her assumption is wrong." Napatingin naman s'ya sa Aphrodite na ngayon ay tinatawanan s'ya.

Napangiwi na lamang s'ya. "Tsk, isa pa 'tong grupong 'to sarap ibaon nang buhay. Bakit ba kasi nag-e-exist ang mga taong tulad nila?"

"Next time, stop being brainless brats by doing this petty stuff. Baka makalimutan kong babae kayo." Natahimik naman ang buong Aphrodite sa sinabi ni Mark. Napakurap naman si Suzanne sa sinabi ng binata bago ito tuluyang umalis ng natatorium.

Bumuntonghininga na lamang si Suzanne at pinilit iangat ang kan'yang sarili para makaahon ngunit nakakita na naman s'ya ng kamay na nakalahad sa kan'ya.

"Alam mo, kanina ka—" Natigilan at napamaang si Suzanne no'ng makita n'ya ang mukha ng may-ari ng kamay na iyon.

"OMG, it's Archles!" halos mangisay na sa kilig sina Veronica, Avery, lalo na sina Mariz at Vanessa nang makita nila si Archles na sadyang crush ng dalawa mula sa Apollo.

"Bilisan mo na. Hawakan mo na ang kamay ko. Alam kong kanina ka pa giniginaw," malumanay na alok ni Archles kay Suzanne.

Napakurap naman si Suzanne bago n'ya tinanggap ang kamay ni Archles at agad naman s'yang hinila ng binata para makaahon mula sa swimming pool. Nakaramdam agad ng lamig at panginginig si Suzanne kaya agad kinuha ni Archles ang twalya na naroon at binalot kay Suzanne.

"Flirting with two boys, huh?" Avery gritted her teeth.

"I really hate that bitch," Veronica muttered, and her friends agreed.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now