CHAPTER TWENTY-TWO

6.4K 279 34
                                    

The following contest debate piece is based on Arirang TV's "Intelligence: High School Debate".



それはいいですね

I Like It 




Isang munting ungol ang pinakawalan ni Suzanne nung magising s'ya sa inookupahan n'yang hotel room. Unti-unti s'yang umupo sa kanyang higaan at napatingin sa bintana kung saan nagsisimula nang sumilip ang sinag ng araw.



"Waah," hindi maiwasan ni Suzanne ang mamangha habang nakatingin sa cherry blossoms. Parang bata s'yang tumakbo palapit sa lilim nito para saluhin ang mga nahuhulog na petals mula sa cherry blossom tree.

Strings of giggles escaped on Suzanne's lips and her companion was silently watching her with warm eyes. 

"Do you wanna take a picture?" napatingin agad s'ya kay Mark na ngayon ay nakatingala sa cherry blossoms. 

Bahagyang napakamot ng ulo ulo si Suzanne. "Gusto ko sana kaso... walang camera ang cellphone ko eh. Hehehe."

"It's okay," nagkibit-balikat si Mark at agad kinuha ang kanyang cellphone. May kung anu-ano s'yang tinipa rito bago n'ya ito itinapat kay Suzanne. "I'll take a photo of your instead." 

"Talaga?" agad nagliwanag ang buong mukha ni Suzanne. "Okay lang ba?"

"Yes," tumango si Mark bilang tugon. Ngumiti nang malapad si Suzanne sa binata at excited na excited s'yang nag-pose sa lilim ng cherry blossoms. 

Mark chuckled silently as he snapped so many photos of Suzanne. "I'll e-mail this to you later."

"Okay," nakangiti parin nang malapad si Suzanne sa kanya at agad bumalik ang tingin nito sa cherry blossoms. 

Napansin agad ni Mark ang dumapong petal sa buhok ni Suzanne kaya agad s'yang lumapit sa likuran ng dalaga para kunin ito. Saktong pagkakuha n'ya sa petal ay tumingala sa kanya si Suzanne.

Even if her face is upside-down on his sight, she still looks cute. 

'Damn.' 

"Bakit?" inosenteng tanong ni Suzanne sa kanya.

Agad s'yang tumikhim at pinakita kay Suzanne ang hawak n'yang petal. "Nasa buhok mo, kinuha ko lang." 

Agad namang humarap sa kanya si Suzanne at inilahad ang kanyang palad kay Mark para tanggapin ang cherry blossom petal.



"Kahit papaano naman, may kabaitan pa rin talagang taglay ang mokong na 'yun," napatitig si Suzanne sa nag-iisang cherry blossom petal na binigay ni Mark sa kanya na nasa kanyang side table. 

Hindi na n'ya maiwasang mapangiti.



LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now